CHAPTER 5: LAST MONTH LAST BULLY

28 13 0
                                    

Ito ang araw ng pasahan at ito rin ang huling buwan ko dito dahil sa canada nako mag aaral ng senior high sana naman maging memorable ito .

Pinasa na namin ni Shara ang project namin at kahit 99/100 lang ay masaya na kami sila Ethan ay nakakuha ng perfect score magagaling sila mag isip ng idea kaya di nako magtataka

Nandito ako ngayon sa garden maulan kaninang umaga pero tuyo na naman ang mga damo kaya pwede ng maupo.

habang nagbabasa ko ng libro ay may nag text sa akin tumayo daw ako at pumunta sa may bench.o

Sinunod ko naman ito pero nung papalapit nako sa Bench ay may pumatid sakin at dahil nga maulan kanina ay puro putik ang damit at mukha ko dahil hindi naman lahat ng part dito ay tuyo na ang damo.

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang may gawa nito at sino pa ngaba pag angat ng ulo ko ay ngingising ngising si Ethan ang nakita ko sabay sabing ugly piggy.

kita naman sa dulo ang ang mga kaibigan nyang nagtatawanan at madami naring studyante ang nagkukuha sakin ng litrato kaya tumayo na agad ako.

- - - - - - - - - - - - - - -
Matapos ko magpalit ng p.e dahil wala naman akong uniform ay bumalik nako sa room pero hindi Pa time ni miss tin kaya naman nakaupo lang ako at nag dodrawing habang iniisip ang huling buwan.

Ito ba? Ito ba ang memorable? Napakaganda .

"Good afternoon class" seryosong seryosong sabi ng teacher namin

"So now ang topic natin ay nanotechnology, Pag nasagot nyo ang mga tanong ko pwede na kayong lumabas, pag hindi get 1 whole sheet of pad paper" masungit na sabi neto napaka terror talaga neto

"Walang mag vo volunteer!?" Sigaw ni miss Cuizon

"Humanda ang matatawag ko dahil ang di makakasagot ay magkaka assignment!" Dagdag pa nito

Grabe last month na pa assignment pa nyenye

"Aragoza what is nanotechnology?" taking nya kay Misty

"Miss sorr-"

"Shut up!ireport mo bukas kung ano ang nanotechnology!"sigaw nanaman ni miss cuizon .

Hay nako napaka terror

"yes miss Dela Cruz?!"

"wala po miss" sabay yuko ko

"Miss Dela Cruz what is nanotechnology?"
Tanong nya aba sinusubukan ako a

"Tignan mo ungot ka ng ungot hindi mo naman pala al-"

"Nanotechnology is manipulation of matter on an atomic, molecular, and supramolecular scale." Nagmamataas kong sabi

"At anong naintindihan mo naman jaan sa ni recite mo?!" Aba talaga naman

"Nagmamanipula ito ng mga indibidwal na molecule" dagdag ko

"Very good you can sit!" sigaw nyang muli buti hindi ito napa paos

"Last question pag di nyo nasagot quiz!"
Nako naman si miss Cuizon

"How do we use nanotechnology in everyday life?" Tanong nya

"Walang sasagot ?! 5.. 4.. 3.. 2.." sabay tayo ni Ethan

"Yes Mr. Delo Santos ngayon mo kami pakitaan hindi lang ng itchura"

"It is a new and expanding technology, its main applications are the development of innovative methods to fabricate new products. For example Waterproof Mobile phones we can use it everywhere" Taas noong sabi ni Ethan

Edi ikaw na gwapo ka sana bully kalang eww

"Class dismiss" parang napapahiyang sabi ni miss cuizon

"Yun oh idol Ethan, ugly piggy!" Sigaw ng mga kaklase namin

"Panget na nga tagal pa mag salita" bulong ni Ethan

Teka ako bayon? ang kapal talaga ng mukha nya nakakainis na sawang sawa nako kaya naman binato ko sya ng nilukot kong papel.

"Wala ka ng magagawa ugly piggy" sinambot nya lang ito

Sa inis ko umuwi nako sa bahay ng naglalakad

- - - - - - - - - -
Hindi kona kinakaya ang mga nangyayari at ginagawa sakin sana matapos na ...

MAKE THAT BULLY FALLWhere stories live. Discover now