Chapter Forty

537 28 3
                                    

Tower of Death

Mabilis kong hinawakan ang mukha niya para maisandal ang noo ko sa kanya. Hinihingal kaming dalawa habang sabik na nakatitig sa isa't isa.

All this time, it was him. I still couldn't believe it. Hindi na ako magtataka kung bakit mas marami ang nalalaman niya kay sa sakin. Kasi siya.. sa harap ko ngayon ang tagapagmana.

Pero iba ang nasa isipan ko ngayon na nakayakap ako sa kanya. He's not the heir, not a prince, not a Ravensiel, not whatever he is.

Ang alam ko lang ay siya ang lalaking minamahal ko. I don't care anymore. Parang gusto ko nalang pumayag sa gusto niya na takasan ang lahat.

"I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorry, baby." paulit-ulit niyang bulong sakin. Pinikit niya ang mga mata niya at umiiling-iling sa harapan ko na tila sobra na siyang nasasaktan.

"I did what I have to do. I don't want to loose you. Hindi ko kayayanin, Theana.. Hindi.."

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga pisngi niya. Ramdam ko ang pagtigas ng bagang niya roon. Nanginginig rin ang mga mapupulang labi niya.

"You're so selfish, Laurent.." I muttered between my sobs. "So selfish.."

Narinig ko ang pagsinghap niya. Umiling lang siya sa mga kataga ko. He held the back of my head to close our distance.

Akala ko huhulihin niya ang mga labi ko pero dumapo lang ang halik niya sa gilid na labi ko.

"For you.. my love," bulong niya habang hinahalikan ang pisngi ko.

"I will be."

Napapikit nalang ako at dinama nalang siya.

Kumapit ako sa balikat niya at nanatili sa loob ng braso niya. I burried my self on his neck. Pinatakan ko rin siya ng maliliit na halik roon.

Ito nalang ang magagawa ko.. ang pakiramdaman siya. Wala na sa akin ang susi.. wala na akong silbi pa rito.

"Nikholaus," rinig kong mariin na tawag sa kanya.

Hindi niya iyon pinansin na tila walang narinig. Patuloy lang siya sa paghalik sa iba't ibang parte ng mukha ko.

"Hayaan mo muna sila, Lavislous!" napapaos na sigaw ng reyna. Wala nang may nagsalita pagkatapos ng sigaw niya.

Dahan-dahan kong inalayo ang sarili ko kay Laurent. Bahagya ko siyang itinulak pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang hawak niya sakin. He snuggled his head on my shoulder.

"Laurent.." pumiyok ang boses ko. "Let go.."

Naramdaman ko ang paninigas ng katawan niya nang sabihin ko iyon.

"Mahihirapan lang tayo kapag.. kapag mananatili pa tayong ganito. Please.. let go, now." Hindi ko na alam kung paano ko nakayanang sambitin ang mga salita ito.

Hinawakan niya ng mahigpit ang mga braso ko para pigilan ang pagtulak papalayo sa kanya at niligay ito sa gilid ko. Nakakulong na ako sa hawak niya. Hindi na rin ako makahinga ng maayos dahil sa lakas ng pagkayakap niya sakin.

"Laurent, please.. just go!" Kumawala ang sigaw ko sa kanya. Gusto ko nang bitawan niya ako. I'm tired and exhausted. Natuyo na ang mga luha ko sa sobrang iyak.

Nakakapagod.. nakakapagod ang mundong ito. Paano nga ba ako ulit nakapunta rito?

Hindi siya gumalaw. Nanatiling tila bato siya na nakapulupot sakin. I can't even feel his breathing anymore.

"Go--"

"Take a deep breath, Theana Khione." mahina niyang sambit sakin. Kumunot ang noo ko sa biglang usal niya.

The Last Intruder (Legend of the Stars #1)Where stories live. Discover now