RM 2- Downcast

54 3 1
                                    


Labis ang lungkot ng binata nang makita ang minamahal na masaya sa piling ng kadugo. At first, he's aware that her bestfriend has crush on his brother.

Bata pa lang sila ay alam na niyang may gusto ito sa kapatid ngunit binalewala niya lang ito dahil akala niya sa bawat oras na lagi silang magkasama ay maiiba ang tingin nito sa kanya. Na balang araw makikita niya rin ang halaga niya bilang lalaki hindi bilang kaibigan lang.

Ngunit isang malaking pagkakamaling naging malapit pa sila sa isa't isa. They were close back then but when he heard na nagkabutihan na ang dalawa he let her go. Siya na mismo umiwas.

Hindi sa wala siyang laban sa nakakatandang kapatid kundi dahil naniniwala siyang kung saan masaya ang minamahal niya masaya na rin siya. Ganoon siya kabait dati.

But he's not kind anymore. He is known as Ruthless Manwhore in school. Gusto niyang malibang at makalimot sa kung anong meron ang relasyon nila.

Kilala ang MacQuoid na loyal, mapagmahal, at faithful. Once na magkagusto na ay walang katapusan na itong mamahalin. Kaya naman naniniwala siyang nasa mabuting lagay ang matalik na kaibigan dahil nobyo nito ang kapatid.

Nandito silang tatlo sa kanilang hideout. May mga kausap ang dalawang kaibigan kaya na out of place siya.

Si luke ay kausap ang matalik na kaibigan ni Athena. Hindi niya alam kung sila na ba dahil ang alam lang niya ay mailap pa din ang babae rito. Ilang taon na ata nanliligaw rito si Luke hindi pa rin siya sinasagot.

"Paulit-ulit na lang ba ako kelly my loves? I changed. And once I changed it means wala ng atrasan to." Narinig niya ang kaibigan na nagpapaliwanag mula sa phone nito.

Napabuntong hininga siya totoo naman na nagbago na ang kaibigan ngunit may times pa din na nakikita niya itong nakikipag usap sa ibang babae. Or maybe ang babae ang kusang lumalapit sakanya.

Napadako naman ang tingin niya sa kabila. Nakita niyang nakaupo si Louie katabi ang nobya nito. Halos nakaramdam siya ng konting lungkot at inggit nang makita niyang masaya ang dalawa sa isa't isa.

Makikitang napaka sweet ng dalawa. Or should he say nag haharutan.

Umiling-iling siya. Binasa niya ang labi at tumingin na lamang sa ulap na ngayon ay napakagandang tanawin dahil makikita mo ang payapa at may mga ibong malayang lumilipad mula sa itaas kasama ang iba pang uri ng mga ibon.

He lifted his right hand. Umaakto siyang nahahawakan niya ang mga ibong malayang lumilipad mula sa itaas.

Napangiti siya nang maalala niya dati na ganito ang ginagawa nila ng matalik na kaibigan na si Mona Elise.

"Saan ba kasi tayo pupunta Elise?" Inis na sambit ni Ryle habang hinihila siya ng babae. Pinuntahan siya nito sa mansyon dahil may gusto daw siyang ipakita. Nasa isang subdivision lang kasi sila kaya madali lang puntahan ang kaibigan.

"Eh napakaganda ng mga ulap. Gusto ko lang makita mo. Tara doon tayo sa park." Yaya pa nito. Wala na siyang nagawa nang tumakbo na ito papuntang park at hila hila pa rin ang kamay ni Ryle.

Binitawan ng babae ang kamay nito at nagulat na lamang ang diyes anyos na batang si Ryle sa pagpatong ng dalawang kamay nito sa kanyang balikat.

Wala siyang magawa dahil nakikita niya ang ngiti ng babaeng kaibigan sakanya.

Pinahiga siya sa damuhan at nagulat pa siya ng bigla rin itong humiga sa tabi niya. Halos magkadikit na ang kanilang braso sa pagtabi ng batang babae sakanya.

Ruthless Manwhore #2 Ryle MacQuoidWhere stories live. Discover now