TH 1- Eat my Words.

172 2 3
                                    

Eat my Words.

"GO SEXY LOVE, Go sexy, Go sexy, Go sexy sexy Lovee" Sigaw at sinabayan pa ng sayaw ng Bestfriend kong si Savana. Ginagaya niya yung sa Pinanood namin na She's Dating a Ganster. Para na siyang tanga diyan. Kanina pa siya diyan sumisigaw pag nakaka-shoot yung crush niya. Hindi man lang siya nahihiya sa mga pinaggagawa niya.

Nandito kami ngayon sa Basketball Court ng School, inaya niya akong manoud dahil nandito daw yung nagpapatibok ng puso niya. Nagpapatibok my Ass. Pshh.

May hawak hawak pa siyang banner. Hindi talaga siya napapagod mag cheer ng mag cheer sa Crush niya ? Dahh ? Nagmumukha lang siyang tanga diyan. Eh hindi nga siya mabigyan bigyan ng kahit isang Tingin lang. Pagmamahal pa kaya? Umaasa lang siya sa wala.

Ako? Hindi ko gagawin yan mga bagay na yan na magpapahiya sakin. Im too beautiful to do that. Ako ang hinahabol ng mga Lalake at hindi ako ang naghahabol. May mga Crush rin naman ako pero hindi ako katulad ni Savana na Magpapaka trying hard para makuha lang ang atensyon nila.

Ewan ko ba kung bakit naging Mongoloid tong bestfriend ko. Bigla nalang siyang nagbago, Hindi naman siya ganyan dati na super obsessed sa crush niya pero ngayon laging niyang sinusundan yung Crush niya. Maganda naman siya katulad ko. May mga manliligaw rin naman siya. Pero nagbago siya. Nag-paka Trying Hard siya para makuha lang ang atensyon ng Nagpapatibok ng Puso niya or should i say NAGPAKATANGA siya sa mga ginagawa niya.

I have One Word. Hinding hindi ko gagawin ang mga pinagagawa ni Savana ngayon para makuha lang ang attention ng lalaki. Tandaan niyo yan.

"Savana, pwedeng tumigil ka kakasigaw? Nakaka-kuha na tayo ng attention" sabi ko sa bestfriend kong todo parin ang cheer. Tinitingnan na.kasi siya ng mga Taong na nandito. Tumingin siya sakin na naka poker face at nagsalita.

" I dont care Luisse, Hayaan mo lang sila. Paki alam ko tinitingnan nila ako? Basta ako gusto kong i cheer si Kyle. WAHHH. GO KYLEEE " sigaw niya ulit dahil naka-shoot na naman yung Kyle niya na hindi naman siya pinapansin. Naka-upo lang ako at nanonoud sa laro. Si Savana? Ayun nakatayo parin at hawak-hawak ang banner na pinagawa niya pa sa Computer shop ng kuya niya.

Actually Gwapo rin naman si Kyle at naging crush ko rin siya noon. Pero nagalit ako sakanya dahil ang Snob niya kay Savana. Hindi niya to pinapansin. Napahiya pa si Savana nong prom namin dahil sa kagaguhan ni ginawa niya.

Flashback.

Kasama ko si Savana na may hawak na regalo at excited na excited siya dahil makikita niya nanaman si Kyle.

Napaka-ganda ni Savana nang gabing iyon. Naka Pink Cocktail Dress siya at maraming sequins na kumikinang, Light lang ang make up niya dahil maganda na siyang dati at ang buhok niya ay pina curl niya para maiba naman ang buhok niya. Naka heels siya ng Silver at kumikinang rin ito.

Ako ? Light Blue ang Long Gown ko na kumikinang rin, Pina-curl ko rin ang buhok ko at nag pa make-up kay mama. Maganda rin naman ako nung prom namin.

"Luisse, Maganda ba ako ngayon? Sa tingin mo, mapapansin kaya ako ni Kyle?" excited na tanong sakin ni Savana.

"Sure ako dyan Savana. Sa ganda mong yan? Baliw na lang hindi pumansin sayo. Halika na ng Makita mo na yang Kyle mo." Hila at sabi ko sakanya. Nginitian niya ako at yinakap ng pagkahigpit higpit.

"Let's go, Luisse" sabi ni Savana.

Pumasok na kami at pumunta sa may Red Carpet at Nagpose kami doon para makuhanan kami ng Litrato ng Photographer.

Habang papasok kami ay maraming pumuri kay Savana dahil napakaganda daw nito. May mga pumuri rin sa ganda ko at naappreciate ko yun. Nag 'Thank you' lang kami ni Savana at sabay umupo kung saan kami pwinesto ng Adviser namin. Kada students ay may proper number kung saan sila uupo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trying HardWhere stories live. Discover now