IKAAPAT NA KABANATA

21 3 0
                                    



"Class dismissed!" sigaw ng prof namin dahil maingay na kame kahit hindi pa man sya nagpapalabas


"Faye! San tayo?" tanong ni EmEm papunta sakin

Magkaiba kase kami ng upuan, alphabetically arranged kase ang ginawa ng prof namin netong last subject.

"Canteen muna tayo" yaya ko ng walang gana


Palabas na kame ng room ng tumunog ang phone ko.

From: Reina

Hey, guys san kayo?

To: Reina
Canteen

Hindi ako fan ng texting kaya naman matipid lang akong nagreply para naman di sya mapagiwanan kung san man kami pupunta ni EmEm

Isang linggo ng nagsisimula ang klase at medyo nakakaadjust na naman kame from senior highschool life to college life.

Kung nagtataka kayo bakit hindi namin kasama si Reina eh dahil nga PolSci ang course na kinuha nya samantalang kami ni EmEm ay business.

"Bakit ba ang tamlay mo, Faye?" tanong ni EmEm sakin ng makaupo kame sa table ng canteen habang inaantay namin si Reina

Napairap ako sa hangin sa tanong nya.

Paano hindi tatamlay siz, halos lahat ata ng trabaho ng kuya mo sakin nya pinapagawa!

Simula nung nagsimula ang klase ay naging loaded din ang trabaho kase most of works ni Liam sakin nya pinapagawa!

Minsan nga ay sa office nya na ko nakakatulog!

Hindi ko nalang sinagot si EmEm dahil baka magaway lang sila ng kuya nya.

"Hey bitch!" bati ni Reina sabay salampak sa upuan na katapat ko

Nginitian ko sya ng matipid kaya naman napalaki ang kanyang mga mata.

"Oh, may toyo ka na naman?" tanong nya sakin

"Gaga! Pagod lang ako!" sabi ko bago sumandal sa upuan at pinagkrus ang mga braso

"Hoy! Napagod ka?? Saan!!? Anong ginawa nyo ni Kuya Liam kagabe ha?" sunod sunod na tanong ni Reina

Nasamid naman si EmEm sa pagkakainom nya sa kanyang tumbler bago tumigin sakin.

"Magkasama kayo kagabe ni Kuya?" gulat na gulat na tanong ni EmEm

Napaiwas ako ng tingin at inayos ang salamin ko.

Yes, i wear glasses kase may astigmatism ako though mababa naman ang grado ng mata ko.

"Oo, may pinapaayos na document sa office nya" sabi ko na medyo umubo pa

Napakunot ang noo ni EmEm sa sinabe ko habang ngiting ngiti naman si Reina.

Inambaan ko sya ng suntok bago tumayo.

"San ka pupunta?" natatawang tanong ni Reina pagkatapos umilig sa amba kong suntok

"Bibili malamang! Alangan naman tumunganga lang tayo dito" pagtataray ko

Dumeretso ako sa bilihan at medyo mahaba ang pila kahit na dalawang line na yon.

Pipila na sana ako kaso may nauna saking pumili since galing sya sa entrance at ako naman ay galing sa bandang kaliwa ng canteen

"Uh, sige miss ikaw na mauna" sabi nung lalaking nauna sakin pumila

Butterfly(Wild Girls Series #1)Where stories live. Discover now