Kalat 3

347 4 0
                                    

Halos araw araw na kaming magkasama ni Nathaniel. Madalas din kaming pumunta sa dagat at tinuturuang lumangoy. Natuto naman siya kahit papaano at ang saya saya niya noong natuto na talaga siya. Minsan nga paunahan kaming lumangoy, pero siyempre hindi naman siya nananalo sa akin dahil sadyang bihasa na ako sa paglangoy. Iyong dating masungit na awra niya ay palagi ng naka-ngiti ngayon at alam kong ako ang dahilan ng pag-ngiti nito.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin, sa ilang araw lang kami nagkakilala pero parang matagal na kaming magkakilala. Gusto ko siya nakikita palagi, at siya ang una kong hinahanap tuwing papasok ako ng school. Gusto ko siya palagi kasama ko kapag nasa loob kami ng school at gusto ko siya palagi ang kasabay kong kumain ng lunch at recess. Hindi naman ako nagiging possessive sa kanya sadyang ako lang talaga ang naging kaibigan niya dito sa school pati na rin sa loob ng klase at masaya ako na sa akin lang ang atensyon niya at alam kong wala akong kaagaw.

September 10, 2013

"Nath, pustahan tayo oh" aya ko sa kanya.

"Alam mo namang lagi akong talo makikipag-pustahan ka pa" sabi naman neto.

"Malapit mo na nga ako nahahabol eh, malay mo ngayon mahabol mo na ako" sabi ko at totoo naman iyon. Madalas kaming magkarera at minsan muntikan na niya akong nahahabol.

"Ano game ka?" Tanong ko ulit.

"Eh ano bang consequence kapag natalo?" Tanong din nito.

"Eh sasabihin na lang kapag tapos na ang laban" sabi ko naman.

"Parang may binabalak ka ah" grabe talagang mag isip to.

"Sus! Wala ka pala eh" pagyayabang ko naman.

"Sige deal!" Bawi naman niya ka agad.

"Game! Paunahan papunta at pabalik" sabi ko at nagpwesto na kami sa mga bato.

"1..."

"2..."

"3..."

"Go!"

At nagsimula na nga kaming lumangoy, kita ko ang buong pwersa nito sa paglangoy ngunit walang wala talaga ito sa akin dahil malayo na ako sa kanya. Pabalik na ako ngunit nangalahati pa lang siya sa papunta. Lalangoy na sana ako pabalik ngunit napansin kong huminto ito bigla at tinataas ang kamay. Agad ko siyang pinuntahan sa pwesto nito at inahon ko siya.

"Shit! Ayos ka lang ba?" Alalang tanong ko dito. Hindi siya maka-sagot dahil hinihingal ito at nanginginig sa kaba. Agad kaming pumunta sa pampang.

"Nath, may masakit ba? Sabihin mo" natatarantang sabi ko sa kanya. Kita kong hinahawakan nito ang binti niya at namimilipit sa sakit.

"Ma-masakit" daing nito habang hawak hawak niya ang kanyang binti. Malamang pinulikat siya dahil sa sobrang paglangoy nito. Hinawakan ko ito sa binti at ako na mismo ang nanghilot doon.

"A-aray!" Daing ulit nito.

"Saglit lang to, mawawala din ito" pagpapakalma ko naman. Unti unti naman itong kumalma.

Sa kalagitnaan ng paghihimas ko sa binti nito, yung pagdaing niya ay parang napapalitan ito ng marahang pag ungol na nagpagising sa junjun ko. Kaya tiningnan ko ito at nakita kong nakapikit pa ito. Nakakadagdag pa ng libog ang ginagawa kong paghimas sa binti nito dahil ang lambot at ang kinis.

"Ahhhh-ray" ungol pa nito. Napa-lunok ako sa ginagawa nito.

Bigla itong nagmulat at napansing naka-tingin ako sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KALAT (M2M)Where stories live. Discover now