USERNAME: @AVERYG

194 11 2
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

BOOK 1: THAT NIGHT IN APRIL (EXPENSIVE SERIES #1)

BOOK 2: USERNAME: AVERY G (EXPENSIVE SERIES #2)

***

PROLOGUE

"Excuse me. Makikidaan po" sabi ko habang iniingatan ang bitbit na pizza.

Napapatingin sila sa 'kin pero nginingitian ko lang sila. Mukhang maraming nanunuod ngayon, ah. Nang makarating ako sa harap, hinarang naman ako ni Kuya na nakaassign sa crowd control. Sabi ko na eh! Hindi nanaman ako papadaanin katulad nung nakaraan.

"Miss, hindi po pwedeng pumasok ang hindi staff" mahinanon naman na sabi ni Kuya.

"Pero Kuya hindi naman po ako fan- I mean, fan ako pero-"

Napahinto ako sa sinasabi ko nang makita ko si France na kakalabas lang ng tent. Mabilis ko siyang kinawayan kaya napatingin siya sa 'kin. Agad naman siyang lumapit. She's right on time!

"Kuya, sige po. Padaanin niyo siya"

Nakangiti sabi ni France kay Kuya kaya binaba niya na ang braso niya para papasukin ako. Napangiti ako kay France at agad na lumingkis sa braso niya.

"Buti nalang talaga nandiyan ka. Kung hindi uuwi nanaman ulit ako. Ang layo pa naman nitong venue" nakanguso 'kong sabi sa kanya.

She chuckled "Sige na, hinihintay ka na ni Kyle. Alam niya kasing may dala kang pizza" nakangiting sabi niya.

"Pizza lang talaga yung inaalala" napapangiwi 'kong sabi at pumasok na sa tent. Tumawa lang si France.

May aasikasuhin pa daw si France kaya iniwanan niya na ako dito. Agad ko namang nakita si Kyle na minimake-upan ng make-up artist. Mamaya pa siguro yung scene niya. Nilapitan ko na siya at inabot ang pizza niya.

"Oh. Ayan na" naiinis ko kunwari na sabi.

Napangiti agad siya nang makita ang pizza.

"Avery never fails talaga" napapailing niyang sabi.

"Ako pa ba?" nakangisi ko na sabi.

"But you have to treat me sisig later" nakanguso ko na sabi. Parang nagpapaawa.

"Sure" napapangiwi niyang sabi.

"Ayoko yan. Mukhang napipilitan ka lang, eh" reklamo ko.

"Hindi, ah. I mean it" sabi niya at binuksan na ang box.

Tapos na ata siyang make-upan kaya iniwanan na siya nung make up artist. Kinuha ko ang isang monobloc chair nandoon at tinabi iyon sa upuan ni Kyle saka ako umupo. Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.

"Balita ko kay France may bago ka daw cellphone, ah" sabi ko habang nakaharap parin kaming dalawa sa salamin.

"Hmm" tumango siya habang ngumunguya "Kakabili ko lang nung nakaraan" sagot niya.


Tinignan ko naman siya mula sa salamin "Iba na talaga pag sikat na" tumatawang sabi ko.

Tumawa lang naman siya. Matagal ko nang bestfriend si Kyle. Kahit nung hindi pa siya pumapasok sa showbiz. Since elementary. Pero hanggang ngayon magkaibigan parin kami. Subukan niya lang talaga akong kalimutan.

"Kyle, tawag ka ni Direk"

Napalingon kaming dalawa sa isang staff na pumasok sa tent.

"Sige po. Susunod ako" sabi ni Kyle at nagmadali nang ubusin ang slice ng pizza.

"Pahiram ako ng cellphone mo" sabi ko bago siya tumayo sa upuan.

"Nandiyan nakapatong" nagpunas siya ng bibig "Wait lang. Babalik ako" sabi niya.

Tumango lang din naman ako bago siya lumabas ng tent. Inikot ko naman ang mata ko at hinanap ang sinasabi niyang nakapatong na phone.

"Huh? Saan nakapatong?" tanong ko sa sarili ko at tumayo sa monobloc chair para hanapin iyon.

Ito ba? Ito lang naman ang nakapatong. Ito ata.

Dinampot ko ang phone na nakita kong nakapatong sa lamesa. Napangisi ako. Iba na talaga si Kyle. Kaya niya nang makabili ng Iphone 11 pro max??? Wow. Malaki siguro kinikita ni Kyle. Tyaka phone case lang Gucci pa???

Napangisi ako at pinindot ang power button nito. Bubuksan ko sana, kaso may password. Never ko rin naman nalaman ang password ni Kyle sa phone kaya hindi ko na rin sinubukan pang buksan. Ini-slide ko nalang ito sa kanan para mapunta sa camera. Natatawa pa ako habang nagse-selfie sa phone niya. Mamaya pagbukas noon, magrereklamo naman 'yon. Bagong bago ang phone niya, puro mukha ko nanaman. 



Dinamihan ko pa lalo ang picture bago ko binalik ito sa pagkakapatong ang phone niya. Narinig kong nagpalakpakan sa labas. Tapos na ata sila.


"Avery, gusto mo bang sumabay sa van?" tanong ni France na kasabay ni Kyle pumasok sa tent.

Si France ang manager ni Kyle. Naka-close ko na rin siya simula nung binibisita ko si Kyle minsan sa mga taping niyang ganito.

"Sige" ngumiti ako "Tapos na ba?" tanong ko at lumapit sa kanya.

Tumango siya sa akin. Dumaan sa harap namin ang PA ni Kyle kaya inutusan na siya ni France para magligpit.

"Tara. Sabi mo gusto mo ng sisig" sabi ni Kyle kaya sumunod ako sa kanya sa paglabas ng tent.


"Uy. Ingat sa pag-uwi"

 

Napatingin ako kay Kyle nang may batiin siya. Yung co-actor niya palang si Ethos Alfaro. Tinapik niya ang balikat nito.

"You too" nginitian niya si Kyle at siya naman ang pumasok sa loob ng tent.

Nagkatinginan pa kami bago siya lumampas sa akin. Marami pa ring mga tao ang nanunuod kahit tapos na ang taping. Kahit nasa loob na kami ng van, naririnig parin namin ang ingay ng mga tao. Sinisigaw nila ang pangalan ni Ethos.


"Wala bang sisigaw ng pangalan ni Kyle diyan?" sabi ko habang pinagmamasdan ang mga tao sa tinted na bintana ng van.

Tumawa lang si Kyle sa akin.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Where stories live. Discover now