#3 -- Di ko sya gusto !

1.2K 28 2
                                    

Troy POV

"oh bro" sabi sakin ni Erick nung nag kita kami... barkada ko sya "agang aga nag aya ka uminom" sabi pa nya... nandito kasi kami ngayon sa bar ! pag tapos akong iwan nung ewan kong fiance sa restaurant .. eto naisipin ko na lang tumambay kesa umuwi sa bahay

"i meet her" sabi ko sabay lagok ng margarita

"sinu?" tanung nya

"my fiance"

"talaga? nandito na sya ? eh bakit di mo man lang sakin pinakilala ?" sabi nya sabay inom sa alak nya

"pano ko papakilala sayo eh iniwan nga agad ako... pag tapos nyang mag pakilala .. ayun sumibat na"

"haha ganun... eh maganda ba?"

"hindi... muka syang clown sa kapal ng make up nya! saka isa pa ! di ko sya gusto !"singhal ko sa kanya.. totoo naman eh ! nung nakita ko sya ang kapal ng make up nya ! yun ba yung maganda ?! alam ko kapag maganda ...yung simple lang .. walang arte sa katawan.. at lalong hindi ganun mag lagay ng make up sa muka..

"haha talaga? eh so tuloy padin ba yung kasal?'

"malamang... di naman nag back out mga parents namin"

"kawawa ka naman... wala ka na talagang pag asa kay Cindy" sabi nya at napatingin naman ako sa kanya "oh bakit? totoo naman diba? di mo na maamin sa kanya na mahal mo sya" sabi pa nya..

si Cindy.. sya yung babaeng mahal ko..
sya yung masasabi mong magada talaga..
wala syang kaarte arte sa katawan..
hindi yung mahilig mag lagay ng make up..
ang nilalagay lang nun yung lipstick

bakit alam ko? syempre lagi kong kasama yun..DATI...

ou dati lang... kasi simula ng malaman kong may fiance na ako
nilayuan ko na sya.. lumayo na ako ... dahil ayoko ng lumamim pa yung pag tingin ko sa kanya..
baka pag lumalim pa yung pag mamahal ko sa kanya... hindi na ako makaahon at masaktan ko lang magulang ko !

"mahal ko sya... pero mas mahal ko magulang ko... kaya pwde ko naman syang kalimutan" sabi ko sabay lagok ulit ng margarita

"talaga? kahit na ... nanjan sya at papalpit sya satin"  sabi nya sabay nguso sa isang lugar.. napatingin naman ako duon... at nakita ko nga sya... si Cindy ... nakangiti samin ... at papalapit din

"hi Erick" sabi ni Cindy nung nalapit na sya .. at nag highfive sila ni Erick "hi Troy" sabi naman nya at niyakap nya ako ...

napapikit ako sa bango nya !
shit ! namiss ko tong babae na toh !

"miss me? kasi sobrang namiss kita" sabi nya nung kumalas na sya sa pag kakayakap sakin

"a-ah.. anu syempre ye-yes.. namiss kita" sabi ko na pautal utal

"Cindy upo ka muna... sinu ba kasama mo?" sabi ni Erick at lumipat sya ng ibang upan para makaupo din si Cindy... bali nasa gitna namin sya

"si Nicca .. nag pasama lang sya sakin dito.. eh buti na lang nakita ko kayo dito... kaya dito muna ako... ok lang ba?" tanung nya sabay tingin sakin

"ah. o-ou naman" sagot ko..

shit bakit ba ako nauutal !

"buti naman kung ganun..." sabi nya sabay ngiti

ow no Cindy... please ... ngiti mo pa lang naiinlove na ako..
wag ka ng ngumiti ... baka matukso ako

"ah mabalik tayo Troy... kelan kayo mag kikita ng fiance mo ulit ? sama ako ha... para pag ayaw mo sa kanya sakin na lang... hahaha" sabi ni Erick ... pinangdilatan ko sya ...

di nag iisip ! nandito si Cindy binanggit nya tungkol sa Fiance ko !
naku naman...

"ooopsss.. sorry" sabi nya sabay peace sign

"may fiance kana Troy? bakit di mo man sinabi sakin?" tanung naman ni Cindy sakin

'eh kasi mahal kita'

"ah o-ou.. kanina ko lang kasi sya na meet" sagot ko

"ah maganda ba?" tanung nya

'hindi ! mas maganda ka ..'

"ou... maganda sya" sagot ko... at napatingin naman sakin si Erick... pinandilatan ko na lang ulit sya... alam ko na kasi ibig nyang sabihin kaya sya tumingin ng ganun.. sabi ko kasi kanina sa kanya na hindi maganda yung fiance ko .. pero ngayon sinabi ko na maganda...

magulo ba ako? basta ayoko lang ipahiya yung fiance na maldita na yun

"mahal mo?" tanung pa nya tapos ngumiti na parang ng aasar

'hindi... kasi mas mahal kita'

"ya-yah.. yes .. mahal ko yun" sabi ko with fake smile

"talaga ? hahaha akala ko ako yung mahal mo" sabi nya na natawa..

napatingin naman kami ni Erick sa kanya..

alam nya na sya yung mahal ko?
paano ? sinu nag sabi ?

"oh bakit ganyan ka makatingin ? haha joke lang.. eto naman nag bibiro lang ako.. masyado kang seryoso" sabi nya sabay tigil sa pag tawa

wooo ! akala ko alam na nya ! sayang naman..

"Cindy ! tara na !" tawag sa kanya nung isang babae

"teka Nicca.." sagot nya dun sa tumawa sa kanya "oh pano boys.. sibat na ako babye.. enjoy kayo jan" sabi nya at nag wave sya.. kaya naman nag wave na lang din kami sa kanya

"akala ko alam na nyang mahal mo sya" sabi ni Erick nung kami na lang dalawa

"akala ko nga din eh.. sayang.. kung alam na nya talaga .. edi sana pinag laban ko na lang yun" sabi ko

"ayy ewan sayo.. trope ka kasi.. so anu.. kelan ba ulit kayo mag kikita?"

"tumawag yung mama nya sakin kanina... bukas daw ulit kami mag kikita" sagot ko sabay inom ulit

"good .. sama ako ha"

"sige... tutal may kasama din naman babae yun .. " sagot ko sa kanya "oh pano uwi na ako.. mag aalasais na din kasi.. pupunta pa ako sa bahay nila ermat.. ikaw saan ka?" tanung ko

"mauna kana.. mag hahanap pa ako ng chiks dito" sagot nya sakin... nakalimutan ko nga palang sabihin... may kaplay boy kasi tong tao na toh !

"ok sige.. jan kana" sabi ko sa kanya at lumabas na ako ng bar

sumakay sa motor ... at pinaandar na ito..

mejo hilo ako sa ininom ko..
kaya naman habang pinapandar ko yung motor .. eh nagewang ito
kaya naman napg disisyunan kong itigil muna ang pag andar..

pero nung tatabi na ako...
bigla na lang may sumulpot na isang sasakyan at bigla na lang

*Crriiiiccccckkkkhhhh* impit ng gulong ng sasakyan nag pepreno...

tumama ito sa akin...

***

[ End of #3 -- Di ko sya gusto ! wait for my next UD ]

Meet My MALDITA FianceUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum