CHAPTER 12 - CONFESSION

42 23 2
                                    

CHAPTER 12:

•|CONFESSION|•


Catelin's PoV

Nagising ang diwa ko nang may naramdaman akong humawak sa kamay ko


Pagmulat ng mata ko nilibot ko ang paningin ko at napansin na nasa clinic pala ako kasama si lance

Agad kong hinila ang kamay ko na hawak nya pala "Umalis ka na dito!" Mahinhin pang sabi ko

"Let me explain first catelin."

"Aalis ka o ako ang aalis?" Sabi ko sa kanya at aastang tatayo pero pinigilan nya ako

"Kaylangan mo pang magpahinga catelin."


"Kaya nga umalis ka na diba? Ayoko munang makita yang mukha mo, please lance nakikiusap ako."

"Oo, aalis ako pero sa isang kondisyon, kaylangan mo munang makinig sa akin." Sabi nya at nagpakawala ng malakas na buntong hininga "kung iniisio mong ako yung gumawa sa iyo non, pwes nagkaka—" di nya na natapos ang sasabihin ng magsalita ako


"Kung hindi ikaw, sino ha?" Medyo napalakas na sabi ko

"Hindi ko alam pero hindi ako catelin, hindi ako."

"Then do you expect me to believe you ha!? Alam ng umawa non na takot ako sa dilim kaya pinatay nya ang mga ilaw at ikaw lang ang alam kong pwedeng gumawa non! Dahil sa iyo ko lang sinabi yon!" Di ko maiwasan ang mapalakas boses dahil sa sobrang galit

"Catelin, calm down, yung puso mo." Nag-aalalang sabi nya

"Calm down? Pwede akong mamatay don lance tas sasabihin mong calm down? Pagtapos ng ginawa mo, sa—"

"Bakit ba ako ang sinisisi mo?"

"Bakit hindi ba?" Sarkastikong tanong ko

"Hindi!"

"At sa tingin mo ba maniniwala ako sa iyo?"

"At sa tingin mo rin ba magagawa ko iyon sa taong gusto ko, sa mahal ko?"

O _ O

Sabi ko na nga ba, ako yung tinutukoy nya, at tama sya hindi nya yun magagawa

Di ko nga alam bat sya agad ang sinisi ko

Nililigtas nya ako lagi diba pero kung hindi sya sino?

*Katahimikan*

Nagpakawala muna sya ng malakas na buntong hininga bago magsalita

"Totoo catelin, kaya please maniwala ka sa akin, hindi ko iyon magagawa sa iyo."

Kinwento nya sa akin ang nangyari simula nang mag cr sya hanggang sa mabuksan ang pinto

"Hindi ako ang gumawa non catelin, sana maniwala ka. Sige aalis na ako." Sabi nya at aastang tatayo pero hinawakan ko ang braso nya

"S-sandali lang." Tiningnan ko sya pero nakatingin lang sya sa kamay kong nakahawak pa rin pala sa kanya

Kaya mabilis ko itong binitiwan, nang tingnan ko ito umupo ulit ito ng maayos

"S-sorry ah. . . Kala ko kasi"

"Okay lang naiintindihan ko." Walang emosyong sabi nya

Saglit na katahimikan ulit ang nangibabaw sa amin pero nagsalita ako

"N-nung bata kasi ako. . ." Paninimula ko pa lang pero ramdam ko na ang panggigilid ng luha ko "N-nag-aaral ako mag-isa non sa kwarto ko nang biglang mawalan ng kuryente." Pagku-kwento ko at tuluyan ng tumulo ang luha ko

"H-hinanap ko yung cellphone ko pero hindi ko matandaan kung san ko yun nalagay kaya nahirapan akong pumunta sa pinto, nung nakapa ko na yung doorknob ayaw non m-mabuksan, h-hanggang s-sa. . ." Pagpapaliwanag ko pero napahinto ako dahil hindi na ako makasalita ng maayos

Agad namang inabot ni lance ang panyo nya sa akin at inabot ko naman iyon

Pinunasan ko ang luha ko at pinagpatuloy ang pagsasalita

"H-hanggang sa may humawak sa braso ko, takot na takot ako non, dahil syempre wala naman akong kasama don pero nay hahawak sa'yo diba?" Sabi ko at kunqaring natatawa pa "P-paglingon ko nun, kahit na madilim kita ko pa rin yung mukha nya, n-nakakatakot, p-pu-puro d-dugo yung m-mukha nya." Kwento ko at patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko

"S-syempre sumigaw ako non dahil sa sobrang takot, bago nawalan ako ng malay at doon narin nagsimula yung hika ko." Pagpapatuloy ko at pinunasan ang luha "mahirap paniwalaan pero totoo, ngayon kung hindi ka naniniwala, okay lang naiintindihan ko."

"Naniniwala ako." Sabi nya kaya napangiti ako


"S-salamat, wala e kahit gusto kong kalimutan yon hinding hindi maalis sa isip ko." Sabi ko at tumingin sa kanya

"Kung gusto mong makalimutan ang isang bagay, lahat gagawin mo para makalimutan ito, pwera na lang kung ayaw mo talagang kalimutan ito." Seryosong sabi nito

————————————————

-maehtybee-
Don't forget to vote, comment and follow

Hope y'all like it❤️❤️
*Hugs*

I'm Inlove With My Bestfriend's Crush Where stories live. Discover now