Chapter 5

2.1K 55 1
                                    

WARNING: THIS CHAPTER CONTAINS MATURE SCENES NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!

ILANG ORAS PA ang itinagal namin sa himpapawid bago kami ibaba nito sa isang liblib na lugar. Napapalibutan ng mga puno ang buong paligid at isang sobrang taas na bakod. Kahit saan ko ilibot ang tingin ko ay wala akong makita na katabing siyudad o mga bahay dito. Sa gilid ng mataas na pader ay ang malaking gate.

Nasisiguro ko na ilegal ang transaction dito. Sa kabilang dulo naman ay makikita ang mga puno ng niyog bago mo makita ang mga nagkalat na yate na nasa pampang.

Magaala sais na ng gabi at unti-unti nang dumaragsa ang mga tao. Sa kung paanong paraan nila natunton ang ganitong lugar ay wala akong ideya. Muli akong napatayo nang marahas nila akong hilain papasok. Hindi na ako nagpumiglas o nanlaban dahil alam kong wala akong matatakasan. Bukod sa napakaraming g'wardya ay siguradong wala ni isa ang papayag na makatakas ako ng ganoon kadali lang.

Bahagya pa akong namangha ng makita ko nang tuluyan ang loob ng malaking mansyon. Kulay itim at puti lamang ang makikita dito at ang mga mamahaling antigong gamit. Ngunit imbis na sa sala dumeretso ang mga tao ay kaagad na kinuha nila ang mga susi at pumasok sa kanya-kanyang kuwarto.

Sa gitna ng pasilyo ay mga mamahaling baril at mga armas. Makikita mo din ang chandelier na tila hugis ng iligal na droga. Sa kaliwang pasilyo naman ay ang magkaharapang kwarto. Muli ay hinila nila ako hanggang sa makarating kami sa dulo. Binuksan nila ang tila bakal na pinto bago may kung anong pinindot doon dahilan para gumalaw paibaba ang kinakatayuan namin. Muli akong namangha sa itsura ng underground ng mansyon, mas maraming tao dito kesa sa itaas. Mas maingay at mas maraming ilegal na bagay ang nakakalat. Hindi ko alam kung ang pagkamangha ang unang mararamdaman o ang takot.

Kaliwa't kanan ang mga nagsi- sigarilyo. Ang iba ay umiinom ng alak habang sa kanilang hita ay ang mga nakakandong na babae. Pero karamihan ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Karamihan sakanila ay businessman pero mas lamang ang nagtatrabaho sa gobyerno. Ipinuwesto nila ako sa tila stage ng kwarto at nasilaw nang biglang tumapat sakin ang napaka liwanag na ilaw. Bahagya ko pang inilihis ang aking mukha para makabawi sa pagkakasilaw at makaaninag.

May nagsalita sa mikropono dahilan para maagaw ang atensiyon ng bawat taong nandirito. Lahat sila ay nakatuon ang tingin sakin. Lahat ay tila nai-excite sa gagawin. Ang kaninang paghanga ko sa buong bahay ay napalitan ng pagluha.

"Now let's start na bidding!"

Muli ay sabi ng babae tila EMCEE ng gabi.

"What the fuck are you saying? Anong bidding!"

Pagalit kong sabi pero wala nang ibang magawa kundi ang lumuha. Ang kaninang lubid na nakatali  ay napalitan ng posas kaya miski pag pagalaw ng kamay ay hindi ko magawa. Kaagad na nilukob ako ng kaba ng magpalakpakan ang lahat.

"Let's start for 1 million dollars!"

Kaagad na anunsyo nito pero laking gulat ko ng halos karamihan sa mga taong nadito ay nagtaas ng kamay.

"I'll go for 1.1 Million dollars!"

Sabi ng matanda na sa tingin ko ay gobernador ng kung saang lungsod. Pasiring ko siyang tinignan ngunit pinagsawalang bahala niya lang ito at nakangiting itinaas lalo ang kamay.

"1.1 Million dollars, going up? Going twice?"

