TMD - Chapter 1

1 0 0
                                    

NAKATINGALA ang mag asawang Victor at Akira  sa kalangitan at hinihintay ang kabilugan ng buwan. Isang imortal si Victor at Akira , sila ay mga taong lobo, sila rin ang alpha at luna ng Dolphus Pack.

Kasalukuyang buntis si Akira at nakatakdang ipanganak niya ang susunod na mamahala sa Dolphus Pack ngayong kabilugan ng buwan. Ang batang iluluwal niya ay tatawaging anak ng buwan. Isang lobong may natatanging lakas at kagandahan hindi lamang sa pisikal kundi pati na rin sa kalooban.

" Ilang oras na lamang at sasapit na ang kabilugan ng buwan" sambit ni Victor sa kaniyang asawang si Akira. Walang anumang salita ang tutumbas sa kasiyahang nararamdaman ng mag asawa dahil malapit na nilang masilayan ang kayaman ng Dolphus Pack.

"Hindi na rin ako makapag-hintay Victor nais ko ng masilayan ang anghel ng ating pamilya" nagagalak na wika ni Akira. Kaunting oras na lamang at malapit na niyang iluwal ang magiging anak ng buwan na siyang titingalain ng lahat.

Nakasaad sa propesiya ng mga lobo na ang magiging anak ng alpha at luna ng Dolphus Pack ay siyang magiging anak ng buwan. Magtataglay ng lakas na hindi kayang tumbasan ng sinumang pack. Nakasaad din na mas malakas siya sa alpha ng mga pack. Taglay niya ang kapangyarihang kayang magpalambot sa sinumang lobo. Ngunit ang kahinaan niya ay ang anak ng Karagatan na magmumula pa sa Timog Silangan, ang anak ng alpha ng Phelan Pack na siyang magiging katapusan ng buhay niya.

Nag anyong lobo na si Victor at Akira. Hinanda na ni Akira ang kaniyang sarili sa pagluwal ng bata. Kitang kita ang kagandahan ng puting balahibo ni Akira na siyang nagniningning sa sinag ng bilog na buwan. Habang ang makapal na kulay abong balahibo ni Victor ay sumasayaw dahil sa lakas ng hangin.

Bilog na bilog na ang buwan, tanging ang liwanag lamang nito ang siyang nagbibigay ilaw kay Akira. Habang lumalaki ang buwan nararamdaman ni Akira na lumalabas na ang bata sa kaniya. Isang matinis na boses lamang ni Akira ang narinig ni Victor at nakita niyang lumabas na ang bata. Nasa anyong lobo si Victor ng umalingawngaw ang boses niya sa ilalim ng kabilugan ng buwan ng siyang nagpapahiwatig na iniluwal na ni Akira ang bata. Tumayo si Akira at nag anyong tao, nang makita niya ang anak niya halo halong emosyon ang naramdaman niya. Isang puting batang lobo ang ang iniluwal niya ng akayin niya ito naging isa itong bata. At laking gulat niya na iba ang kasarian nito tulad ng inaakala nila. Isa itong lalaki ngunit ang kaniyang katangiang pang-lobo ay pambabae. Ngunit posible iyon dahil ang anak nila ay anak ng buwan.

"Akela, Akela ang nais kong ipangalan sa ating anak" nakangiting wika ni Victor. Isang matamis na ngiti naman ang sinagot ni Akira sa kaniyang asawa.

Lumipas ang mga araw at ipinagbunyi ng Dolphus Pack ang bagong miyembro nito na anak ng Alpha at Luna. Napakasaya ng lahat dahil nasilayan nila ang magandang mukha ng isang lalaki.

Dumalo rin ang mga kaibigang Alpha ni Victor na nagmula pa sa Weylyn Pack at Faolan Pack. Ito ang mga pack na sinaklolohan ni Victor ng sinalakay sila ng Phelan Pack. Ang Phelan Pack ay pinamumunuan ng Alphang si Thadeus, isang alpha na ayaw magpalamang sa mga ibang pack. Nasa propesiya rin na si Akela ang itinakdang uubos ng pack nila ngunit kung mapipigilan ito ng anak ng alpha ng Phelan ay ang pack ni Victor ang mawawala.

Dahil sa hindi mapalagay si Thadeus nagpadala siya ng mga omega sa Dolphus Pack upang magmanman. Ngunit mautak si Victor dahil naging mahigpit siya sa seguridad ng kaniyang anak hindi niya ito masyadong pinapalabas.

Lumipas ang panahon at si Akela ay pitong taong gulang na. Lalong tumingkad amg kulay abo niyang buhok na namana niya sa kaniyang ama. Ang mga magagandang mata nito na para bang nagbibigay kaginhawaan sa bawat tumitingin. Ang labi nitong parang kulay rosas sa kapulahan at nakakapang akit at ang balat nitong parang niyebe sa sobrang puti. Kaya lalong naghigpit sa Victor sa kaniyang anak na si Akela.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE ALPHA'S GEM SERIES: The Moon's DescendantsWhere stories live. Discover now