─ nineteen

283 20 13
                                    

ETO NA - DUNDUN (BGM YAN)

───

kysha's pov

"potangina natatae ako kahit papasok pa lang tayo" sabi ko sakanila.

tumawa lang sila na parang baliw, opo kaibigan ko po sila. mabait naman po sila kahit papano

"wala pa daw sila jaemin kaya be free" saad naman ni cindy.

pumasok na kami at nakita ko yung mga classmates namin dati, nakakamiss talaga sila buti na lang pala sumama ako.

"kyshaaaaa" sigaw ni yeji at niyakap ako.

sa totoo lang di ko siya close pero potek nag fefeeling close ata eh, joke pero di talaga kami close niyan.

niyakap ko naman siya pabalik at ngumiti, awkward namin bwict.

hinila naman nila ako sa may mga pagkain, oh diba sosyal may pa foods sila. reunion na mala prom ang dating hayop.

umupo kami sa isang table kung saan kaming apat lang, grabe ang dami pala naming first batch nun.

habang nakaupo kami biglang lumapit sila jungmo at hyunjin.

"hayp bakit hila hila ni hyunjin si junkyu? inaalagaan niya ata eh"

"tara gawa tayo sand castle" yaya nila hyunjin at junkyu.

sumama naman si yangyang at cindy habang naiwan naman kami haechan at jungmo. andito pala kami sa beach resort nila han jisung, dito kasi nila napag usapan mag party.

"buti naman at pumunt ka" panimula ni jungmo.

"alam mo bang nag dadalawang isip ako kanina kung pupunta pa ako o hindi. buti na lang wala sila" ani ko.

wala pa kasi sila kaya sana hindi na sila pumunta, ok lang sakin kung pumunta sila renjun at jeno pero si jaemin.. wag na, uuwi na ako, "matatae na nga yan sa sobrang kaba eh"

"daldal mo talaga" sabi ko at pinalo siya sa braso.

umalis muna si jungmo para iwelcome yung mga dumating pa kaya naiwan kami ni haechan sa table.

grabe ang lakas pa rin nang tibok ng puso ko, sila jungmo, yeji, chaewon kasi yung nag oorganize pag may pa party or events kaya sila na bahala.

"uy, masyado kang kabado. wala naman siya dito kaya calm yourself down" sabi niya sakin.

ngumiti na lang ako at niyaya siya pumunta kela yangyang. lumabas kami at nakita pa namin yung iba naming classmates, ang ganda ng beach at may pa bonfire sila. bongga naman, daming pera ah.

"yangyang, paki sabi na lang kela haechan mag ccr lang ako" sabi ko tumayo sa kinauupuan ko.

"sige, bumalik ka ha. baka mamaya kung anong mangyari sayo" tungon niya.

umalis na at pumuntang cr, di naman ako naiihi eh. trip ko lang tignan yung cr, ganyan talaga curious ako sa mga cr pag pumupuntang mga resorts.

maayos naman yung cr, malinis. naghugas ako nang kamay at lumabas na rin. habang naglalakad ako pabalik, nakita ko sila renjun at jeno. nginitian nila ako kaya ngumiti ako pabalik at binilisan ang lakad.

nice, wala si jaemin.

ilang oras ang nakalipas at nag simula na ang pa party nila. lahat kami nasa loob na, syempre kaming apat magkakasama. walang iwanan eh.

"andito si jaemin, nakita ko" sabi ni cindy,
"hayaan mo siya, di ko naman yun papansinin" sabi ko at tumawa ng mahina.

***

natapos na yung main event, may kanya kanya na kaming mundo habang kami ni yangyang, haechan at ako nakaupo pa rin. si cindy hinablot na nila chaewon eh.

"yangs, chan. tara labas muna tayo" sabi ko at lumabas na kami.

EX, JAEMIN Where stories live. Discover now