Aisle 1

4 0 0
                                    

"Uy pare! Totoo ba sabi ni Sir kanina? Di ka na raw ilalaban para sa Buwan ng Wika?" tanong ni Jisung sa kaibigan niyang si Jeno. Tumango naman ang kaibigan bago bumalik sa pagliligpit ng gamit.

"Bakit daw? Eh di ba ikaw naman yung nanalo sa essay writing? Bakit hindi ikaw yung ilalaban?" gisa pa ni Jisung kay Jeno.

"Kasi nga, sa pagsulat nga ng iskrip ako ilalaban. Nanalo ako sa parehong contest, remember? Eh sabi ni Sir, yung nag-second place na lang daw ilalaban nila sa essay tapos ako sa script writing. OK na?" inis na sagot ng lalaki kay Jisung. Tinawanan na lamang niya ang sinabi ng kaibigan bago ito hinila palabas ng classroom.

"Pero p're! May bago akong crush! Ang cute niya, as in!" masayang kwento ni Jisung habang inaalala ang mukha ni Chenle.

"Anong title?" tanong ni Jeno sa kanya bago nagsimulang maglakad papunta ng cafeteria.

"Pare naman! Totoong tao 'to! Promise! Nakilala ko kagabi sa 7 Cents! Ang puti tapos mukha siyang pusa! Parang boses pa ng anghel yung boses niya!" paliwanag ni Jisung habang sinasabayan ang hakbang ni Jeno.

"Akala ko forever ka ng magiging simp para sa mga cute na anime girl, lalo na kay Asuka," wika ng kaibigan niya bago siya nginitian.

"Loko ka talaga! Syempre, wala pa ring tatalo kay Asuka pero tol! Para siyang living anime character!"

"Gagi, baka nag-iilusyon ka lang. Epekto ng ESP sa utak mo."

"Hindi ah! He's alive and breathing talaga. Tao siya pero parang hindi sa sobrang ganda niya."

"Malala ka magkaroon ng crush, Jisung. Para kang adik."

"Adik talaga. Adik sa kanya," banat ni Jisung. Umakto namang nasusuka si Jeno bago lumapit sa nagtitinda ng siomai rice. Habang nabili ang kaibigan, pinasadahan ng tingin ni Jisung ang cafeteria. Dumako ang tingin niya sa isang grupo ng mga estudyante na nakaupo sa isang table. Kahawig niya yung crush ko? Wait. Oh shoot. Si Chenle nga!

"Jeno! Jeno!" wika ni Jisung habang kinakalabit ang kaibigang abala sa pagbubuhos ng toyo sa binili niyang siomai rice.

"Pag ito talagang pagkain ko natapon dahil sa iyo, patay ka sa akin," asik ng binata kay Jisung.

"Nandito yung crush ko! Dalian mo!"

"Ha? Yung sinasabi mong nakilala mo sa 7 Cents?" paglilinaw ni Jeno. Tumango na lamang si Jisung bago hinila patungo sa table malapit sa lamesang inuukupa nila Chenle.

"Oo nga! Kasalanan ni Jaemin at Yangyang bakit natapon yung shake ko!" wika ng isa sa mga kaibigan ni Chenle. Nagtawanan naman ang iba nilang kasama dahil sa sinabi ng lalaki.

"Di bale, ililibre ka naman daw ni Lele ng shake mamaya, di ba?" sabi ng lalaking katabi ni Chenle.

"Wala kaya akong sinabi! Sinungaling ka talagang Jaemin ka!" sagot ni Chenle bago inirapan si Jaemin. Tumawa ulit ang mga kasama nila dahil sa sinabi ng crush ni Jisung.

"Hoy Jisung at Jeno! Di nyo kami inaya!" malakas na sigaw ni Mark habang naglalakad papalapit sa kanila. Nakasunod sa kanya si Lucas na abala sa pagkain ng burger.

"Ang bagal nyo kumilos! Baka maubusan ako ng siomai rice," sagot ni Jeno bago umusog para makaupo ang bagong dating na kaibigan.

"Bagal kasi magsagot ni Lucas! Siya na lang naiwan doon sa room! Kung di ko pa sinabi kung anong sagot, di pa yan makakalabas!" reklamo ni Mark bago sumubo ng kanin.

"Malay ko ba kung sino yung guide doon sa Dante's Inferno! Di naman ako nakikinig sa lesson eh," wika ni Lucas.

"Yan! Di na nga nakikinig, di pa nag-aaral. ML ka kasi ng ML kaya tingnan mo, pati si Charon di mo kilala," usal ni Jeno bago pabirong sinuntok si Lucas. Tinawanan na lamang ni Lucas ang ginawa ng kaibigan bago nagpatuloy sa pagnguya.

Sinulyapan ni Jisung ang mesa nila Chenle at napansing bumubulong si Jaemin sa kanyang crush. Ano kayang binubulong niya? At saka, bakit siya tumitingin dito? Nagkasalubong ng tingin si Jisung at Jaemin kaya't mabilis na inalis ni Jisung ang tingin at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa mga kaibigan.

Lumipas ang oras at tapos na si Jisung sa unang araw ng kanilang exam. Last subject nila para sa araw na iyon ang Math kaya naman labis siyang nagpapasalamat at hindi niya kailangang madaliin ang sarili. Mali man ang sagot, at least ay sinubukan niyang i-solve.

"Hirap talaga ng Math! Sana sa senior high,  di na masyadong madugo!" wika ni Lucas habang nag-aayos ng gamit. Tumango naman sila Jeno bilang pag-sang-ayon sa sinabi ng kaibigan.

"Pero sabi ni Kuya, mahirap din daw sa SHS! Buti na nga lang daw at HUMSS ang strand niya kasi ang hirap daw ng ibang subject ng STEM at ABM," kwento ni Jeno sa kanila.

"Bakit ba nag-HUMSS si kuya Doyoung eh magaling naman siya sa Math?" tanong ni Mark sa nakababatang kapatid ni Doyoung.

"Eh yun yung gusto ni kuya. Kahit kami, akala namin STEM kukunin niya pero sabi niya, gusto raw niya maging abogado kaya Humanities kinuha niya," paliwanag ni Jeno.

"Ah basta! Kahit anong strand naman yan, basta tamad ka, mahirap talaga! Wala namang madali sa mundong to!" sabi ni Jisung bago lumabas ng room. Mabilis siyang sinundan ng mga kaibigan at pikit kinulit bakit siya nagmamadali.

"Mag-re-review ka ba at atat kang umuwi?" tanong ni Lucas sa kanya.

"Hindi yan! May inaabangan sigurong anime yan si Ji kaya nagmamadali," wika ni Mark bago siniko si Jisung. Umiling naman siya at mas lalong binilisan ang lakad.

"Ano bang problema, Jisung? Samantalang dati, ayaw mo agad umuwi kasi sabi mo uutusan ka lang ng mama mo tapos ngayon nagmamadali ka?"

"Wala. Gusto ko lang matulog muna bago mag-review," pagsisinungaling ni Jisung sa kanila. Habang naglalakad palabas ng school, isa lamang ang laman ng kaniyang isip. Nasa 7 Cents kaya ulit siya mamaya? Matatandaan niya kaya ako?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Night of NightsWhere stories live. Discover now