1

124 5 6
                                    


Pat's  POV


"Oh Pat, ok ka lang bat parang tulala ka?" Jam.


"May naririnig akong nagsasalita kanina tangina"


"Eh di ba sabi naman ng mga kapitbahay mo may  nagpaparamdam talaga dito sa condo mo. Oh wait na natin sila Miguel para sabay-sabay na tayo kumain"


"Jam alam mo namang di ako naniniwala sa mga ganyan ano ba. Baka pagod lang talaga ako kay kung anong mga naririnig ko. Ikaw na lang maghintay kila Migs, papahinga muna ako sa kwarto ko"


Baka naman galing lang yung sound sa kapitbahay namin. Pero hindi talaga eh, parang katabi ko lang yung nagsalita. Hay nako Pat ano ba yan, don't stress yourself. Di totoo ang mga multo self sana ok ka lang. Humiga na lang ako sa kama ko at pumikit na, ang draining ng araw na to. 


***


Agnes' POV


Shit bat ako naririnig ni madam. Buti na lang dumating na si Jam bago pa siya magfreak out. Sinundan ko siya sa kwarto niya (na kwaarto ko rin kasi duh ang tagal ko na rin dito) pagod na pagod nga siguro to, bagsak siya sa higaan eh. 


Mayamaya lang ay may pumasok, mga pitong tao ata sila. Ang dami ng friends niya, halos wala na tuloy space dito sa condo. 


"Jam! San si Pat?" sabi nung lalaking matangkad.


"Tulog, pagod ata ang prinsesa" sagot ni Jam. Luh, sila ba ni madam?


"Anyare, bakit ata biglaan paglipat niya?"


"Eh pano ilang araw nang umuuwi sa kanila ng lasing. Ayun, nagalit si tito. Pinapali siya kung bahay o alak, eh ang gaga pinili ang beer. Stay hydrated daw eh. Kasalanan mo yan Poch"


"Hala, bakit ako?"


"Hoy JaPoch, mamaya na kayo mag-away diyan. Ang dami pang lilinisin oh" sabi nung isa pa nilang kasama. Ang cute lang ng mga kaibigan ni Pat, sila pa naglinis dito imbes na siya. Prinsesang prinsesa nga talaga.


Natapos na ring kumain at maglinis mga friends niya. Inabot na rin sila ng late dito sa condo, ang dami ba namang kailangan linisin.  Gusto ko man silang tulungan  eh di ko naman mahawakan mga gamit dito kaya pinapanood ko na lang sila habang nakaupo ako sa sofa. Ay oo nga pala, kung nagtataka kayo bakit di ako lumulusot sa sofa, di ko rin alam pati ako nagtataka din eh. Oo na, lagi na lang wala ako alam sa sarili ko HAHA


Umalis na yung mga kaibigan ng prinsesa kaya chineck ko siya sa kwarto niya. Lumapit ako sa kaniya at humiga sa kama kung san siya natutulog para matabihan ko siya. Magkaharapan kaming dalawa kaya naman kitang kita ko details niya. Ang sarap niyang titigan, ang ganda ng features ng mukha niya. Bagay na bagay sa kaniya ang pagiging singkit. Naalala ko tuloy mukha niya kaninang nagsusungit siya HAHA gulat siya ih. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Heaven is a Place on EarthWhere stories live. Discover now