Chapter 7

2.5K 80 0
                                    

Chapter 7

Ours

"You're gifted in this, Vince. Delicious. I can recommend you to some friends I know para dayuhin nila dito ang resto mo siguradong dadami ang customer mo pag nagkataon."Eron after he finished his food.

"Well that will be great. But I doubt if dadayuhin nila ang porbes para lang matikman ang luto ko. The city is a big place. Madaming mga restaurant at resto doon na mas masarap ang inihahain kumpara dito sa resto ko. Mahahassle lang sila kung dadayuhin ang porbes lalo na at maliit lang ang probinsyang ito mahirap puntahan may tendency na maligaw pa ang customer."Vince chuckled softly. Sumulyap siya saakin at marahan na ngumiti. I smiled back at him.

"That's easy. Puwede natin ipromote through social medias. Or let's pay for the around the world advertisement."si Aries. Kinuha nito ang baso ng tubig at uminom.

"That will cost me so much money. Sapat lang ang kinikita ng resto ko para sa mga maintenance, pasweldo, at para makapagbukas pa sa susunod na araw. Kung may sobra man maliit lang. Hindi ko kakayanin."umiiling na sagot ni Vince.

"Money is not a problem. I can invest in your resto. This resto is worth for the big shot. Isa pa nakita ko na may bagong bukas na ice cream parlor sa nadaanan namin kanina. Iyon ang posibilidad na kakumpetensya mo lalo na at wala naman akong nakitang ibang gusali dito sa porbes."Eron said.

"Salamat. Pag-iisipan ko."tumango si Vince kay Eron bago bumaling saakin."Speaking of that new ice cream parlor. Balak ko ngang dalhin doon si Raze pag uwi niya dito sa porbes."he chuckled lightly.

"Oh? Ano yon date?"usisa ni Aaron na hindi pa tapos sa pagkain pero nang marinig ang sinabi ni Vince ay nag-angat ito ng ulo at binalingan ang lalaki. Looking at Vince with his curious eyes.

"Sama! Puwede bang group date? I'm also craving for an ice cream as a dessert."Speed chuckled, wiggling his eyebrows.

"Oo ba! Mas masaya kung madami. Atsaka hindi naman talaga date iyon."nahihiyang umiling si Vince sakanila, sumulyap siya saakin.

"Kunyare ka pa, Vince!"si Aaron na ngayon ay nakangisi na."Pagpasensyahan mo na itong mga 'to. Kung gusto mong masolo si Raze ay ayos lang. Uuwi din naman kami mamaya dahil balikan lang kami lalo na at may practice pa si Raze kaya abala 'yan pagbalik sa Manila."

Dahil sa sinabi ni Aaron ay tuluyan ng bumaling ang atensyon ni Vince saakin.

"Uuwi ka din pala mamaya. Akala ko ay bukas pa. Ayos lang ba kung bibiyahe ka ng gabi? Madilim sa kalsa..."

"She's a racing driver of course you don't expect less from her. She'll be fine driving at night. She's used to that."Greg raspy voice interrupted Vince kaya naman napalingon kami sakanya. Nasa dulo siya, nang makitang lumingon kami sakanya ay tinaasan lang kami ng kilay.

I heard Speed's chuckled at nakipag-apir pa kay Aaron na katabi ni Greg.

"Siya nga pala, Vince, huwag mong kalilimutan manuod ng laban ni Raze. Next week na iyon."Aaron grins. Changing the topic and the awkward atmosphere.

Nilingon siya ni Vince at tumango."I already marked my calendar for Grace...I mean Raze's game. Luluwas ako nun pamaynila."

Medyo nanlaki ang mata ko at nabigla. Hindi ko alam na may ganon pala siyang plano. Who told him about my game? Well it's not like I'm not gonna tell it to him. Sasabihan ko naman siya at iimbitahan pero naunahan nga lang ako.

"Paano ang resto kung aalis ka, Vince?"I asked him.

"It's fine. Minsan lang naman ako aalis. At may maiiwan naman sa resto. Gusto ko din makanuod ng laro mo."he smiled reassuringly.

"Thanks."

