Chapter 03

2.3K 68 5
                                    

Chapter 03

MC's POV

Natapos na ang exam namin at halos mamatay na ako sa dami ng items! Hindi naman sa O.A. ang pagkakasabi ko pero dahil iyon ang totoo!

Tatlong major subjects at dalawang elective ang pinasagutan sa amin: Math, English, Science, Chemistry and Physics. Lahat sila ay tig-eighty items ang laman at hindi ko na rin alam kung paano ako nakalabas nang buhay at hindi dumudugo ang ilong.

Halos mahilo hilo ako dahil sa questions. Saan nanggaling ang mga tanong na iyon? Kahit ata Science na ang subject ay may math pa rin! Ayaw ako lubayan ng mga numero!

Medyo confident naman ako sa mga naging sagot ko kahit na medyo nadrain ako ng kaunti dahil sa dami ng sinagutan ko. Bukod naman sa pagiging magaling sa pakikipagbasag-ulo, alam ko rin naman na may ibubuga ako pagdating sa academics.

Lagi kong pinagbubuti ang aking pag-aaral dahil umaasa si tatay sa akin. Kahit na hindi n'ya sinasabi, nararamdaman ko naman na umaasa siya na sana maiahon ko kaming dalawa sa kung anong buhay ang meron kami ngayon. Wala nga akong reklamo kahit na mamuhay kaming dalawa nang ganito lang, simple. Pero syempre, bilang anak, gusto ko rin naman na maranasan ni tatay ang mamuhay nang marangya at maayos, kagaya na lamang bago mamatay si nanay.

Binunot ko mula sa aking bulsa ang aking telepono. Naalala ko ang sinabi ni Nice na i-text ko daw siya kapag natapos na ang exam ko. Hindi ko rin naman kabisado pa ang campus at baka maligaw pa ako kaya sinunod ko na lang ang sinabi n'ya. Tinext ko siya.

Venice Cancerno

Hindi ko alam pero pamilyar saakin ang apelyido na Cancerno. Pakiramdam ko narinig at nabasa ko na ito sa kung saan. Kaya lang hindi ko matandaan 'yung eksaktong lugar kung saan ko siya narinig. Bahala na nga, hindi ko na dapat 'yan intindihin. Malamang halos lahat ng apelyido na maririnig ko ay pamilyar dahil mayayaman ang mga tao rito.

'Tapos na ako sa exam namin' sinend ko ito sa kanya at matapos ang ilan pang segundo ay tumunog ang cellphone.

Hindi pa rin talaga ako sanay gamitin ang magarang telepono na ito. Grabe. Hindi kapani-paniwala na ang isang kagaya ko ay makakagamit nito. Baka kung nandoon pa ako sa luma kong eskwelahan ay pinagsasampal ko na sa lahat ng estudyante duon ang telepono na ito.

'I'll be there! Wait for me!' sagot n'ya kaya nanatili ako sa kung saan ako nakatayo ngayon. Mahirap na umalis, para hindi na rin ako hanapin ni Nice. Ayoko namang mag-alala pa siya o kaya mapagod kung sakali.

Hindi rin nagtagal ay dumating siya. Hingal siyang huminto sa harapan ko habang nakahawag sa dibdib at mabibigat ang hininga. Mukhang tumakbo pa siya papunta lang rito.

"Hinga ka muna, mukhang ang layo ng tinakbo mo eh." biro ko.

"Hi! Did you wait too long? Sorry, I was just running some errands for the headmistress. Tapos na ba exam mo? Wait that was a stupid question, of course tapos na ang exam mo. What I meant was, kamusta ang exam? I mean, ikaw? Kamusta ka?"

Natawa ako habang iiling-iling. "Ayos lang naman, 'wag ka mag-alala. Malakas pakiramdam ko na papasa ako." aliw na aliw ako kay Nice.

"Yes! That's the spirit! I know for sure na papasa ka rin naman. Pakiramdam ko ang talino at ang bait mo! Aura mo pa lang girl!"

"Uy haha!" napakamot ako sa batok ko. Baka kapag nabasa n'ya ang records ko sa guidance office mapaatras siya at kainin n'ya lahat ng sinabi n'ya. "'Wag ka papabudol sa mukha, 'di ako mabait."

She giggled. "Do not worry, magaling ako mag judge ng isang tao. Ramdam ko na agad na mabait ka talaga. You know, instincts. Besides, I wouldn't talk to you if I felt like you're not a good person." nagtaas ito ng balikat sabay ngiti.

Twilight's EmpressWhere stories live. Discover now