Chapter 2

14 7 12
                                    


"Hintayin mo nalang ako sa labas, may gagawin lang ako saglit." sabi ni ken, pagkalabas namin ng room.

"Okay."

"Hintayin mo lang ako at wala kang ibang gagawin." mariin niya akong tiningnan.
Para namang akong bata nito e.

"Oo na." sabi ko. At umalis na siya.
Palabas na ako ng school, nang biglang may tumawag sakin. Boses palang niya nakakainis na.

"Hey!" wew feeling gangster?

Tamad ko siyang nilingunan.

"Ano!"

"Woah, easy para kang galit lagi." aniya at natatawa pa ang loko.

"FYI, Mr. Lerry sayo lang ako galit!" at inirapan ko siya.

"Bakit naman?" kunot noo niya pang sabi.
Aba't sarap sapakin nito.

"'Di mo maalala huh?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.

Nagkibit-balikat lamang siya at mga ilang segundo lang ay natawa siya.

"Tagal na non ha? Sabagay hindi na 'ko magtataka sa itsura kong 'to, hindi talaga makakalimutan." sabay halakhak niya ng malakas.

Dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay tinulak ko siya at hindi man lang siya natinag, well malaman e.

"Napakawalang kwenta mo talagang kausap!" at tinalikuran kuna siya.

"See you!" pagkarinig ko non ay hinarap ko siya.

"See you mo mukha mo!"

Talagang hindi ko makakalimutan ang ginawa non sa'kin. Pa'no ba naman sa sobrang bigat at malaman siya ay naapakan niya ako ng kalahating oras lang naman, ang sakit kaya non. Pagkatapos ang sasabihin lang niya sa'kin ay may tumulak sa kanya. Nakakaasar talaga siya! At hindi ko rin makakalimutan, pagka-uwi ko ay namaga ang paa ko kaya mga ilang araw din akong 'di makalakad ng maayos at dahil na rin sa sakit.

Napabuntong hininga na lamang ako.

"Ingrid, sabay ka na sa amin." sabi ni sheya, na taga sa'min lang.

"Hindi na. Hinihintay ko pa kase si ken." pagkasabi ko sa pangalan ni ken ay parang namula siya.

"May gusto ka kay ken?" pang-usisa ko. Mas lalo pa ata siyang namula.

"Oo e." mahina niya pang sambit.

"Mataas ang standard non."

"Alam ko naman e. Una na'ko bye!" at nagmadali na siyang umalis.

"Ingat!" sana narinig niya.

"Tara na." napaigtad ako. Kaya naman pala nagmadali siya.

"Kala ko naman kung sino na." sabi ko at inayos ang bag ko. "Nasaan na yung sundo mo?"

"Maglakad nalang tayo ngayon." tumango lang ako at hindi na nakipagtalo kahit tinatamad ako. Minsan lang naman siya magyaya kumpara sakin.

Nagsimula na kaming maglakad at nagsimula na rin siyang magsalita. "Sino yung babaeng kausap mo?" tanong niya at napangisi ako.

"Interesado ka yata?" at tumawa ako.

Huminto siya sa paglakad niya at tiningnan ako. "Nagtatanong lang." naglakad ulit siya.

"Si Sheya, taga sa'tin 'yon at may gusto daw siya sayo. Yieee." sinundot-sundot ko siya.

"Ano naman ngayon? Atsaka instinct mo na naman ba 'yan? Dahil 'di ako interesado." gamit ang isa niyang kamay ay tinampal niya ang noo ko.

"Grabe! Ang sakit ha." sabi ko habang hinihimas ko ang noo ko.

Pagkatapos ay parehas kaming natawa.

Instinct Gone Wrong (Completed)Where stories live. Discover now