Pamagat: Alak ng pag-ibig
Collaboration: @Ldine07 and @ladybaekisses
-MalayangTugma-Noon, palagi akong nagdadala ng bulaklak
Hindi ko namalayan na may mali siyang balak
Hindi ko sinunod ang sinasabi sa aking utak
Kaya ngayon, bitbit ko na ang baso at ang alakNapangiti ng binigkas niya ang 'OO' ng may pagmamahal
Hindi ko alam iiyak akong umaatungal
Kay hapdi ng pighating dulot nito
Iinom natin ang sawing pusoMahirap magmahal
Sa taong may iba na palang mahal
Dahil patuloy ka lang nasasaktan
Sa bawat araw na dumaraanKaya't sa inumang ito'y idadaan
Sabay tugtog ng aming nakaraan
Nakaraang kanta na may pagmamahalan
Lalagukin ko na ito't sasabihing paalam
![](https://img.wattpad.com/cover/223231647-288-k449180.jpg)
YOU ARE READING
Part 3: TULAk Tinta
PoetryBasahin nyo po ang mga tulang naipon ko ngayong 2020. Sana'y masiyahan kayo at bumalik muli. Good luck!💖 -Ldine07-