Prologue

7 1 0
                                    

Author's note: This story are contains graphic depictions of violence, sexuality and other strong languages. This is not advisable for young readers.

• August 3, 2046 Quezon City, Philippines

"I-i think.. this.. this is the end ha..ha..ha." Sabi ng isang lalaki habang naka-tayo at puno ng sugat at dugo ang kanyang buong katawan. Nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa pagka-ubos ng kanyang dugo. Nauubusan na din sya ng hininga.
Hingal na hingal ang lalaki at namamanhid na ang kanyang buong katawan

Ubos na din ang kanyang lakas—ni isang hakbang ay hindi nya maigawa. Naka-tingin sya ngayon sa isang malaking halimaw na mas mataas pa sa ulap.
Wasak ang buong syudad at nag-kalat din ang mga bangkay ng mga inosenteng tao. Napa-lingon ang lalaki sa kanyang kaliwa at dun nya nakita ang kanyang mga kasamahan na naka-handusay sa lupa. Puno sila ng dugo habang dilat ang mga mata at hawak ang kanilang mga sandata.  Napalingon ang lalaki sa kanyang kanan at dun nya nakita ang isang batang babae habang yakap-yakap ng kanyang nanay... parehong wala ng buhay.

Napa-pikit na lamang ang lalaki sa sinapit ng kanyang mga kasamahan at pati narin ang mag-ina. Samantala bigla namang gumalaw ang higanteng halimaw at sya ay aapakan. Wala na syang lakas na tumakas pa at wala syang matatakasan pa sapagkat halos masakop nito ang isang kilometrong daanan sa laki ng paa nito.

Pumikit na lamang ang lalaki at naramdaman na nya ang hangin na bumabagsak sa kanya dulot ng higanting paa. Palaki ng palaki din ang aninong bumabalot sa buong lugar. Hanggang sa...

BOOOOOOOOOOOOOOOOOMMMMMMMMMMMMMMMMM!!!!!!!!!!!!!!
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

• Nanlaki na lamang ang aking mga mata ng magising ako sa aking kwarto. Napabalikwas ako sa aking higaan habang kinakapa ang aking dibdib at ine-inspeksyon ang buong katawan.
"P-pa.. p-paanong.." tanong ko sa aking sarili ng biglang may kumatok sa aking pintoan. "ANGELO GUMISING KANA AT MAG-ALMUSAL!" Mas lalong nanlaki ang aking mga mata ng madinig ko ang boses ng aking ina.

"M-ma... mama..?" Gulat na gulat ako sa nangyayare. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking nanay Linda. "Oh! Gising kana pala. Halikana at kumain para magkaroon ka ng lakas para di kana nagu-gulpi ni Brando." Mahinahong sabi ni mama sakin.

"Ha? Si Brando?" Takang tanong ko. "Oo. Naka-limutan mo na ba kagabi ay umuwi kang may pasa sa kanan mong mata at sabi mo pa eh si Brando ang may gawa nyan sayo." Kwento sakin ni mama at talagang hindi ako maka-paniwala. "I-imposible.." sabi ko sa aking sarili habang naka-titig sa aking nanay na naka-tayo sa pintoan ang aking kwarto. "Ay sya tumayo kana dyan at ng magamot kita mamaya. Kumain kana muna." Sabi ni mama at umalis na ito.

Pumunta agad ako sa harap ng salamin at tinitigan ko ang aking imahe. Hindi ako makapaniwala na... "ANGELOOOO BUMABA KANA DYAN AT KUMAIN NAAA!!" "O.. O-Oo Ma! Andyan na!" Tumingin muli ako sa salamin. Hindi ako pwedeng mag-kamali. Patay nako pero.. hito ako ngayon batang-bata ang itsura at buhay na buhay. "Tama nga si mama... may pasa nga ako.." sabi ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang kanan kong mata. Hindi ako makapaniwala... hindi kaya..

Nag-mamadali akong hanapin ang kalendaryo na naka-dikit sa aking kwarto. Hinanap ko ang kung anong taon na at mas lalo akong nagulat. "August 3, 2020!" "2-26 years?! 26 years akong bumalik sa nakaraan?! So ibig sabihin nito 16 palang ako..." sabi ko sa aking sarili habang natingin sa kalendaryo. "N-NA REINCARNATE AKO??!!"

Second LifeWhere stories live. Discover now