CHAPTER 25

52 6 2
                                    

Chapter 25

Avery

Umuwi ako agad matapos ang party. Hindi na 'ko sumama pa kay Jasmine na magpunta sa mall. Okay lang naman daw dahil alam niyang wala ako sa mood. Sinama niya nalang si Christian.

"Hmm? Kamusta? Bakit mukha kang lugmok diyan? Hindi mo gusto 'yung nakuha mo sa exchange gift, no?"

Napalingon ako kay Mama habang nagtatanggal ako ng sapatos sa pinto. Nilalaro niya si Luna pero nang makita ako ni Luna, agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Ballpens 'yung nakuha ko sa exchange gift, Ma"

"Okay naman na 'yun, ah. Tyaka akala ko ba gabi ka na makakauwi? Bakit ang aga mo?"

Tipid akong tumawa at kinarga si Luna nang matanggal ko ang sapatos ko.

"Nawala na 'ko sa mood, Ma. Di nalang ako sumama" tipid ang ngiti na sagot ko.

Hindi ako sinagot ni Mama at tinignan niya lang ako.

"Magbibihis na muna ako, Ma" paalam ko habang karga parin si Luna at papunta na sa kwarto.

Sinara ko ang pinto para makapagbihis. Kaso napahinto ako nang marinig kong magsalita ulit si Mama.

"Alam mo, Nak. Hindi naman porket nabalita, eh totoo na. 'Yung iba diyan chismis lang. Pero hindi ko naman sinasabi na wag kang maniwala. Wag ka lang maniwala agad. 'Yung sinabi niya sayo dati, dalawa lang 'yan. Nagsinungaling siya sayo o sadyang di lang talaga totoo 'yung nasa balita. Kausapin mo muna siya"

Nilapag ko si Luna at binuksan ang pinto. Nakita ko si Mama na nginingitian ako ng tipid. Hindi niya na ako binigyan pa ng pagkakataon na sumagot.

"Kung nagugutom ka, may nakatakip na pagkain sa lamesa" sabi niya at pumasok na sa kwarto nila Papa.

Napangiti ako at medyo gumaan ang loob. Hindi naman talaga ako naniniwala. Nag-aalala lang ako. Kilala ko na si Ethos. Alam ko na hindi niya 'yon gagawin.

Pumasok na 'ko ulit sa kwarto at tinuloy na ang pagbibihis. Nakasunod lagi sa 'kin si Luna kung saan ako magpunta. Nilingon ko siya nang magpunta ako sa kusina at nakatingin siya sa akin.

"Nagugutom ka ba?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya sumagot. Malamang. Dahil kung sasagot siya, eh magwawala ako.

Binuksan ko ang cabinet na nasa ilalim ng lababo at kinuha ang lalagyan niya ng dog food. Kumuha ako ng kaunti at nilagay 'yon sa kamay ko. Saka ko ito binigay sa kanya.

Kaso iniwas niya ang nguso niya at tinahulan ako. Aba—

"Ano bang gusto mo?" tanong ko.

Naglagay ako ng tubig sa baso at sinalin ito sa lagyan niya. Saka niya lang ito ginalaw.

"Ayan! Tubig pala ang gusto!" sabi ko habang pinagmamasdan si Luna na umiinom ng tubig.

Niligpit ko na ulit ang kainan ni Luna nang matapos siyang uminom. Saka kami bumalik sa kwarto at humiga. Sumiksik naman si Luna sa tabi ko.

Username: @AveryG (Expensive Series #2)Where stories live. Discover now