CHAPTER 1
"Inaaaa!" ,sambit ko habang di mapigilan ang paghikbi dala ng matinding pag iyak.
"Anak, 'wag kanang umiyak. Para sa'yo din naman 'to. Sa magiging kinabukasan mo."
Hinahagod niya pa ang buhok ko para gumaan ang loob ko. Ngunit hindi ito sapat. Masyadong mahirap para sa akin ang iniisip niyang paraan.
"Pero ina, hindi ko po kaya. Lalo na't malalayo ako sa iyo."
Nagbabadya nanaman ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Kaya mo 'yan. Alam kong kaya mo. Sa una lang mahirap ngunit alam kong masasanay ka din doon sa mga susunod na araw."
Kasinungalingan ang sinabi niya. Alam kong hindi ako magiging masaya doon.
"Ngunit paano ho kayo, ina? Sino nang makakasama niyo? Hindi pwedeng mag-isa lamang kayo dito. Hindi ako papayag."
Iniiwas niya ang tingin sa akin ngunit hindi makakatakas sa aking mga mata ang nagbabadyang luha niya.
"Huwag mo akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Malakas ako, hindi ba? Matibay ang loob ko kaya tiyak na kakayanin ko itong mag-isa."
Haay. Isa nanamang kasinungalingan. Isang kasinungalingan na laging sinasabi ng ina sa kaniyang mga anak.
"Matutulungan ko ho ba kayo kung papayag ako sa gusto mo, ina? Mababawasan ba ang alalahanin at pag-aalala ninyo kung mamamasukan ako roon?"
"Ganun na nga, Mahal kong anak."
Iba ang sagot na inaasahan ko. Ngunit hindi dapat ako malungkot sa sinabi niya. Alam kong hindi iyon ang totoo.
"Sige po, ina. Kung yan ang nais niyo, gagawin ko para sa'yo."
Binigyan ko siya ng isang ngiti na alam kong hindi niya iisiping hindi bukal sa loob ang sinabi ko.
"Salamat, anak. "
Ngiti rin naman ang isinukli niya sa akin matapos iyon.
—
"Handa kana ba para bukas? "
Nagulat ako sa biglaang pagpasok ni ina sa kwarto.
"Ah opo! Excited na po ako, nag-iimpake na nga po ako oh!"
Ipinakita ko sa kaniya ang ngiti ko. Nagkukunwaring excited na nga ako sa pag-alis ko bukas.
"Mabuti naman. Sigurado akong magugustuhan mo ang lugar na iyon. Maswerte ka pa nga e dahil makakapasok ka doon at makikita mo pa ang mga matataas na tao na siyang pinapangarap na makita ng iba."
Wala naman akong pakialam doon e. Ang tanging pangarap at ninanais ko lang sa buhay ay ang makitang nakangiti ang aking ina. At syempre mapaginhawa ko ang buhay niya.
"Gano'n po ba, ina? Kung ganon napakaswerte ko nga ho talaga!"
Hindi na ako tatanggi pa. Baka ito na ang pagkakataon ko. Baka ito na ang maglagay sa amin sa mas magandang buhay. Sigurado naman akong magiging maganda ang lagay ko doon. Kaya hindi ko na sasayangin ang pagpasok ko doon. Pagbubutihin ko.
"Mahal na mahal kita, anak ko." :)
—
Maaga akong nagising ngayon. Kailangan kong maghanda. Dapat maging presentable ang itsura ko.
Isinuot ko ang pinakamaganda kong damit. Isang pulang dress na hanggang tuhod at may malaking ribbon sa likod. Pati ang heels ko na kulay itim at may kumikinang kinang pa. Talaga namang nakakaagaw pansin ito kapag suot suot ko. Galing itong Japan, bigay ng dating amo ni ina. Ito na ata ang pinakamahal kong gamit kaya naman grabe ang pag-iingat ko rito.
YOU ARE READING
Fell inlove with the Royal
RandomHow can two different worlds collide for the true meaning of love? Paano maipagpapatuloy ng dalawang magkaibang mundo at estado kung ang kanilang mga puso ay namamalagi sa sinumpaang bawal na pag-ibig?