mbfiwb 14

269 12 11
                                    

Ion'POV

Nakaupo parin kami at tinitingnan ang pag lubog ng araw ng bigla syang nag salita.

"Naalala mo pa ba ang bawat saya?bawat away na pareho nating nalagpasan dahil mahal natin ang isa't isa?"

Hindi muna ako sumagot dahil baka may sasabihin pa sya.

"Bawat luha na pareho nating pinunasan dahil di kita kayang mawala."

"At ganun kadin diba? Kaya nga tayo nag tagal,ng pansamantala."tuloy-tuloy na saad nito.

"Pansamantala? Hindi yun pansamantala vice 4years yon grabe ka naman"naiinis kong sabi.

Hindi nya naman ako pinansin at pinagpatuloy ang kanyang sinasabi.

"Naalala mo pa ba kung paano tayo nagsimula?kung pano ang ngiti sa ating labi ay hindi mabura basta tayo'y magkasama."

"Pero ion,naalala mo din ba nung unang beses mo syang makilala,nung unang beses kayong nag kasama,nung unang beses kanyang napangiti.pati ang iyong mapupungay na mata,noong nag uusap kayong dalawa na parang walang tayo sa mundo nyo."naiiyak n'yang saad.

"Naalala mo pa ba ang una kong pag iyak dahil sakanya?,malamang hindi.hindi dahil sa nakalimutan mo na o meron ka lang amnesia.malamang hindi dahil pinilit kong sarilihin ang sakit. Ang pait,ang pagkaselos,at pagkaingget dahil mukang meron ng papalit,mali,mali ako.dahil meron ng pumalit sa pwesto ko sayo."agad namang bumuhos ang luhang kanina nya pa pinipigilan.

"Hanggang sa hindi ko napigilan tinanong kita ng walang pag aalinlangan,may gusto ka ba sakanya?.pero ang sabi mo 'ano ba kaibigan ko lang din sya.' mahal naman hindi ako tanga,hindi din ako bulag para makita ang saya na tila ba'y kakaiba.may kakaiba pag dating sakanya.pero naniwala parin ako,naniwala parin ako na wala lahat sa inyo."tuloy tuloy nyang sabi habang tuloy tuloy din ang pagbuhos ng luha sakanyang mga mata.

"Ang pagtiis mo saakin na hindi ako kausapin habang kausap mo sya.oo wala lang yon,siguro nga masyado lang akong malisyosa para pagisipan kayo ng hindi maganda. Kaya ion nais kong humingi ng tawad sayo,at sakanya.patawad dahil nasaktan ako,noong nakita kong mas kaya nyang pasayahin ka."

"Patawad dahil kailangan ko ng sumuko sa laban ng pag ibig dahil alam kong ako na ang talo."

"At ngayon kung mag babago man ang ikot ng mundo at sasabihin mo saaking mahal mo pa ako at itatanong mo saakin kung pwede pa ba tayo,at sasabihen mong bumalik ako sayo pakiusap lang! Wag na ako"

Wag ako dahil hindi mo naman kailangan mamili saaming dalawa,dahil kung ako talaga,dapat sa umpisa ako lang sana-vice

Wag ako dahil hindi mo dapat ako balikan.kasi ako ang sumuko pero sana,hindi mo ako binigyan ng dahilan.-vice

_______________________________
Sorry na di ako ganon kagaling manaket HAHAHAHAHAHA sorry den puro si bays amp

My Best Friend Fall In Love With My BoyfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant