Prologue

636 27 3
                                    

Nandito ako ngayon sa loob ng Principal Office dahil may inaasikaso akong papeles, lumipat ako ng school dahil lumipat rin kami ng bahay. Napagbuntong hininga na lang ako ng nasa labas na ako ng school para umuwi, hihintayin ko na lang yung resulta kung makakapasok ba ako sa school na ito, sana nga makapasok dahil nahirapan din ako sa pagpasok

Pumunta ako sa 7/11 at bumili ng tubig, pagka tapos ay umupo ako sa waiting shed. Nang biglang lumapit sa akin ang dalawang babae "Hi, bago ka ba rito?" tumango ako "Ako nga pala si summer at eto naman kasama ko si snowy" nakangiting sabi nito

"Hi sa inyo" nakangiting sabi ko "May kailangan po ba kayo?"

Umiling si summer "Alam mo bang ngayon lang kami nagkakilala? Parehas tayong tatlo na bago rito, pwede kang sumama sa amin sa squad, omg trio!"

Napatawa na lang ako sa kanya, mukhang masaya siyang kasama "Wala rin lang naman akong kaibigan rito, pwedeng kayo na lang?"

"Oo naman!" sagot naman ni snowy "Actually pauwi na rin kami, gusto mong sumabay? Saan ka ba nakatira?" sunod sunod nitong tanong

"Actually isang sakayan lang ng jeep, pwede ring tricycle malapit lang naman" sagot ko "Kayo ba?"

"Malapit lang rin" sagot ni snowy "Ahm guys, mauna na ako sa inyo aalagaan ko kasi yung kapatid ko aalis sila mama" sambit nito at tumango kaming dalawa ni summer

Humarap ako rito na nakatingin pa rin kay snowy na paalis "Summer?" pag tawag ko sa kanyang pangalan "Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?"

Umiling ito "May hinihintay pa ako, ikaw ba?"

"Actually pauwi na rin, nag pahinga lang ako" sagot ko "Gusto mo bang sumama sa akin?"

"Saan?"

"Sa condo ko" sagot ko "Huwag kang mag-alala, wala naman akong gagawing masama sa iyo" natatawa kong sabi

_

Nandito na kami ngayon sa aking condo, mabuti na lang nakapag linis linis man lang ako bago umalis rito kung hindi ang kalat na naman. Hindi kasi ako nakapag linisbng maayos dahil busy sa paglipat ng school

Pinaupo ko siya sa sofa at binigyan ng orange juice "Anong gusto mong gawin, gusto mo bang manood ng netflix?"

Tumango ito "Sige, wala naman tayong ibang gagawin" sagot nito "Pwede ba mag request? Pwede bang samahan mo ako sa sm pagkatapos may bibilhan lang ako"

"Sure" sagot ko "Alam mo natutuwa ako, kasi ilang oras pa lang tayong nagkakilala pero pa rang ilang buwan or taon na" natatawa kong sabi

"Sino pa ba ang magdadamayan? Kung hindi tayong mga transfer na hindi pinapansin ng iba" natatawa nitong sagot "Ewan ko ba kung lumipat ako sa school na ‘yun, puro sosyalin ang lahat tapos ayaw nilang mamansin"

Tumango-tango ako "Hindi napansin kasi naka focus ako eh, hindi pa kasi approve na dito na talaga ako mag-aaral"

"Oh, i see" sambit nito "Kami kasi ni snowy na approve na kanina, nagkita lang kami dun sa office kinausap ko siya tapos ayun"

"Bali-balita rin, yung limang lalake na sikat raw kuno sa campus?" tanong ko "Hindi ko pa sila nakikita, gwapo ba mga ‘yun?"

Napangisi ito "Naku kiana, kung makikita mo mga ‘yun siguradong ma i-inlove ka"

Napasimangot na lang ako sa kanyang sinabi "Hindi naman porke gwapo ang isang lalake eh magugustuhan ko na siya, hindi naman ako ganun"

"Sinasabi mo lang ‘yan kasi hindi mo pa sila nakikita" sambit nito

"Paano niyo ba sila nakilala?" tanong ko

"Katulad ng sa iyo, narinig rin namin snowy kung kani-kanino" sagot nito "Syempre inalam namin, sabi nila kasi sobrang gwapo" natatawa pa nitong sabi

Boys will be BoysWhere stories live. Discover now