Chapter 11

45 17 1
                                    

Cindy's POV

"Kaya nga tumigil ka na para hindi ka na mahirapan pa..."siya naman ang nagsalita kaya tumahimik ako.

"Kasi sa ginagawa mo pinapagod mo lang ang sarili mo..."

"Kase Cindy hindi na ako babalik sayo...masaya na ako ngayon kasama ang babaeng mahal ko.."

"Pigilan mo yang nararamdaman mo kasi sa dulo ikaw lang ang masasaktan sa ating tatlo..."

"Hindi ikaw yung babaeng mahal ko...hindi ikaw yung babaeng gusto ko makasama habang-buhay...hindi ikaw yung babaeng pinili ko..."

"Pinili ko siya kasi siya ang mahal ko..."

"Hindi ko masusuklian yang nararamdaman mo kasi kapag sinusubukan kong mahalin ka ang lumalabas sa dulo ay...magkaibigan lang tayo..."

"Pasensya na kung pinili kong saktan ka para lang malaman mong may mahal na akong iba...Paalam"pagkatapos niyang sabihin yon ay pinatay na niya ang tawag.

Umiyak ako ng umiyak.
Naninikip ang dibdib ko na parang may batong nakadagan sa puso ko.

Umasa akong mayroon kahit konting tyansa na mahalin mo ko pero sa dulo siya parin ang pinili mo.

Mahirap pa lang magmahal kasi kapag nagmahal ka kailangan mong sumugal kahit na alam mong sa dulo ikaw ang talo.

Minahal kita ng higit sa sarili ko pero mas pinili mong saktan ako para lang makasama ang totoong mahal mo...

Maiiwan na lang ba sa nakaraan ang ating napagsamahan??

Bakit kasi hindi na lang ako!!Ako na lang....

Umiyak ako ng biglang nahagip ng paningin ko ang blade sa table ko kaya tumayo ako at inabot ito.

Umiiyak kong pinagmasdan ang blade bago tinutok ito sa may pulsuhan ko...

"Arghh!!"impit kong sigaw pagkatapos kong sunod-sunod na hiwaan ang balat sa may pulsuhan ko.

Napakadaming dugo ang lumabas na para bang supplier ako ng dugo.

"Nak!!!!Anong ginawa mo??!"umiiyak na si mama ng hawakan nito ang kamay ko.

"Dadalhin kita sa ospital--nak ano bang nangyayari sayo??"

Nakarating na kami sa ospital ng biglang mawalan ako ng malay.

Nagising ako at napatingin sa braso kong may bandage.
Kumirot ito ng bahagya kong ginalaw.

"Anak magpahinga ka muna at baka mapano ka"nagaalalang sabi nito.

Nginitian lang ako nito at hinandaan ng makakain.Dahil nga sa bandage sa kamay ko ay sinubuan niya na lang ako.

Tahimik lang akong kumakain wala ni isa sa amin ni mama ang gustong magbukas ng usapan tungkol sa nangyari sakin.

Tahimik ang buong araw kong pananatili sa ospital.

Si mama lagi ng nakabantay at nakaalalay sa tuwing kikilos ako.

Ako naman tulalang nakatanaw sa bintana nitong kwarto kobsa ospital habang inaalala ang mga masasayang araw na magkasama pa kaming dalawa.

Siguro nga hindi talaga kami para sa isa't-isa.Sa iba siya nakatadhana at hindi sakin.Hindi niya ako kayang mahalin.....

--------------------------------------------------

PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW ME THANKYOUUUUUU........

Pagtingin(COMPLETED)Where stories live. Discover now