050

122 8 8
                                    

  

Music.

"Good morning, boy," bati ko kay Rock na kamumulat pa lang sa higaan niya. Saglit siyang napasulyap sa akin na nakaharap sa salamin at nag-aayos ng mukha ko. It's 5AM at 9AM pa magsisimula ang second day ng seminar. Gusto ko lang lumibot sa resort lalo na't wala pa atang katao-tao.

"Aga mo naman ata," namamaos niyang bati at napabangon na sa higaan niya.

"Gusto ko lang lumibot sa resort. Atsaka ang ganda panigurado ng dagat ngayon," sabi ko habang naglalagay ng liptint.

"Gago, malamig," sabi niya matapos tingnan ang gray t-shirt ko at maong shorts.

"Sama ka? Tara!" aya ko pagkatapos maglagay ng pabango.

"Yoko. Inaantok pa ako."

"Oks," sabi ko at patayo na sana ako sa inuupuan ko. Pero hinagis siya at nasampay sa likuran ko kaya kinuha ko kung ano ang hinagis niya. Paglingon ko sa kanya at pahiga na siya at nagtakip sa comforter.

Napatingin ako sa gray na hoodie niya. Naamoy ko rin ng pabango niya kaya inamoy-amoy ko muna. Shems. Sinuot ko 'yun at lumabas na sa kwarto. Nalanghap ko agad ang lamig ng hangin kaya napayakap ako sa sarili ko. Gusto ko 'yung ganitong lamig!

Habang naglalakad ay napapatingin ako sa motif ng resort. Ang ganda kasi ng pagka-brown at white ng paligid. Nakakapresko. Wala pang masyadong mga tao dahil siguro masyado pang maaga ngayon.

Kaso may nakikita akong lalaki na nakaasul na sweater. May nakasabit din na gitara sa likuran niya at naglalakad siya papuntang dagat.

Nagdadalawang isip pa ako kung pupunta rin ba ako ng dagat. Umupo siya sa mga pinong buhangin habang nakatingin sa mahinahong dagat. Dumaan na lang ako sa likuran niya at bumalik sa mga cottage kaso nakita ko 'yung Roll na bagong gising kasama ang iba niyang kasama kaya agad akong napaupo para magtago sa mga matatangkad na halaman.

"Asan na ba 'yung si Side? Hanapin niyo nga! May usapan kami eh!"

Sinuot ko ang hood ni Rock at napayuko dahil may naramdaman akong umupo sa tabi ko at nagtago rin sa mga halaman.

Napapikit ako at nagtago sa mga tuhod ko. Jusko po! Ang aga-aga, nakita ko na naman 'yung mukha ni Roll!

"Pucha, ayoko ngang magpautos sa kanila.." bulong ng lalaki sa tabi ko kaya unti-unti akong napatingin sa kanya. Nasalubong ko agad ang mahinahon niyang mga mata at biglang nanlaki ito nang makita ako.

"M-Music.." Oh, kilala pa niya ako. Natigilan ako dahil parang kilala ko siya. Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita. Parang ang tagal ko na siyang nakita at pilit kong hinalungkat ang mga listahan ng kilala ko.

"May fishpond sa likuran ng lodging house. Gusto mong makita?" bulong niya kaya tumango ako. Habang hawak-hawak niya ang gitara niya ay nakayuko kaming umalis sa pinagtataguan namin at parang mga ninja na naglakad.

Paglingon ko ay nakita kong pabalik sila Roll sa kwarto nila kaya kinuha ko ang pulso ng lalaki at tumakbo palayo.

Tumatawa kami nang makarating sa sinasabi niyang pond at may maliit na tulay doon. "Kaloka," tanging nasabi ko sa gitna ng paghihingal ko.

Nang makita niya akong natatawa ay natawa rin siya bago napailing at may dinukot sa bulsa niya.

"Gusto mo kape?" May inabot siyang coffee in can. "Mainit pa." Paghawak ko sa kape ay mainit pa kaya pinasok ko ito sa bulsa ng hood ko.

"Ikaw?" tanong ko habang pinapainit ang mga kamay ko.

"Meron din!" Masigla niyang pinakita ang isa pang coffee in can. Binuksan niya ito kaya binuksan ko rin ang akin.

"Thank you." Napangiti ako kaya napangiti rin siya.

"Hindi mo ako makilala?" tanong niya kaya doon na ako nag-isip. Sabi ko na nga ba! Kilala ko 'to pero hindi ko lang maalala! Napakunot ako ng noo kaya mukhang nakuha niya ang reaksyon ko.

"Taga-South Orwell! Barkada ng pinsan mo! Si Reddie? Nagkita tayo noong birthday niya 3 years ago!" pagpapakilala niya habang nanginginig ang mga kamay niya na tinuturo ang sarili niya. Medyo nauutal pa siya at mabilis magsalita. Parang kinakabahan pa siya.

Napatitig ako sa kanya. Pagkurap ko ay naalala ko ang una naming pagkikita sa bahay nila Reddie, ang pinsan ko sa side ni Mom.

"Side! Side Rivera!" Sigurado ako sa pangalan niya dahil paulit-ulit siyang nagpapakilala sa akin dati. Highschool pa ako nun kaya medyo nakalimutan ko. Pero kilala ko pa siya! Naalala ko na siya ngayon.

"Oo! Naaalala mo pa ako!" masaya niyang sabi at pinunasan ang kamay niya bago ilahad sa harapan ko. Natawa ako at tinanggap 'yun.

"Long time no see," sabi ko kaya napangiti siya lalo.

Nagkwentuhan kami habang nakasandal sa hawakan ng tulay ng pond. Malinis ang tubig doon at kitang-kita ang mga isda.

"Akala ko talaga, hindi na tayo magkikita. Kumakanta ka pa rin ba hanggang ngayon?" tanong ni Side habang nagtutugtog sa gitara niya.

"Yep! Nag-g-gig ako sa Bargone sa Northernville," sagot ko.

"Ah, pinapagig din ako sa Bargone ng Southernville. Sabi ni Reddie kaya pumayag na lang din ako."

"Hala! Bet!" Pumalakpak ako kaya tumawa siya.

"Sa'yo ba ang hoodie?" tanong niya nang mapansin na napakalaki ng hoodie sa akin. Umiling ako at muling inamoy ang hoodie ni Rock.

"Sa schoolmate ko. Malamig daw eh."

Napatango siya at saglit na napatigil sa pagtutugtog.

"'Yun ba?" Ngumuso siya sa kalayuan at pagtingin ko roon.

Nakita ko si Rock, mukhang bagong ligo at nakabihis. Kaso nakaekis ang mga bisig niya at masama ang tingin sa amin.

- - -

Note: Si Side Rivera ay galing sa isang series ko, SOUTH ORWELL SERIES. Ang unang libro ay Geometric Style, andoon si Side Rivera and the rest of the gang na nagpapasakit ng ulo ni Geometry Metro. Sana mabasa niyo! Thank you hiehiehiehieheie

Hey Rock (EDITING)Where stories live. Discover now