✦ 009

188 19 5
                                    

N A R I ' S

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

N A R I ' S

2 days later.

Sabado ngayon at wala akong magawa kundi humilata lang dito sa kwarto ko habang nakatitig sa ceiling.

Sa dalawang araw na lumipas, wala akong nagawang move para mapalapit kay Yedam. Lagi na lang siya kasi wala sa cafeteria, kahit sa classroom niya.. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin.

Kung saan sila hahanapin.

"You're so stupid, Nari! Malamang ayaw nila magpahanap, lalo na sayo." pagsesermon ko sa sarili ko.

Then what should I do to keep an eye on them?

"Tsk. Nakakagutom mag-isip." bulong ko at saka tumayo mula sa pagkakahiga.

Lumabas ako ng kwarto at nakasimangot na naglakad papuntang hagdanan. Napansin kong nakabukas ang pinto ng kwarto ni Gyuri dahilan para mapairap ako.

She's so annoying.

"Yedam, I'm sorry.." wait, Yedam?

Napatigil ako sa tapat ng kwarto niya at lumapit sa may pintuan nito. What's happening? Bakit siya nagsosorry?

Maghihiwalay na ba sila?

"Ngayong araw nga pala ako dapat pupunta kayna Yoshinori.. Nalimutan ko talaga, I'm sorry Dami."

Pupunta kayna Yoshinori? For what?

"Ayos lang ba sayo na i-cancel muna 'tong date natin ngayon? Aish. Nakakainis, ngayong monthsary pa talaga natin." okay, ew.

Lumayo na ako mula sa pintuan at hindi na pinakinggan pa ang mga magiging usapan pa nila. I might throw up anytime if I did.

Nag-stay na lang ako sa tapat ng kwarto ni Gyuri at hinintay siyang lumabas.

I need answers.

Kailangan kong malaman kung bakit siya pupunta kayna Yoshinori. Malay natin, magamit ko 'to sa mga plano kong gawin para mapansin ako ni Yedam, diba.

"Nari?"

"Hm. Hi." bati ko sa kanya.

Magkapatid talaga kami, in case na hindi kayo naniniwala. Sadyang hindi lang kami close.

"Anong.. May kailangan ka ba? Bakit ka nandiyan?"

"Well, aksidente ko kasing narinig yung pag-uusap niyo ni Yedam at―"

"Nakinig ka sa mga pinag-usapan namin?"

"Uh, yes? But it was just an accident so―"

"Ano nanaman ba 'to, Nari? Hindi mo ba talaga kami titigilan ni Yedam? Pati pag-uusap namin gusto mong malaman?"

She's pissed.

At wala akong pakialam.

"Shut up. Nandito nga ako para tulungan kang makapunta sa date ninyong dalawa. Pinangunahan mo naman ako kaagad." tumingin siya sakin ng may halong pagdududa.

"Fine! Kung ayaw mo, edi wag." imik ko na lang bago tuluyang maglakad papalayo.

"Wait."

Napalingon ako sa kanya at tinaasan ng isang kilay.

"May naka-schedule akong tutoring ngayong hapon kay Yoshinori kaso.. May pupuntahan din dapat kami ni Yedam mamaya. Nakakahiya naman sa mama ni Yoshi kung hindi ako pupunta."

"Oh tapos?"

"Sabi mo tutulungan mo ako."

"Kaya nga. Anong maitutulong ko sayo?"

Ako na lang ba ang sisipot sa date niyong dalawa ni Yedam?

"Kung ayos lang sayo, pwede bang ikaw na muna ang mag-tutor kay Yoshinori? Kahit ngayong araw lang, please?"

Not really the answer I want to hear but..

"Sure. I'll do it."

"Talaga? Ayos lang sayo? Hindi ka naiinis or what?"

"No. We're at the same class naman kaya ayos lang sakin. Makakatulong din 'to para maging friends kami kahit papaano."

Makakatulong 'to para mapalapit muli ako kay Yedam.

"Thank you, Nari!" ngiti sakin ni Gyuri.

No.

Thank you, Gyuri.

Thank you, Gyuri

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
QUEEN OF HEARTS 'ʸᵒˢʰⁱⁿᵒʳⁱWhere stories live. Discover now