NEW/YOUNG ADULT WINNERS

260 39 7
                                    


Congratulations! Whether you win or not, this most likely calls for a celebration for you have shown us your impressive talent in writing. You may fail to win in this competition, still, it's not a reason for you to stop writing. Magagaling kayo kaya ipagpatuloy niyo lang ang pagsusulat habang may mga ideyang pumapasok sa inyong isipan.


Finally, Gracious Fairy would like to congratulate the top three winners of TGF Award 2020 under New/Young Adult Category:



CHAMPIONS

Sleepless Night by @-serendipxty-

Score: 18.4/20


Critique:

Starting with your book cover, masasabi kong malinis ito. Lahat ng text are visible, and it also made me want to read the content. You know how to choose a fantastic book cover that has a high appeal.

The same for the technicalities. It has minimal errors. Napansin ko lang na naging consistent ka sa paggamit ng past tense, but may mga instances na nagiging past na rin ang mga salitang hindi dapat maging past tense.

You also excelled sa style and plot. The descriptions in the story are vivid and not forced. Magaling ka rin pong mag-English. I'm also glad na sa una pa lang ay naglagay ka na ng pronounciation ng pangalan.

However, my advice is try to think of some alternatives. Minsan nagiging paulit-ulit ang words. Additionally, work on the transitions of the moods. Katulad lang sa isang balangkas: may exposition, rising action, climax, falling action, and then resolution.




1st WINNER

The Cat With Ginger Hair by @PornHero

Score: 17.5/20


Critique:

You have a good taste for minimalist covers. Ito 'yong tipong simple, pero maganda. Iisa lamang ang element na ipinapakita pero konektado naman ito sa plot. Plus, mas mukhang neat ito tingnan.

For the technicalities, alam mo naman po kung paano gumamit ng tags and contractions. May mga nakakaligtaan nga lang na rin (pagkatapos ng mga patinig na a, e, i, o, u pati na rin ang letrang y) at din (pagkatapos ng mga katinig).

Let's talk about the style. Author, hanga po ako sa iyo dahil naging unpredictable ang characters! Nakakatawa rin sila, especially the main character kasi hindi naging pilit ang pagiging sarcastic niya, so mas naging light ang mood ng kwento. On the other hand, smooth ang flow ng mga scenes. Connected sila sa isa't isa.

Ipo-point out ko lang ang mga 'Hahaha!' na makikita sa mga narration. Hindi na po ito kailangan pagdating sa first person.




2nd WINNER

Life by @AzylyneCantellion

Score: 17.25/20


Critique:

The cover is almost perfect! Ito ang tinatawag na aesthetic sa panahon ngayon. Ang ganda rin po ng color schemes. The only problem is hindi masyadong makita ang nakalagay.

Sa spelling and grammar naman, sigurado akong bihasa ka na po rito. Hindi ko na ituturo ang mga nang & ng o rin & din, dahil tama ang pagkakagamit mo sa mga ito. Paghiwalayin mo lang po ang salitang 'nalang'. Na and lang shouldn't be merged.

Moving on, now we'll discuss about the style. Tama lang naman ang timing and hindi um-over sa thoughts at narration. Tama naman ang pacing, kaso may kulang: ang descriptions. You described the actions, nagagalak na ako roon, but how about the surroundings? Ano ang makikita roon?

For instance, sa prologue. Nasaan ba sila tumatakbo? Ano bang hitsura ng beach sa veranda? Pinanood din ba nila ang bukang-liwayway? And bukod sa expressions ng characters, ano ba ang hitsura ni Beatrix at Cleu? Dapat po ay ma-tackle na ito as soon as possible.

Idadagdag ko lang ang tungkol sa plot. Siningitan mo ito ng mga aral kaya siguradong makaka-relate ang karamihan sa mga mambabasa. Good job on that!






That's it, for your badge and other prizes (champion and 1st winner) , kindly message your email address and one quotation from your winning story. Lahat ng winners ay mag-pm ng email adress nila para sa badge. Again, congratulations and keep the good work!

Maraming salamat sa mga writers na sumali, at lalo na sa mga judges na tumulong at matiyagang nagbasa para malaman kung sino ang mananalo sa patimpalak na ito.


Note: We will announce the winners from other categories once we're finished judging all the stories. Thank you and have a blessed Sunday!

The Gracious Award 2020Where stories live. Discover now