Simula

1 0 0
                                    


~✏~✏~✏~✏~✏~

Mayroon tayong sari-sariling kwento sa buhay na kung saan tayo ang bida nito.
At sa kwento ng buhay ng tao, hindi nawawala ang "luha". Luha na iba iba ang pwedeng nararamdaman. Naiiyak sa saya, sa lungkot, sa tuwa, sa sakit, sa pangungulila, sa galit, sa awa, at maari ring dahil nahawa ka.

Ngunit pwede ka ring maging instrumento para ikwento ang buhay ng ibang tao kung saan sila ang bida.

"Ate. Ate. Pengeng barya.. Pambili lang ng makakain namin ng kapatid ko."

Naawa ako sa batang namamalimos kaya't ibinigay ko na ang pagkain kong 'di ko pa nabubuksan, binigyan ko din ng barya. 'Yun lang ang nakayanan ko.

"Salamat ko ate!" Nakangiti siyang umalis.

Umupo ako sa malapit sa'kin na bench. Nasa parke ako ngayon na malapit lang sa bahay namin. Dala ko ang isang pocketbook na hiniram ko kay tita. Maganda magbasa sa ganitong lugar. Sariwang hangin.

Habang nagbabasa mayroong tumabi sa aking matandang babae. Nakiupo lang siguro dahil nasa malayo ang tingin niya.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Masarap talagang mabuhay." Medyo napatalon pa ako sa gulat nang biglang nagsalita si lola.

Hindi ko alam kung ako ba ang kausap niya kaya hindi ako kumibo at tinignan siya ng sandali. Ngunit sinarado ko na ang pocketbook na binabasa ko at tumingin din sa malayo tulad niya para iparating na nakikinig ako kung sakaling ako ang kinakausap niya.

"Kumusta ang buhay mo ineng?" Lingon niya sa'kin.

Kinuha ko ang maliit na notebook at pen na nasa bulsa ko at nagsulat. "Maayus ang buhay ko la." Pinakita ko ito sa kaniya ng nakangiti.

Medyo nagulat pa si lola matapos mabasa ang isinulat ko. "Hindi ka ba nakakapagsalita ineng?" Nang tumango ako ay pinagpatuloy niya ang pagsasalita. "Humahanga at natutuwa ako sa'yo. Sa kabila ng kakulangan mo nasasabi mo pang maayus ang buhay mo. May mga tao kasing kompleto na, nakakaangat naman sa buhay, sobra sobra ang natatanggap na biyaya ngunit hindi nila makita iyon. Mas nakikita nila ang mga wala sila." Nasa malayo na ulit ang tingin ni lola.

Nakinig lang ako kay lola.

Lumingon na ulit si lola sa akin. "Nag-aaral ka pa ba ineng?"

"Hindi na po la. Kakagraduate ko lang po nakaraang taon." Nagsulat akong muli at ipinakita ito sa kaniya.

"May trabaho kana ba ineng?" Nakangiti niyang tanong.

"Trainee pa lang po sa isang kompanya. Interior design po." Pakita ko sa kaniya.

"Ipahpatuloy mo 'yan ineng. Pati 'yang pagpapahalaga mo sa buhay." Ngumiti siya sa'kin at bumaling muli sa malayo. Bumontong hininga si lola. "Mauna na ako ineng. Nagpahinga lang ako sandali. Naghihintay na ang pamankin ko sa akin. Mag-iingat ka ineng." Tumayo na si lola.

Ngumiti lang ako at kumaway.

Tinanaw ko pa si lola hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Bumuntong hininga ako at tumingala.

Nakakapagod mabuhay ngunit masarp din sa pakiramdam. Masarap mabuhay kahit pa madami kang proproblemahin. Sino ba naman ang taong walang problema hindi ba?

May nakita akong isang hindi kalakihang paper bag sa tabi ng inupuan ni lola kanina. Bumaling ako sa pinaglakaran ni lola kanina, umaasa na sana ay makita ko siya ngunit wala. Kakaunti na lang ang tao dito sa parke dahil papalubog na din ang araw.

Binalingan kong muli ang paper bag. Hindi ko alam ang gagawin ko kung kukunin ko ba ang paper bag at isama sa pag-uwi o iiwan na lang dito. Sa huli ay kinuha ko din ang paper bag. Baka sakaling magkita kaming muli ni lola.

Inilapag ko muna ito sa kama para maligo saglit.

Binalingan kong muli ang paper bag na nasa ibabaw ng aking kama pagkalabas ko ng CR habang nagpupunas ng buhok.

Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko ang laman. Nagdadalawang isip pa ako ngunit nilapitan ko din ang paper bag sa huli para masilip ang laman.

Sa loob ng paper bag, may kahon na luma na ngunit halatang iniingatan. Kinuha ko ito para makita ko ng maayus.

Madali kong nabuksan ang kahon dahil itong kahit anong hadlang.

Isang lumang libro ang nakita ko sa loob. Luma ngunit halatang iniingat-ingatan ng may-ari. Malinis ito, walang kahit anong alikabok. Tanging maliit na parisukat lamang ang nasa harap nito.

Napagtanto kong hindi ito libro kundi kwaderno nang binuklat ko ito. Dahil sa mga sulat kamay na bumungad sa akin.

~✏~✏~✏~✏~✏~

07-08-2020 wed.

Pinakasimpleng regalo na natanggap ko galing sa'yo. Notebook. Madami akong notebook na mas magaganda at mahal ngunit pakiramdam ko, itong notebook na ito ang pinakamahal sa lahat ng niregalo sa'kin ngayong kaarawan ko.

Salamat dito Marlon. Iingatan ko 'to pangako. =)

~Luna

~✏~✏~✏~✏~✏~

Napaisip ako. Sino si Luna? Sino si Marlon? Si lola ba si Luna?

~✏~✏~✏~✏~✏~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sulat ni LunaWhere stories live. Discover now