Season 3: Episode 19

4.7K 378 149
                                    

Hindi ako naging handa nang magsidagsaan ang ginawang pagdamba sa akin ng mga patay na sanggol. They are defying the law of gravity. It's as if they are as light as feather. Nagagawa nilang makatalon nang mataas nang wala man lang kahirap-hirap.

"Dad! Sa harap mo!" Muling sigaw ng anak ko. Garalgal ang kanyang boses. Animo nagbabadya ang nakikinabang na kamatayan laban sa kilabot sa aming sistema.

Mabuti na lang at mabilis ang ginawa kong pag-galaw. Before that dead baby even attack me, I used all of my efforts to bump the hard fire extiguisher towards its head. Sa ginawa ko ay naging flat ang kanyang mukha. Tumalsik ang dugo sa aking mukha.

Hindi natigil ang kanilang pagdamba sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon rin karami ang beses na hinahampas ko sa kanila iyong fire extinguisher. Hindi ko na maatim ang amoy ng malansa nilang dugo na ngayon ay bumabalot na sa aking mukha, pababa sa katawan ko.

"Matagal pa ba 'yan, Manuel?!" I yelled. I tried my best not to panic but the view infront of me is motivating me to just do it.

"Eto na, Sir!" Manuel yelled one more time. Matapos ay tumakbo na siyang muli papunta sa pintuan. Sinundan iyon ng nakakangiwing pagsigaw niya sa sakit. But what made me glad was he succeded opening the damn fire exit.

"Shit!" Briela shouted in bliss. "Manuel, mukhang ma-chi-cheat ako kay Sir para sa 'yo!"

"Utot mo!" Manuel banter back.

Wala ako sa oras para mag-isip kung gaano sila ka-weird. Kung gaano nila nakakayang maging ganito sa gitna ng nalalabi naming kamatayan.

"Move! Now!" I yell in horror. Maya't-maya ang ginagawa kong paghampas ng fire extinguisher sa ulo ng mga patay na sanggol.

Nanahimik silang tatlo. Hanggang sa maramdaman kong may humihila sa akin mula sa likod. It was Manuel. He is guiding me as we tried to escape against the tsunami of dead babies.

It was a few more minutes of just swaying the dead babies away from us when we finally entered the fire exit. Habol hininga akong pinanood si Manuel na siguraduhin ang kaligtasan namin. He is grabbing the door knob against the pushing foes. Pero para ba silang mga halimaw sa lakas. Kahit anong gawin niya ay tila ba walang ambag ang inilalabas niyang lakas.

"We need to run! Mapapasok nila tayo ano mang oras! Kailangan na nating tumakbo!" Manuel said with a breathless tone. Halata ang hirap sa kanyang boses. Nang mapadako ako sa pintuan ay nakaawang na ito, isang hudyat na ano mang oras ay mapapasok na nila kami.

"Run!" I exlaimed.

Walang direksyon; walang sabi-sabi kaming napatakbo pababa ng hagdan. Iyon ay sinundan naman ng napahiyaw na si Manuel matapos niyang lubayan ang pintuan.

Nahintakutan ako nang malinaw na namang marinig ang pinaghalong paghagok at pag-iyak ng mga patay na sanggol. Sinamahan pa iyon ng nakakasulasok nilang sunog na amoy. Hindi ko iyon maatim. Gusto kong maduwal.

Nang marating na namin ang sahig ay tagaktakan ang mainit kong pawis. Ngunit hindi ako tumigil. Taranta man, nagawa kong makahanap nang malulusutan namin. Iyong lugar kung saan ramdam ko ang kaligtasan.

"There!" I pointed the corridor with the bright lights. I dare not to choose the one with defective lights.

Doon, kami ay napatakbo nang mabilis. Nasundan na rin kami ni Manuel. At pinagsisihan ko talaga ang desisyon kong mapatingin mula sa aming likuran. From there, I can clearly see how the dead babies flooded the portion of this corridor. They motivate us to just keep on moving-- to continue running for our lives.

"Kaunti na lang! Bilisan niyo pa! Nasa dulo na tayo!" Sambit ko habang hinahabol ang hininga ko. Natatakot akong ano mang oras ay malalagutan na ako ng hininga.

Mabilis ang ginawa naming pag-alagwa. Ilang segundo lang ay narating na rin namin ang dulo. Pero bigla kaming natigilan nang biglang mawala ang huni ng mga patay na sanggol. Noong mapatingin ako sa kanila ay nakatigil lang sila. Nakatitig sa amin. Animo mga inosenteng bangkay na walang bangis na itinatago.

At hindi kami naging handa sa sunod naming mga narinig . . .

Sa magkabilang corridor; sa kalagitnaan ng aming kilabot, may mga walang buhay na boses ang lumitaw. Palapit iyon nang palapit sa amin.

"Saludar al rey del infierno."

"Saludar al rey del infierno."

Halos mawalan ako ng hangin sa mga baga dahil sa takot. Nanghina ang mga tuhod ko. Naramdaman ko ang malalamig kong pawis habang hinahablot ang braso ni Santhy para protektahan siya.

"Saludar al rey del infierno."

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon