Page 12

186 12 0
                                    

"Advance happy monthsary." sa sinabing iyon ni Jorge ay agad kong tinapos ang call. Monthsary.

Hindi ko hahayaan na darating ang araw na iyan. Hindi ko hahayaan na mawala si Jorge. Hindi.
3. Iyan ang eksaktong araw ng monthsary namin ni Jorge. 1 na ngayon at dalawang araw na lang ang natitira. Pinag-isipan ko ang lahat bago dumating ang araw na iyon at nakapag-desisyon na ako.

"Diba sabi mo? Ang pinakamasakit na ending ay hindi yung tipong katulad sa titanic na namatay si Jack at naiwan si Rose? Kasi sa ending na iyon, napatunayan ni Jack kung gaano niya ka-mahal si Rose. Hindi yung tipong nagka-iwanan lang sila sa ere at hindi alam kung ano ang nangayri." inilapat ko ang ulo ko sa balikat ni Jorge. Nakaupo kami ngayon sa isang bench dito sa isang park habang magkahawak ang mga kamay.

"Bakit mo nasabi yan?" tanong niya.

"Wala lang. Pero alam mo Jorge, tama nga yung tungkol kay Jack at Rose. They proved their love with each other. Pero, pano kung mangyari sakin yung nangyari kay Jack?"

"Catherine, don't say that,." sabi ni Jorge.

"Pero pano nga kung ganun?" tanong ko ulit sa kanya.

"I won't let it happen." biglang sumeryoso si Jorge. Katahimikan, iyan ang namagitan saming dalawa. Pero, nakapag-desisyon na nga ako. At mamayang gabi, tatapusin ko na ang lahat.

"Tandaan mo Jorge, mahal na mahal na mahal kita," sabi ko kay Jorge.

"Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ba't pakiramdam ko, mawawala ka?" tanong niya.

"Hindi.” Ngumiti ako,  “Hindi ako mawawala. Promise yan!" hindi ako mawawala kasi patuloy akong mabubuhay sa puso mo Jorge.

"Hanggang dito na lang siguro ako," napahinto kami ni Jorge sa tapat ng dagat. Kitang-kita namin ngayon ay mahinahong paglubog ng araw. Ang kulay ginto ilaw ay dumadampi rin sa mukha ni Jorge. Napakagwapo niyang tignan.

"Are you sure? Ayaw mo ba talagang ihatid kita sa apartment mo? 3:50 pm pa naman e. Maaga pa. Pwede pa kitang ihatid."

"Hindi na. Dito nalan talaga ako." sagot ko sa kanya.

"Kung ganun, sige, aalis na ako." Akmang aalis na sana si Jorge nang bigla siyang bumalik at niyakap ako ng mahigpit.

"Bakit ganito ka magsalita? Ba't parang mawawala ka talaga?" tanong niya. Kumirot biglang puso ko. Ba't ang lakas mong makaramdam Jorge?

"Asus! Saan naman ako pupunta? Diba nag-promise tayong dalawa? Walang iwanan?" sagot ko. Di ko namalayan, napaiyak na pala ako. Hindi ko lang pinahalata kay Jorge.

"Sige, mag-iingat ka. Tawagan mo 'ko kung may problema? Okay?"

"Okay!" nang magsimulang maglakad si Jorge ay nagsimula ring pumatak ang luha ko. Nag-wave siya ng kamay at nag-wave rin ako. Nang mawala siya sa panigin ko ay nagsimula akong maglakad sa buhangin. Tinanggal ko ang sapin ko sa paa ko at makalipas ang ilang sandali ay di ko na namalayan na unti-unti na pala akong nilalamon ng dagat hanggang sa lunurin ako ng tubig at tangayin ako ng alon...

Kung ako rin lang naman ang magiging dahilan para mawala si Jorge.

Kung ako rin lang naman ang magiging dahilan upang mahinto ang kanyang buhay... ay maligaya kong gagawin ang paraan na ito upang maging mas mahaba pang buhay niya, upang maranasan niya pa sa mas mahabang panahon kung paano maging masaya , kung ano ang pakiramdam ng magmahal at kung ano ang pakirdaman ng minamahal.

Ako ang sumpa, at ako rin ang tutuldok nito.

Hanggang dito na lang ako...

"Jorge! Mahal na mahal kita. Mahal na mahal."

Alas TresWhere stories live. Discover now