CHAPTER 2

167 29 9
                                    


=

Ang sinasabi niyang pag-uusap ay hindi natuloy dahil dumating na yung professor namin.

Dahil ang naging prof namin ay bago palang sa school, pinagpakilala niya kami isa-isa.

Nauna si Annajean dahil Alcantara ang apilyedo nito. Sinundan ni Ari na Dominguez naman ang apilyedo, sumunod naman si Arzee at Hero. Dahil Velasquez ako ay malayo pa ako, kaya tumingin tingin muna ako sa bintana.

Hindi ko naman magawang tumingin sa ibang direksyon dahil ramdam ko ang tingin sa akin ng lalaking katabi ko. Hindi ko na nagawang lumipat kanina dahil dumating na nga ang teacher namin at hawak niya rin ako.

"Look at me." Kinalabit ako nito.

"Shane.." Tawag nito nang patuloy ko siyang hindi pinapansin.

"Love.." Nagulat ako sa malambing na pagtawag ulit nito. Inaayos ko ang sarili ko at pasimpleng ngumiti.

Depota naman, paano ko pananatiliing galit ang sarili ko kung ganyan ang tawag niya sa'kin?

Napalingon ako dito ng kunin nito ang kaliwang kamay ko at pinagsiklop ang kamay naming dalawa.

"Bitawan mo ko."

"Pansinin mo na kasi ako." Nakita ko siya nakangiting nakatingin sa magkahawak kamay naming dalawa.

"Saan ka nakakita nang magclassmate na magkahawak ang mga kamay habang nagkaklase?" sabi ko at pilit na pinaghihiwalay ang kamay naming dalawa.

"Ha? Magclassmate lang ba tayo? Akala ko tayo?"

Gago.

"Alam mo sa lahat nang gago, ikaw ang pinakagago—" Napatigil ako sa pagsasalita ng magsalita siya.

"Mahal din kita, love."

"By the way, kanina ka pa tawag ni Miss." Dagdag nito saka pinakawalan ang kamay ko.

Napalingon naman ako sa harapan at nakita ko silang nakatingin sa amin. Nakita ko rin ang pang-aalaska sa akin ng mga kaibigan ko marahil ay nakita ang magkahawak naming kamay kanina.

"Velasquez?" ulit ni Miss.

"Oh, bakit?" sa pagkataranta ko ay nasagot ko si Miss.

"Ay—sorry po, Miss." napatayo ako nang diretso nang marealize ko ang ginawa ko at humingi ng tawad.

Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko, lalong lalo na ang malakas na tawa nang lalaking nasa likuran ko.

"It's okay, kindly introduce yourself please."

"I'm Calli Velasquez, aiming to be a future accountant." nakitang kong bahagyang ngumiti si Miss.

"I love your confidence! Dapat ganyan mga anak, dapat malayo palang kini-claim niyo na, inaangkin niyo na."

"Future classroom president rin natin 'yan, Miss." Arzee

"Future SSG President rin natin, Miss." dagdag pa ni Gianne

"Wow! Mukhang ikaw ang mag-aangat sa section natin ha, Velasquez."

Talagang pinipilit talaga nila akong maging president ngayon, ayoko na nang stress, please lang.

"Hindi naman po, Miss." sabi ko nang nakangiting umiiling saka umupo na.

Lumingon nalang ulit ako sa bintana at tinignan ang field. May kakaonting estudyanteng naglalakad, marahil ay hinahanap pa rin ang mga respective rooms, section and teachers nila.

The GapWhere stories live. Discover now