Tsinelas

12 4 0
                                    

Ika'y gaya ng tsinelas na namumukod tangi
Hindi gaya ng ibang tsinelas ay ika'y aking hindi isasantabi
Kahit nararamdaman ma'y hindi ko kayang ikubli
Sa isang taong panuruan ay tsinelas ang saksi

Ngayo'y mukha ko ay aking kakapalan
Wari'y isang bakya na nasa sisidlan
Pisnging namumula at hindi mapakali na parang ewan
Parang sinampal ng bakya noong ika'y matingnan

Kung sakaling tayo'y magSandugo
Kailanma'y hindi ako magloloko
Sapagkat ayokong mahalintulad sa lata ng tumbang preso
Ayaw kong mahampas ng tsinelas gaya ng ipis na pinandidirihan mo

Hayaan mong ako ang kapares mo sa tuwina
Bahala ka na lang kung ako ang kaliwa o ang kabila
Sa pagbagtas nitong dalawang mga paa
Sasamahan kita hanggang tayo'y mapudpod  at tumanda


7-26-20

Apat na Markahan ng PagsintaWhere stories live. Discover now