21

65K 1.4K 82
                                    

🔞

"WHAT the fuck are you wearing?" napaigtad si Snow nang makita si Orion na pumasok sa kuwarto nila. Sakto naman na kakalabas lang niya ng banyo, she's wearing a black two piece swimsuit.

Isa iyon sa mga binili nila ni Siena sa mall nang magpatulong siya dito bumili ng mga damit na gagamitin niya. Nagkayayaan kasi silang mga girls maligo sa dagat dahil hindi pa naman ganoon kasakit sa balat ang init ng araw.

"Swimsuit?" she casually said. She saw how Orion's jaw clenched while his eyes roaming around her body. Ang turo sa kanya ni Siena, maging confident daw siya kapag sinuot niya iyon pero hindi rin niya maiwasang mailang sa paraan ng pagtitig ni Orion sa kanya.

"Lalabas ka ng ganyan ang suot mo? It's showing too much skin!" reklamo pa ni Orion. Natatawang ipinalibot ni Snow ang kamay sa leeg ng binata.

"Siyempre magsu-swimming po kami, alangan naman pong magsuot ako ng jogging pants? Atsaka wala namang ibang tao dito sa isla diba?" hindi ito nagsalita, "Please?" sunod-sunod na pinaulanan niya ng halik ang lalaki sa labi nito habang nagsasabi ng 'please'.

He heave a deep sigh.

"Fine. But I'm coming with you." sumusukong saad nito. Isinuot sa kanya ng lalaki ang plain white v-neck shirt nito saka sila magkahawak kamay na lumabas. Dumiretso na sila sa beach side.

Naabutan na din nila doon ang iba pa nilang mga kasama. Doon lang din napansin ni Snow na may kubol pala doon. Nandoon si Nanang Fely habang naghahanda ng pagkain kasama ang magkakapatid na La Croix. The girls are already in the water, nagtatampisaw na sa mababaw na parte ng tubig.

Akmang pupunta na rin siya sa dagat nang hilahin siya pabalik ni Orion sa tabi nito.

"What?" maang na tanong niya sa lalaki.

"I will put some sunblock to you first." ani Orion matapos ilabas mula sa bulsa ng short nitong suot ang bote ng sunblock. Hindi na siya tumutol, ang lalaki na rin mismo ang nagpahid sa katawan niya ng sunblock.

"Huwag kang pupunta sa masyadong malalim." bilin pa nito. She just nodded. Nang matapos ito sa paglalagay ng sunblock sa kanya, excited na siyang tumakbo papunta sa tabing dagat. She take off the white shirt that she's wearing and her slippers, iniwan niya ang mga iyon sa buhanginan kung saan hindi iyon maaabot ng tubig.

"Heaven why are you still wearing that oversized shirt?" tanong ni Snow sa babae. Nagbaba naman ng tingin si Heaven habang namumula ang buong mukha nito.

"Oo nga, sayang naman yung suot mong swimsuit." sabad ni Autumn.

"A-ayaw kasi ni Castor na magsuot ako ng swimsuit." nahihiya namang tugon sa kanila ni Heaven. Namumula pa ito. Napahagikgik na lang siya.

"Ikaw, Summer buti pinayagan ka ni Comet mag swimming ng naka swimsuit?" tanong naman ni Solar sa babae na abala sa paggawa ng accessories gamit ang sea shells.

"Ah, ayaw nga niya nung una. Kinausap lang ni Nanang Fely kaya pumayag na rin kaya lang mukhang nagtatampo." she chuckled.

"Kami nga ni Rigel nagtalo pa. Akala mo asawa ko kung makapagbawal. Bahala nga siya sa buhay niya." ani Solar.

"Well, you're so lucky. Si Pollux nga parang walang pakialam sa akin." nabaling ang tingin niya kay Autumn. Lihim siyang napailing, her kuya Pollux maybe cold like her Orion but she's sure that her kuya Pollux likes Autumn, o baka nga mas malalim pa doon.

Lumingon si Snow sa kubol kung nasaan naiwan ang magkakapatid nakamasid lang ang mga ito sa kanila na parang mawawala sila sa paningin ng mga ito kapag kumurap lang sandali. They are like lions waiting to attack their prey.

EuphoriaWhere stories live. Discover now