BITIWAN MO NA AKO KUNG AYAW MO NA
by:kendrangdalitaWalang katapusang tanong ang bumabagabag
Ano nga bang nangyari sa ating relasyong dating matatag?
Relasyon sinasabing kailanman ay hindi matitibag
Ito na siguro ang tamang oras upang mga hinaing ko ay aking mailapagMahal hindi ako laruan na iiwan mo at babalikan
Ayaw kong maging bagay na iyong paglalaruan
Nangako ka sakin na kailanman ay hindi ako tatalikdan
Pero bat ngayon dinurog mo ako at iniwang luhaanMaayos na pagsasama ay biglang nagbago
Ni wala ng ideya sa kung anong ginagawa mo
Kaunting atensyon lang naman sana ang aking gusto
Pero bakit parang tila ata hndi na maganda ang kutob koMga pagsasawalang kibo mo ay hindi na katanggap-tanggap
Ang aking kaharap ngayon ay hindi ko na makikilala ng maagap
Nabalot ng kasinuggalingan ang pagkatao at katotohanan ay di ko mahanap
Mukhang tama nga nasa relasyong meron tayo sa una lang talaga masarapSa gerang meron ako tila ako ang dehado
Hindi pa naguumpisa ang laban pero pakiramdam ko ako ay natalo
Kampyonato ng pag ibig ay sobra na saking layo
Tila ayaw ng magpahuli kaya sakin ay itinagoHiling ko sa huling pagkakataon nawa ay matupad
Bitiwan mo na ako kung ayaw mo ng tumupad
Masasasaktan ako pero kakayanin ko at makakausad
Kahit masakit matuwid akong iiwas sayo at diretsong lalakad
YOU ARE READING
MGA TULA NI DALITA
PoetrySa simpleng mga tunog ay maaaring makagawa ng kakaibang maestra. Sa tamang tyempo at bilang magkakaroon ng bagong sining