Chapter Nine

4.3K 153 15
                                    

HINDI pa rin makapagdesisyon si Sabrina kung pupunta siya sa anniversary party ng West Star Hotel. Nang tawagan siya ni Hance ay hindi pa rin niya sinabi rito na sigurado siyang makakapunta.

Nang makapag-day off siya ay maghapon siyang tumambay sa opisina kahit wala naman masyadong trabaho. Nanunuod lang siya ng movie sa kanyang laptop habang naroon siya sa couch at nakaupo. Na-distract siya nang may kumatok sa pinto.

"Come in!" sabi niya habang hindi maalis ang atensiyon sa pinapanood. Maganda kasi ang flow ng Korean drama na pinapanood niya.

"Ma'am, may bisita po kayo," sabi naman ni Adriana.

Hindi pa siya nakapagsalita ay pumasok na si Maya. Iniwan naman ito roon ni Adriana. Inilapag nito sa center table ang dalang echo bag katabi ng laptop. Malamang mga pagkain ang laman nito. Umupo ito sa kanyang tabi sa gawing kanan.

"Bakit hindi ka nag-reply sa text ko? Ang sabi ko ay pupunta ako rito after lunch. Katatapos lang ng duty ko sa ospital," palatak ni Maya.

"Busy ako, hindi ko nahawakan ang cellphone ko," sagot niya. Nakatutok pa rin ang atensiyon niya sa pinapanood.

"Busy? Ah, busy ka sa kakapanood ng KDrama. Malamang, stress ka na naman," sabi nito. Alam na alam talaga ni Maya kapag stress siya.

Mabisang stress reliever niya ng panunood ng movies lalo na ang mga Korean Drama. Kahit nasa ospital sila ay nagnanakaw sila ng oras para makapanood ng movie kahit sa cellphone lang. Minsan na rin siyang nahibang sa kakapanood ng mga erotic movies na isini-share ng mga katrabaho sa ospital.

Inilabas naman ni Maya ang mga dala nitong pagkain na nakalagay sa transparent food dispenser.

"Magmeryenda muna tayo. Nagpaluto si Mommy ng baked macaroni at cinnamon roll," sabi nito.

Kinuha naman niya ang ginamit niyang plato kaninang tanghalian. Natakam siya sa baon ni Maya. Kaya gustong-gusto niya ito, eh. Sa tuwing dadalawin siya nito ay may dala talaga itong pagkain o kung anong anik-anik na ibinibigay sa kanya.

"Siya nga pala, bhe, anniversary party ng West Star Hotel sa Sunday, kasama ka ba ni Hance? Kung sasama ka, sasama rin ako kay Mommy. Invited kasi si Mommy, since suki niya ang Mommy ni Hance sa mga damit. Katunayan ay sa boutique namin bumili ng damit ang jowa mo," ani Maya.

Lalo siyang na-stress sa sinabi nito. Bumagal ang pagsubo niya ng baked macaroni.

"Ang totoo, ayaw ko talagang pumunta, eh," sabi niya.

"What? Bhe, boyfriend mo ang may-ari ng hotel, dapat naroon ka para samahan siya. Magandang pagkakataon na rin iyon para mas makilala mo ang pamilya niya. Hindi ka pa rin ba komportable?"

Umiling siya. "Hindi ko maintindihan, Maya. Habang tumatagal kami ni Hance ay lalo akong nahihirapan at feeling ko ay lalo akong nasasakal," matamlay na sabi niya.

"Haler? Ang suwerte-suwerte mo kaya kay Hance. Kinaiinggitan ka ng maraming babae, bhe. Mantakin mo, nagka-jowa ka ng mala-Bill Gates sa yaman na lalaki?"

Bumuntong-hininga siya. "Maya, alam mong hindi ako hangol sa pera. Simpleng buhay lang ang gusto ko. Gusto ko ng komportableng buhay," aniya.

"O 'di sana hindi mo na lang sinagot ang panliligaw ni Hance. Pinaaasa mo lang 'yong tao," sermon nito sa kanya.

"Hindi mo ako naiintindihan, Maya. Hindi ako makasarili alam mo 'yan. Mahal ko si Mama at ayaw kong sumama pa ang loob niya nang dahil sa akin. Wala na akong choice. Hindi na rin naman ako babalikan ni Carlos. Noong sabihin sa akin ni Carlos na huwag ko na siyang abalahin, sumuko na ako at naisip ko na pagbigyan na lang ang gusto ni Mama at Kuya," paliwanag niya.

Obsession 3: Desiring Her (Complete)Where stories live. Discover now