Muli ay anunsyo ng emcee at kaagad na ngumiti ng muli ay nagaagawan silang nagtaas ng kamay.

"I'll go for 2 Million dollars!"

Sabi ng mas batang lalaki na sa tingin ko ay nasa trenta palang ang edad.

"3 Million dollars!"

Muli ay pakikipagtalo ng matanda.

"5 Million dollars!"

Habang pataas ng pataas ang bidding ay paunti ng paunti ang taong nakataas ang kamay.

"39 Million dollars!"

Muli ay sabi ng bagong dating na lalaki. Sa nanlalaking mata siya tinignan ng lahat ng naroon. Nadinig ko pang tinawag siyang boss ng emcee. Sa tansya ko ay mas matanda lang siya ng limang taon sakin.

Malaki ang kanyang katawan at maputi. Matangos ang ilong at mapulang labi. Itim na itim na kulay ng mata at makapal na pilik mata. Sa unang tingin ay aakalain mong modelo siya pero ang mas makakaagaw ng pansin mo ay ang butas niya sa kaliwang tenga at ang malaking tattoo sa kanyang braso pababa sa pala pulsuhan.

"39 Million, going twice?"

Nagugulat na tanong ng emcee. Nang wala nang makitang nagtaas ng kamay ay muli siyang nagsalita.

"39 Million dollars sold by Mr. Park----"

Pero naputol ang kanyang sinabi ng muli ay may nagtaas ng kanyang kamay.

"100 Million dollars!"

Maski ako ay nagulat sa perang ilalabas niya. Sa nanlalaking mata ako tinignan ng emcee bago ilang ulit na lumunok bago nagsalita.

"1-100 Million dollars, going twice?"

Wala nang nagtaas ng kamay, maski ang boss na tinawag niya ay nakangisi nalang na nakatingin sakin bago balingan ng tingin ang lalaking huling nag bid.

Dahil nasa pinaka dulo siya ng silid at nasa pinaka madilim na parte ay talagang nakaagaw siya ng atensiyon nang tumayo siya at mahawi sa gitna ang mga tao. Bawat madadaanan ay bahagya pang yumuyukod sakanya, nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad ng huminto siya sa tapat ng lalaking tinawag na boss.

"Better luck next time bro!"

Muli ay binigyan niya pa ito ng isang ngisi bago ituon ang atensiyon sakin. Nang magtama ang aming mata ay kaagad akong nawala sa huwisyo. Ang mga mata niya ay talagang nakakabighani. Sa aking tansya ay limang taon lang din ang agwat ng edad niya sakin. Mas malaki ang kanyang katawan. Mas maganda ang hugis ng kanyang labi. Mas maganda ang hugis ng kilay. at higit na maganda ang kanyang mga mata he has this dark blue eyes that van capture anyone's attention that bad.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng ganong klaseng mata. It was rare and beautiful. No it was mesmerising. Ilang ulit ko pang sinubukan na kumawala sa tingin niya pero kusa akong bumabalik na tila nahi hypnotismo.

"You're now mine!"

Madami pa siyang ibinulong sakin bago ko maramdaman na siya mismo ang nagtanggal ng pagkaka posas ko. Nang makawala ay kaagad niyang in inspection ang katawan ko at nang makita ang ilang galos at pasa ko ay kaagad na dumilim ang kanyang aura at umigting ang panga tanda na tila galit siya.

Nang makita ang reaksiyon ng lalaking nasa harap ko ay kaagad na dumulog ang emcee at humingi nang paumanhin. Hindi na niya inantay pa ang sasabihin ng mga tao nang kaagad niya akong hinila at dinala sa kaliwang parte ng bahay kung saan nakadaong ang napakaganda niyang yate.

Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kapag nasa tabi ko ang lalaking ito ay magiging ligtas ako. Nang magtama ang aming tingin ay kaagad akong umiwas at nagpaubaya ng iakay niya ako sa naka daong na yate.

"Rest!"

That's the last thing he said before he start the engine.

-C.A-

Sold By Mafia Boss (✔️)Where stories live. Discover now