Chapter 24

124 6 2
                                    

Sean's POV

"Ano nakita mo na sila Hans?" Tanong ko kay Aiah at umiling naman siya. Kanina pa namin hinahanap sila Arlo pero hindi talaga namin sila makita kahit saan.

"Mamaya na tayo maghanap" sabi ni Aiah na mukang napagod na kakahanap sa kuya niya.

Naupo muna kami sa bench at nagpahinga. Mahirap maghanap dahil ang dami talagang tao ngayon. Daig pa fiesta sa sobrang daming pagkain, dekorasyon, at ang saya ng paligid. Sana lagi nalang ganito rito. Lahat ng tao masaya.

Napalingon ako sa kanan ng marinig ko ang hiyawan ng mga tao. Ano kaya meron do'n?

"Tara" bigla nalang tumayo si Aiah at inihaya ang kamay sakin. Taka ko siyang tiningnan pero nginitian lang niya ko. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at bigla nalang akong hinatak papunta sa mga taong naghihiyawan kanina.

Palihim nalang ako napangiti habang tinitingnan siya. Ngayon siya na ang gumagawa ng ganito sakin. Nice!

"Pumila kayo ng maayos!" Sigaw ng lalaki na sa tingin ko ay isa sa nagmamay-ari ng pwesto na 'to.

Isa 'tong mini-game. May ruleta sa gitna nito na may nakadikit na mga lobo. Puro kulay puti ang lobo at ang kailangan mong patamaan ay ang nag-iisang itim lobo habang umiikot ang ruleta. Tatlong dart lang ang ibinibigay, ibig sabihin may tatlong pagkakataon ka lang para patamaan ang itim na lobo.

Nakita ko pa sa kabilang gilid yung mga pa-premyo. Bukod sa malalaking stuffed toy, may kasama 'yong anim na WU coins! Mahirap kumuha ng WU coins kaya ayos 'to.

Kaya lang ang hirap naman niyan!

Parang imposibleng matamaan yung itim na lobo dahil umiikot yung ruleta.

"Tara, sali tayo" bigla akong natigilan nang sibihin 'yan ni Aiah.

"A-ano? Sigurado ka ba?" Tumango naman siya. "Eh ang hirap kaya niyan, at saka tingnan mo, mukang wala pang nakakakuha ng prem---"

"Hindi mo kaya?" Biglang tanong niya ng nakangisi.

Ako? Ako hindi kaya 'yan? Ang dali lang kaya niyan! "Sino ang may sabing hindi ko 'yan kaya? Eh ang dali lang niyan eh!" Sabi ko at napangiti naman si Aiah at hinatak na ako papunta sa pila.

Ang kulit niya ngayon. Di ko tuloy maiwasang mapangiti.

Ilang sandali lang ang nagdaan at ako na ang susunod na maglalaro. Ang totoo niyan kinakabahan ako. Yung mga nauna kasi kanina samin hindi nagawang paputukin yung itim na lobo. Libreng palaro 'to kaya 'di na nakapagtataka na ganito 'to kahirap.

"Ikaw na ang susunod, hindi ka ba kinakabahan?" Tanong bigla ni Aiah.
"A-ako kakabahan? Tsk, imposible 'yon noh!" Nakangiting sabi ko kahit na ang totoo iniisip ko parin kung pa'no ko ba mapapatamaan ang itim na lobo.

Tiningnan ko yung lalaking naglalaro ngayon. Mukang hindi siya kinakabahan. Sinimulan ng paikutin ng lalaki ang ruleta at pumwesto naman agad ang manlalaro. Tumingin ako sa ruleta at halos hindi na makita kung nasaan ang itim na lobo. Pagbato niya ng unang dart, puting lobo ang tinamaan. Sa pangalawa at pangatlo sablay parin. Kahit hindi siya kinakabahan hindi parin siya nanalo.

Malungkot siyang umalis kasabay no'n ang pagsalubong sa kaniya ng isang babae.

"Sorry love, hindi ako nanalo. Hindi ko tuloy nakuha yung stuffed toy" sabi niya sa babae. So para pala sa girlfriend niya yung premyo.

"Ayos ang 'yon, love. Ginawa mo naman yung best mo" sabi nung babae. Inakbayan siya nung lalaki bago sila umalis.

Napatingin ako kay Aiah. Nginitian niya ko bago ako pumasok at tumapak sa line kung saan naglalaro. Kinalabit ako ni Aiah at bumulong siya ng "kaya mo 'yan" kaya naman nginitian ko siya at saka ako tumango.

It's Her (My Devil Queen)Where stories live. Discover now