CHAPTER XIII: The Pain I Never Knew

951 48 38
                                    

"Bakit kasi kung kailan gusto mo na yung isang tao, yun pa yung time na marerealize mo na wala kang puwang sa puso niya"
-Keifer Claython Mathews-

~*~



★KC★

"Damn it. Si Alexis, dinala daw sa clinic," sigaw ko. Nag-aalala ako dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya pero biglang may pumasok sa aking isipan.

"Tara na," sabi ni CK.

"Teka lang. Hindi tayo pupunta doon," sagot ko sa kanya na kanya namang ikinagulat.

"Look, alam mo naman kung gaano kagago ang utak nila. Baka prank lang lahat ng ito. May atraso sila sa akin. Baka gumagawa lang sila ng rason para humingi ng tawad. Idadamay pa nila ang clinic sa kagaguhan nila. Manigas sila doon," sabi ko kay CK. Tama naman diba? Baka hindi totoo na nasa clinic sila. Kung sa tingin nila eh mabobola nila ako, pwes hindi.

"Sabagay tama ka. Pero teka, paano kung totoo? Wala namang masama kung pupunta tayo diba?" sabi ni CK. Manigas sila doon.

"Sayang naman kasi yung effort nila eh. Pumunta na lang tayo," dagdag pa ni CK. Tsk. Anong mapapala ko doon? Magsasayang lang ako ng oras. Pero tama naman, wala namang masama. Besides gusto ko rin namang malaman kung ano yung ganap nila.

"Okay fine. Let's go. Just pretend na parang nag-aalala tayo," sagot ko kay CK. Agad naman kaming naglakad patungo sa clinic. Medyo malayo din ng kaunti. Masakit na itong paa ko dahil sa paglalakad.

"Paano kung talagang may nangyari kay Alexis? Anong gagawin mo?" tanong niya sa akin. Tsk. Arte lang niya yon. At bakit niya tinatanong?

"Wala? Eh ano ba ang kailangan kong gawin? Umiyak? Di mapakali? Sus. Arte lang niya yon. Gusto lang magpalambing sa akin," sagot ko sa kanya. Bigla niya na lang akong binatukan.

"Aray naman. Bakit anong mali sa sinabi ko?" reklamo ko. Eh kasi naman binatukan ako.

"Ganyan ka ba mag-alaga ng taong minamahal mo? Sus, hindi kayo magtatagal kapag ganon," sabi naman niya sa akin. Loko talaga.

Nasa harap na kami ng clinic ng biglang lumabas yung ex ni Alexis. Achilles yata yung pangalan. Biglang kumulo ang dugo ko. Sa itsura pa lang niya eh halatang saksakan na ng yabang. Overconfident. Akala niya siya na yung bida. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba mukhang nanghahamon ang gago ah.

"Sabihin mo lang kung may problema ka sa akin. Pasalamat ka may respeto ako sa hayop dahil kung hindi baka duguan na yang labi mo," sabi ko sa kanya. Ikaw ba naman ang i-head to foot. Tignan na lang natin kung hindi ka maiinis. Nakakabwisit akala mo kung sino.

"Ikaw ang boyfriend ni Alexis diba? Next time bantayan mo siya ng mabuti baka maagaw siya ng iba," nang-aasar na sabi niya tapos umalis na sa aming harapan.

Dahil sa sobrang inis ay agad akong pumasok sa clinic.

"What took you so long?" agad na tanong sa amin ni Kiro. So totoo nga na dinala siya dito at may nangyari sa kanya. Hindi ko na siya sinagot at agad akong pumasok sa room kung saan siya ginagamot. At ayun nga, nakahiga siya. Agad silang napalingon sa akin lalo na si Alexis.

"Anong ginagawa ng Achilles na yon dito?" agad kong tanong sa kanila. Wala nang paligoy-ligoy pa. Nakakainis lang kasi eh. Bakit siya galing dito.

"Siya kasi yung bumuhat kay Alexis para dalhin dito," sagot naman ni Ian. Bumuhat? Eh anong ginawa nila nanood lang? Bwisit.

"Bakit hindi kayo?" inis na tanong ko  sa kanila. Hinayaan pa nilang buhatin ng gunggong na yon si Alexis.

BABY COMEBACK TO ME (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon