CHAPTER 39 (I)

442 20 2
                                    

VAN's

Dumaan si Avery sa hospital para magpaalam saken. Babalik na daw siya sa states at doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral at magpapagamot na din. For the sake of her own sanity.

Gumaan kahit papano ang loob ko nang aminin niya sakeng walang nangyare noon samen sa korea.

At least, may masasabi na din ako kay Quine kapag nagkita na kami.

Humingi siya ng tawad at...

"Ikaw na din ang bahalang mang-hingi ng tawad para saken kay Quine. Hindi niya sinasagot ang tawag ko kaya hindi ko siya maka-usap eh." Kaagad akong ngumiti dito.

"Sige, ako na ang bahala." Sabi ko dito pagkatapos.
Bago kami mag-hiwalay ay niyakap ko muna siya sa huling pagkakataon. I know even before that she needed some treatment for herself.

Alam ko din na hindi na love ang nararamdaman niya saken, nakokonsensya lang siya sa ginawa nila saken noon kaya gusto niya akong balikan.
At masaya ako na...nagising na din siya ngayon.

"Mag-iingat ka sa states." Pahabol ko pa sa kaniya bago ito tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Masaya ako kahit papano. Pero hindi ganon kasaya dahil hindi parin kami okay ni Quine.

Pero alam kong magiging okay na din kami.

I waited. I waited inside my hospital room for days. After kong madischarge ay agad akong dumiretso sa apartment din ni Quine. Kaso wala siya doon. But I still waited for her.

I told myself that maybe, she's on her parent's house. Kaya siguro wala na ang mga damit at ilang gamit niya sa apartment niya. I even tried calling her, but the call always ended.

Maybe she needs time, ang nasabi ko na lang sa sarili ko.

Dahil sa may mga gamit naman ako sa apartment ni Quine ay  doon muna ako namalagi.

Dumating ang pagbabalik namin sa school para sa natitirang ilang buwan bago matapos ang school year namin.

Ayoko talaga pumasok pero nagbabakasakali ako na makikita ko si Quine sa school. Gusto ko siyang puntahan sa family house nila kaso hindi ko alam kung saan yun. Naiinis nga ako sa sarili ko at hindi ko man lang inalam kung saan yun noon.

Pagbaba ko pa lang ng kotse ay kita ko na agad ang masasayang mukha ng mga schoolmates ko. Fore sure marami sa kanila ang galing sa masasayang vacations.
Kaso, habang sila nagbabakasyon ay muntik naman akong mamatay sa kamay mismo ng papa ko na galit na galit dahil bumagsak ang business niya dahil daw saken. Sabi niya pa malas daw ako sa buhay niya at wala na akong ginawa kundi sirain ang buhay niya.

Hindi ko pinansin ang mga biglang tinginan at bulungan nang dumating ako sa classroom namin. Paniguradong alam na ng lahat ngayon ang nangyare.

Pero wala naman sa kanila ang nakakaalam ng totoong storya...tanging kaming tatlo lang.

Kalat na din sa school ngayon ang pagbagsak ng business ng pamilya ni papa, buong bansa ata alam yun.

"Karma nila yan, ang bait kaya ni Quine tapos ganon pa ang ginawa nila? Grabe diba?!" Dinig kong usapan ng isa sa mga babaeng classmate ko na never kinamusta o kinausap man lang si Quine.

Lumipas pa ang ilang mga araw pero...wala parin, hindi ko parin siya nakikita.

Habang patagal ng patagal...hindi ko na nalalaman ang mga dapat kong gawin.

Namimiss ko na talaga siya, pakiramdam ko sobrang mag-isa ako ngayong wala na siya sa tabi ko. Maski sina Alec, hindi rin ako kinaka-usap. Nakakabaliw.

Heartbeat Road  (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora