CHAPTER 1

17 0 0
                                    


KARL ARES' POV

"Macaraeg, Karl Ares C. May may mataas na karangalan" kasabay ng mga palakpakan at ng tunog ng graduation march ay umakyat ako sa stage. Sa wakas nakatapos na ako ng Senior High. Ang sarap pala sa pakiramdam no? Kita ko ang mga ngiti sa mukha nila mama at papa mukhang proud sila saken. Alam kong dipa ito ang wakas. Masakit man na iwan ko ang Sta. Clara Academy, ngunit kelangan ko nang pumasok sa isang mas malaiking pamantasan o unibersidad. Nilakad na ni Papa kahapon ang scholarship application ko kay Mayora De la Vega at nagresearch na din ako ng mga university na pwede kong pasukan.

"Proud kami sa'yo anak" maluha-luha na si Mama pagbaba ko sa stage.

"Eto anak, pagpasensyahan mo muna yan" sabay abot naman ni papa ng isang paper bag. Sinilip ko ito at marahang hinila palabas ang laman nito.

"Cellphone? Pa! di ko pa naman kelangan ng bagong cellphone. Tsaka anong pasensya. Ako nga dapat humingi ng pasensya, nakadagdag pa to sa gastusin natin" ani ko habang nakatingin sa kanila at hawak ang bagong cellphone na binigay nila saken

"Ano ka ba anak? Pinagipunan naming yan ng Papa mo, di mo ba naapreciatte?" pabirong tugon ni Mama saken.

"Syempre Ma, Pa naapreciatte ko to. Salamat" hindi ko na napigilan at tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Sabay ko silang binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Pagka-tapos ng graduation ceremony ay agad kaming pumunta sa isang fastfood na malapit sa may Sta. Clara Academy. Doon naman nagaantay ang dalwa kong kapatid si Bryan na Grade 9 na at si Laurence na Grade 2.

"Congrats Kuya!!" sabay na pagbati ng dalawa habang tangan ni Laurence ang isang red-velvet cupcake. Naparinig ang pagbati ng dalawa ng mga crew ng fastfood.

Pagka-order ni Papa ay pumunta sa amin ang Manager at binigyan ako ng large sundae

"Congartulations Mr---" habang inaabot nito ang sundae

"Ares" dugtong ko sa kanya.

"Congrats Mr. Ares" paguulit nito.

"Salamat po" tugon ko habang sinuklian nya naman ako ng isang ngiti.

"Anak, nakapili ka na ba ng University na gusto mong pasukan? Nag message na saken ang secretary ni Mayora approve na daw scholarship mo" saad ni Papa habang pinagsasaluhan namin ang isang bucket ng fried chicken, spaghetti, fries at kanin na inorder namin.

"Sa St. Katharine University po" sagot ko naman sa tanong nya.

"Maganda nga doon kahit may kamahalan, 75%raw ang sasagutin nila kaya naman 25% na lang ang babayaran natin" tugon ni Papa at binigyan nya ako ng isang ngiti.

Malaki ang pasasalamat ko kay Lord dahil binigyan nya ako ng mga masisipag at mga mapagmahal na mga magulang gaya nila, Si Papa ay isang clerk sa Office of the City Treasurer sa City Hall si Mama naman ay nagaasikaso sa amin at sa maliit naming sari-sari store.

ANDREA SAVANNAH'S POV

"Sav, bilisan mo, get into the van na, baka matraffic pa tayo pauwi, madami pa akong mga appoinments" pagpapamadali sa akin ni Mommy.

"Mom, dapat kasi di mo na lang ako sinundo alam ko naman na busy ka" paglalambing ko naman kay Mommy.

"Sus di ka naman kasi matitiis ni Mommy" ngumiti sya. Hinawakan ko naman ang kamay nya.

"Thanks Mom" saad ko

"Oh sya! Baka magka-iyakan pa, Sakay na Sav we need to go na" tumango naman ako bago humakbang papasok sa van.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sincerely, Yours.Where stories live. Discover now