Sweet Yellow

4 0 0
                                    




Author's note: There's possibility that this might be the first story that I'd finish. So expect that this is not that perfect.

Sweet Yellow

"Ano fren?" Salubong sa'kin ng kaibigan kong si Denise. Ang kaibigan ko magmula high school dahil magkapit bahay lang kami.

Matamlay lang akong umiling sa kanila ni Jam.

"Okay lang yan. Mayroon pa sigurong ibang nag-ooffer" pampagaan sa'kin ni Jam. Ang kaibigan namin ni Denise magmula nung college kami.

Nag-apply ako sa isang posisyon na nag-iisang bakante dito sa opisina ng isang kilalang panaderia dito sa aming probinsya na alam kong angkop sa kurso ko. Ang posisyon na yun lang ang alam kong qualified ako. Dito din nagtratrabaho sila Denise at Jam na isa sa dahilan kung bakit gusto ko ding matanggap dito.

Sabay kaming grumaduate. Sila nagtratrabaho na. Ako, heto. Nakailang apply na ngunit wala pa ring trabaho.

Magmula elementary hanggang college, ako ang laging nasa top. Anong nangyari? Kasi nga ang pangit ko.

Nung college, mas nakakaangat nga ako sa dalawa kong kaibigan eh. Kaso kasi mga magaganda sila. Masaya na lang ako para sa kanila. Sa ganda na pala nakabase ngayon ang trabaho.

Reklamo sila ng reklamo sa'min na pangit na nga, 'di pa mayaman. Aba'y pa'no kaming pangit yayaman kung hindi nila kami bigyan ng trabaho na magpapayaman at ang yaman na yun ang magpapaganda sa'min aber?

Pinasasakit ng ulo ko mga HR. Papatibag ko yang mga yan sa mga tambay sa'min eh. Hmp! Gigil nila si ako. Roar!

"Don't worry girl, sagot ko ang karaoke natin this Friday" pampagaan ni Jam.

"Ayan ang gusto namin!" Masayang sabi ni Denise. Aba, mapapasabak na naman ako nito. Dalawang beses sa isang buwan kasi kami lumabas. At palagi kami sa isang karaoke-han sa may bayan. Pero sa may parang ktv kami nalalagi 'pag nagkayayaan. Ayaw namin lantaran ano. Sineswerte naman mga makakarinig. Wala ng libre sa ngayon.

Mahirap talagang maging maganda...........ang boses. Okay na? Okay na? Tanggap ko na. Hindi ako maganda. Happy na? Happy? Hayst!

Bakit kasi ganito ako? Oh well, tanggap ko na. Matagal na bago pa ako ipanganak. Nakita ko na kasi itsura ko fetus pa lang ako. Sa'n ba kasi ako ipinaglihi ni mama? Siguro sa hipon kasi tapon ulo.

Hindi naman ako sinisisi ni mama kung wala pa akong trabaho. Hindi ko naman daw kasalanan. Atyaka hindi pa nag-aasawa si kuya kaya nakakapag-abot pa siya kila mama para sa gastusin sa bahay.

Kasalukuyan akong naghahanap ng isusuot ko kasi mamaya maya ay darating na si Denise para sunduin ako at sabay na kaming pupunta sa paborito naming karaoke-han sa may bayan.

"Sa'n ka pupunta 'nak?" Muntik na akong mapatalon sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko. Nakalimutan ko palang isara ang pinto.

"Sa bayan ma. Lalabas kami nila Denise" itinuloy ko na ang katitingin ng isusuot ko sa cabinet na halos dilaw na lahat. Meron namang ibang kulay pero mas madami ang dilaw. Hehe sarre ohke sarre--yucks jeje.

"Nandyan si tita Arlyn mo, labasin mo muna at may sasabihin daw sa'yo" sumunod na lang ako dahil mukhang matatagalan pang pumunta dito si Denise sa kakaayus ng sarili. Ang arte nun eh kaya d na ako magtataka kung 8 darating yun kahit 7 ang usapan.

"Tita" nagmano ako kay tita bilang paggalang. Napansin kong medyo tumaba siya dahil na rin siguro sa ganda ng trabaho niya sa Manila. Ang dinig ko ay kauuwi niya lang nung isang araw.

