cont.. Love Appertures

76 7 1
                                    

YONGHWA POV -

Sumisid si Hyukkie. Bawat segundo parang ang tagal.

Susundan ko sana kaya lang yung babaeng katabi ko sobrang nag aalala.

Hinawakan ko siya sa balikat at tumingin siya sakin.

Umiiyak siya.

" Dont worry. She'll be fine." Sabi ko. Maya maya eto na si Hyukkie pero walang malay si Chloe.

" Baby.."

Inalalayan ko siya. Kapatid kaya nya ang magandang babaeng to? Lumangoy na kami nauuna si Hyukkie tinutulungan ng lifeguard.

Iniabot naman ni Hyun ang kamay sa kasama ko. Nakita ko si Wendy. Umiiyak siya.

Parang kinurot ang puso ko.

Lalapit sana ako pero si Hongki ang katabi niya.

" Gwenchana," si Hyun.

Tumango tango naman ang katabi ko.

" Gomawo, " sabi niya sa akin at ngumiti ng bahagya. Nag bow ako. Maganda siya. Pearly white teeth. Namumula yun mata nya.

Almond shape eyes. May nunal na nagpapatingkad ng magandang kutis.

Binuhat ni Hyukkie si Chloe.

" Shes ok. " sabi ko sa katabi ko. Tumango siya.

" Please bring her here."

Napalingon ako. Si Wendy. Namumula yun mata, pati tungki ng ilong.

Gusto ko siyang yakapin.

Nag kasalubong ang mata namin ni Hongki.

I dare you.

Napakunot noo ako.

Tinapik ni Hyun ang balikat ko. Sumunod na kami kila Hyukkie.

Pero tiningnan ko si Hongki. Nakikipag usap na siya kay Wendy.

Anong ibig sabihin ng tingin na yon.

-----++++-----

JONGHYUN POV-


Nagkagulo na sa pool.

Ang bilis ng takbo ni Yonghwa, nauna pa nga siya sa lifeguard.

Nagulat ako ng makita siya. Lumalangoy papunta kila Yonghwa.

Inalalayan ko agad siya pag ahon, pero di niya ako napapansin titig na titig kay Chloe.

" Baby, wake up."

Soft voice. Medyo husky. Wala akong magawa para sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng makita kong tumutulo yung luha niya.

I can only clench my fist. Kainis.

Si Yonghwa palagi ang kausap niya. Kay Yonghwa lang siya tumitingin.

Buntong hininga. Mas matangkad ako di mo ba ako napapansin?

Lumingon si Yonghwa kila Hongki.

Ok na si Chloe. Saglit lang nawalan ng malay.

Tinapik ko si Yonghwa.

Sumunod na kami.

Lumingon ako andun si Shin at kausap ang designer. Umiiyak din siya.

Magkakapatid ba sila?

They're all successful gorgeous ladies. Hindi naman malayong magkakapatid sila. Masyado kasing concerned sa isat isa. Si designer Lyre ang nag asiste kay manager Wendy kanina.

" Baby gwenchana?"

" Ne oennie. " mahina yun boses ni Chloe. Natural lang yun.

Niyakap siya ni manager. Lahat nagulat.

" Tinakot mo ko. Akala ko ba pwede kang lumaban sa olympics. " ang higpit ng yakap niya.

" Baby, ok ka lang ba?" Si designer yun.

Tiningnan ko siya. Nakangiti na siya pero namumula yung mata. Noong isang gabi ko pa siya napansin. Kakaiba ang pungay ng mata niya.

Fashion editor ng CNPink. Isa sa mga tinitingala sa fashion industry. Kilala bilang trendsetter.

Mas maganda siya sa malapitan.

Napatingin siya sa akin.

Tapos nag bow ng bahagya at ngumiti.

Natanga ako.

Ngiti ba yon.

Kala ko binaril ako sakto sa puso.

Nag blush siya at umiwas ako ng tingin. Gaano katagal ba akong nakatitig.


the FAB QuadWhere stories live. Discover now