"Let's go? Ice cream parlor na tayo? Maglakad na lang tayo mukhang malapit lang naman dito iyon. Gusto ko din makita kung anong klaseng lugar ang tinaguan ni Raze..."he faked a cough."I mean what place she stays."pagtatama niya.

"So I guess you're staying there for good."Vince open up a topic. Nauuna ang mga kasama namin sa paglalakad samantalang nasa hulihan naman kaming dalawa.

I smiled at him softly. Sa unahan ang tingin ko. Pinapanuod ko ang iba na mukhang close na close. Specially Aaron to my team. Ang kukulit nilang lima. Si Greg ang nasa gitna at siya ang tampulan ng tukso. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila pero mukhang enjoy na enjoy ang apat na pagkaisahan si Greg and I can't help but to shook my head.

"Oy kayo!"tawag ni Speed saamin. Lumingon silang lima saamin ni Vince."Ang bagal niyong maglakad! Bilisan niyo naman!"binagalan nila ang paglalakad at hinintay kami ni Vince.

Mahina akong natawa bago lumapit kay Speed at mahina siyang binatukan.

"Hindi kami mabagal maglakad. Mabilis lang kayo."I reasoned out.

Inakbayan ako ni Speed at si Aaron naman sa kabilang side ko.

"Namiss ko 'to!"bumuga ng hangin si Speed at nilingon ang iba.

"Masarap magrace dito!"komento ni Eron.

Tumango si Aries."May nakita din akong batis. Can we swim later?"

"Talaga? Tignan natin mamaya!"Eron said."Raze! Vince! Tour niyo naman kami mamaya dito sa Porbes!"

"Sige ba!"Vince answered.

Pagdating namin sa ice cream parlor ay agad na nagsiupo sila sa bakanteng upuan.

"Ako na oorder! Alam ko naman mga paborito niyo. Si Eron vanilla. Si Aries strawberry. Si Aaron cheese. Ako caramel. Si Gray at si Raze rocky road."huminto ang tingin ni Speed kay Vince."Ikaw, Vince? Anong flavor gusto mo?"he asked.

"Ah,"sumulyap saakin si Vince."Chocolate."

"Sige. Oorder na ko!"pagkatapos tumayo na si Speed at nagtungo sa counter.

Nakabalik din naman siya agad at hindi naman madami ang customer ngayon. Iilan lang kaya agad siyang naasikaso sa counter.

Pagbalik niya ay nakangisi siya. Hindi ko alam kung para saan iyon pero bigla na lang may kantang tumugtog. Rhythm palang ng kanta alam ko na agad kung anong kanta iyon.

It's our favorite song! Wala sa sarili akong napatingin kay Greg. Every time I hear that song I remember him.

Nang lingunin ko si Greg ay nakatingin din pala siya saakin. For a moment I am lost in his eyes.

"Raze, it's our favorite song!"I heard Vince's voice. Medyo nabigla ako at nabalik sa realidad. Nilingon ko ang nakangiting mukha ni Vince.

"Favorite song niyo ni Raze?"usisa ni Speed.

Vince nod his head innocently."Madalas patugtugin iyan ni Raze sa resto. Iyan din ang ringtone niya. Nagustuhan ko din ang kanta kaya..."he explained.

Speed laugh lightly."What a coincidence! That's also Greg's favorite. Ringtone din niya iyan sa phone niya."

Hindi ko mapigilan ang magreact, napasinghap ako.

"Actually that's their song. I mean Greg and Raze."Aries straightened his back.

"Uh-oh."pasimpleng sumipol si Aaron.

"Ah,"napakamot sa batok si Vince, parang naiilang na kung san papunta ang usapan."Sorry. Hindi ko alam."Vince smiled apologetically. Ngayon parang nakakahalata na.

"It's fine, Vince. Hindi mo naman alam."I shooked my head.

"Oo nga!"tumango si Eron."Puwede namang maging kanta ng lahat iyon. Diba, Raze?"nilingon ako ni Eron.

Hindi ako nakasagot. It was our song. The song remind me of a particular person, Greg. It's definitely ours.

"Y-yeah."

UntamedWhere stories live. Discover now