"Oh Let! May maganda akong balita. May sinabi yung isang katrabaho ko sa'kin na nangangailangan ng Accounting" nakangiting balita sa'kin ni tita Arlyn na nagpaliwanag sa'kin.

"Talaga po tita?" Nakangiti kong binalingan si mama na alam kong masaya din sa narinig.

"Tamang tama Let. Kasi alam mo Ate Arlyn, wala pang nahahanap itong si Let na trabaho"

Naguguluhang bumalin sa'kin si tita. "Bakit naman Let?" Usisa niya. Naku, may pagkatsismosa din pala itong si tita.

"Kas--"

"Overqualified tita. Hehe" birong putol ko sa anumang sasabihin ni mama. Naku naku nagkakahawaan na po sila ng tsismis virus.

Napatango na lang si tita na mukhang hindi nagets ang biro ko. Sigs of aging na. Tsk tsk

"'Teh Arlyn, dito kana maghapunan. Pagpasensya mo nga lang at longganisa lang ang ulam" yaya ni mama kay tita.

Nagpaalam na rin ako kay tita na papasok na ako sa kwarto. Iniwan ko na sila mama at tita na mag-usap. Nagbihis na ako. D na ako naglagay ng kung anong abobot sa mukha ko dahil wala din namang mangyayari. Tanggap ko na.

Naghahanap pa lang ako ng sapatos na ipapares ko sa simpleng yellow dress ko ay kinatok na ako ni mama at sinabing nasa sala na si Denise.

"Nakakasilaw ka girl!" Maarting sabi nito na may paghawi pa sa tuwid nitong buhok. Yung dilaw na dress ang tinutukoy niyang nakakasilaw. Nang makalapit ako ay inabutan ako ng loka ng suklay. "Baka kasi wala kayong suklay kaya ganyan pa buhok mo 'day"

Padabog ko naman itong kinuha. Nakalimutan kong magsuklay sa pagmamadali. Si tita kasi chinika pa ako kanina.

Dahil gabi na kami pumunta sa Karaoke ni Yenyen' sa may bayan ay medyo mas madami ang tao pero sa parang ktv kami para hindi lantaran ang boses ko. Kahiya 'day! Ang ganda ko pa naman.

May babaeng biglang humarap sa'kin na para bang narinig niya ang sinasabi ko't hindi siya sang-ayon dahil may pangiwi pa si ateng. Aba! Bastos 'to ah. Sige na nga. Maganda boses ko. Okay na?

Kaloka mga tao ngayon. Pati ba naman dito bawal na ang pangit?

"Oh pili kana Let" inabot sa'kin ni Jam yung songbook pagkapasok pa lang namin sa kwarto na puro salamin na hindi tinted ang dingding at pintuan sa bandang harapan, at may karaoke sa loob. Ito ang pinili namin kahit may karaoke na sa labas at mas mura yun kaso ayaw namin ng lantaran. Ang swerte naman nila.

Nagkantahan lang kaming tatlo. Nang mapagod kami ay kumain na lang kami ng mga inorder naming pagkain kanina bago magkantahan.

"Mag-aaply ka?" Tanong nila sa'kin nang maikwento ko sa kanila ang usapan namin ni tita Arlyn.

"Susubukan ko"

"Pa'no kung hindi totoo 'yan? Madami ng nai-scam ngayon. Sigurado ba 'yan?" Si Denise. Alam ko naman na nag-aalala lang ang mga ito.

"Susubukan ko nga lang. Wala namang masama diba? Tyaka, kung hindi man yun totoo, mamamasyal na lang ako dun tyaka hahanap ng ibang trabaho dun. Siguro naman matatanggap ako"

"Tatanggapin ka. Sa dami ng awards mo nung estudyante ka pa"

"Sabagay, susubukan mo lang naman eh"

"Iniisip ko lang naman kasi na malayo ako kila mama. Pero sige, malay natin nandun na ang para talaga sa'kin diba?" Nakangiting tumango ang dalawa.

Itinaas ni Jam ang basa niyang may juice. "Para sa bagong trabaho ni Violet sa Manila! Sa 'Hello Manila"!" Itinaas na din namin ni Denise ang mga baso namin.

"Hello Manila!" Sabay naming sigaw na tatlo at pinagbangga namin mga baso namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 30, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sweet YellowWhere stories live. Discover now