5

408 34 7
                                    

Ilang araw din ang lumipas ng hindi nagpapakita sa akin si Kaori. Mabuti din yun dahil di ko masikmura ang makita siya.

Sa Mansion ng Orion pa rin ako nakatira. May driver siya na kinuha para maghatid sundo sa akin. Si Kuya Miranda. Mabait si Kuya kaya kahit gusto ko siyang takasan ay di ko magawa dahil siguradong siya ang mananagot kay Kaori.

Hindi rin ako pinabayaan ng mga kasambahay nila. Masasarap na pagkain hinahanda nila palagi para sa akin.

Hindi ko rin nakikita si Kurt. Balita ko ay na-Ospital daw ito dahil sa bugbog na natamo nya. Gustohin ko mang dalawin siya ay mahigpit na pinagbawal kay Kuya Miranda na palapitin ako kay Kurt.

"Ashley!!" masayang bati ko kay Ash ng makita ko siyang pumasok ulit sa klase namin..

"Estella!" nakangiti siyang lumapit sakin..

"Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita sakin?" kakamot kamot naman sya sa batok nya

"Pinalipat ni Vega schedule ko.."

"Baliw talaga yun!" di ko mapigilang komento.. Naiinis pa rin ako sa kanya

Tinitigan naman ako ni Ashley na parang di makapaniwala sa sinabi ko..

"Di mo naman paparating sa kanya na sinabihan ko syang baliw diba?" natatawa naman siyang tumango.

"Pero mabait yun si Vega." pagtatanggol nya sa pinsan nya

"Saan banda dun? Sinaktan ako nun." napabuntong hininga naman sya

"May pagka bayolente lang yun pero mabait naman yun at maalaga. Baka nahihiya lang sayo kaya di nya alam paano ka ita-trato." nahiya pa sya sa lagay na yun? Tsk

Pero sa totoo lang kahit naiinis ako sa kanya.. Namimiss ko siya.
Ewan ko ba nababaliw na rin ata ako at hinahanap hanap ko nakakatakot nyang boses.

"Sinaktan ka ba nya Ash? Nung huli nating kita binulyawan ka niya.." nag-aalala kong tanong

"Hindi naman. Sumunod naman agad ako sa kanya. Yun lang naman gusto nya, basta susundin mo siya wala kayong magiging problema" napabuntong hininga naman ako..

"Anong mga alam mo tungkol kay Kaori?"

"Malihim siya. Ang alam ko kasama sya sa trahedya ng namatay ang mga magulang nya pero di namin yun napag-uusapan dahil nagka-Trauma dahil dun si Vega. Tsaka matagal niya ng sinasabi na may crush daw sya na taga Orion, di niya lang nilalapitan kasi daw nahihiya siya. Nagpapatulong nga siya kay Lyra kung paano lalapitan iyon kaso wala naman ata siyang sinunod sa sinabi ni Lyra.." medyo nakaramdam ako ng selos ng malaman kong may matagal na palang crush si Kaori dito sa Orion. Sino naman kaya yun?

"Kilala mo sino Crush nya?" tinignan naman ako ni Ashley na parang di makapaniwala..

"Seriously?! Hindi pa ba halata?" nilahad ni Ashley sa harap ko ang kanyang kamay at winasiwas sa muka ko..

"Ikaw yun. Ikaw lang po Jillian Estella Portia."

Nanlaki ang mata ko na di makapaniwala. Talaga ba? Ako? Di naman nagtatagpo landas namin dito sa University. Paanong ako?

Naputolbang pag-iisip ko ng makarinig kami ng tilian sa labas ng classroom.
Nakaramdam ako ng pananabik.

The Orions

Sumilip si Ash sa pinanggalingan ng tili. Pasimple din akong sumilip pero nadismaya lang ako..

Wala dun ang taong hinahanap ng mata ko..

"Nasaan si Vega?" takang tanong sakin ni Ashley na kahit ako di ko alam.

Lumagpas lang sa gawi namin si Carina at Kyzha..

The OrionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon