Seductively Yours 21

3.4K 72 0
                                    

Nakatitig lang ako kay laron dahil nakatulog siya, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayun kasi sa tv ko lang siya nakikita noon, pero nang dahil sa extra shooting kong yun sa movie niya napansin niya ako, still nagdududa pa rin ako kay laron,

"oh he feel asleep" napaayos ako nang upo nang makita ko si daddy.

"dad?" tawag ko kay daddy nang ngumiti siya, tumayo ako at nilapitan si daddy.

"daddy im scared baka kasi" napatingin ako kay laron nang umiling iling si daddy at hinaplos haplos ang pesnge ko.

"trust him baby" sinabi ito ni daddy na may ngiti sa labi.

"dad?" takang tanong ko pero talagang nakangiti si daddy sa akin.

"okay lang po kayong boyfriend ko siya?" tumango si daddy sa akin.

"may isang bagay lang talaga akong sasabihin sayo anak, just trust him alam mong actor yang boyfriend mo, ayokong umiiyak ka dahil nagseselos ka sa kissing scene niya, don't kasi trabaho lang yan, just always remeber his heart is in you too" nagtataka ako kay daddy bakit parang sigurado siyang hindi ako sasaktan ni Laron.

"his a good guy anak, napaka swerte mo sa kanya kung alam mo lang mira" dahil doon mas lalo akong na curios kay laron.

"pero hindi pa niya ako nililigawan daddy tapos kami na" napangiti si daddy.

"courting is a waste of time, why don't you date while his courting you" pareho lang sila nang sinabi ni laron.

"habang kayo naman pwede ka naman niyang ligawan and you can get to know more" napatango nalang ako kay daddy.

"so be good at laron, his your boyfriend after all" i look at dad.

"Dad thank you" he smile at me and kiss my forehead kaya napapikit ako and dad caress my cheeks kaya napatitig ako sa kanya.

"All i want for you is to be happy, okay" tumango ako sa kanya at nagpaalam na si daddy kaya napatingin ako kay laron, I decide to take a shower while his still sleeping para naman mabango ako, isang linggo pa naman akong walang ligo.

Nang matapos akong maligo at magbihis tulog pa rin siya, nagtataka ako bakit siya nandito ngayun, wala ba siyang trabaho? Habang nag susuklay ako ay nakatitig ako sa kanya nang biglang mag ring ang cellphone niya kaya kinuha kasi si Tito Ash ang tumatawag kaya sinagot ko agad.

"Laron nasaan ka ba? May Meeting pa tayong pupuntahan para sa re reading mo sa drama series" napalunok ako at huminga nang malalim.

"Tito si Mira po ito, natutulog po si Laron gigisingin ko po ba? Mukha kasing pagod na pagod kanina pa po siya natutulog mag dalawang oras na po" sagot ko at narinig ko ang pagbuntong hininga ni tito.

"Ganun ba Mira, talagang pagod yan maaga kasi siyang nagising dahil sa paghahanda sa press conference tapos hindi rin siya makatulog nang maayos kakaalala sayo, lagi nalang kasi niya akong kinukulit na padalhan ka nang bulaklak, gusto niyang dalawin ka kaso sabi nang daddy mo tulog ka pa, kaya nung tumawag daddy mo kanina, nag excuse siya nang maaga sa conference kahit kailangan niyang e meet yung mga ka co-stars niya nag aalala talaga siya sayo mira, saka hayaan mo nalang muna siyang matulog ngayun lang yan nakatulog nang mahaba, mas mabuti na rin siguro kong bukas na siya umuwi dahil bukas magsisimula ang taping niya, nang may tulog naman siya" bigla akong naaawa kay laron dahil sa sinabi ni tito ash.

"Okay po tito salamat" pinatay ko na ang tawag saka napatingin sa mga bulaklak na nasa vase ayaw na yaw pa naman ni mommy nang bulaklak na pinipitas, mas mabuti sigurong itanim ko nalang din ito bukas. Ilalagay ko na sana sa gilid nag cellphone niya nang mapansin ko ang wallpaper niya, ako ito nakaupong nag iisa sa dagat at nakapikit na may ngiti sa labi, ito yata tong oras na binulabog niya ako pero ang ganda nang kuha niya lalo na sa sunset.

Bigla akong kinilig kaya humiga ako sa tabi niya nang gumalaw siya at tinignan ako.

"Love" nagulat ako sa boses niya, bigla kasing naging smooth yung parang batang nagpapacute parang ganun, nanging total baby voice siya and baby act.

"I want a cuddle" sabay yakap niya sa akin at sinama ako sa kumot niya.

"you what?" Tanong ko ulit

"Cuddle, i want cuddle" napangiti ako dahil yung boses, his baby voice.

"Love please" pagtatampo niya kaya pinaunan ko sa kanya ang braso ko at niyakap siya , agad agad naman siyang yumakap at nagtalukbong nang kumot pero siya lang at dinukmo ang mukha niya sa dibdib ko kaya medyo naiilang ako dahil first time ko yatang may kayakap sa kama ko, pero dahil feel ko nakatulog na siya ay niyakap ko nalang din siya at pinatay ang ilaw tanging dim lights lang ang natira, kinuha ko ang cellphone niya and really wala itong password, so i just check it wala akong magawa eh, first kong tinignan is yung gallery niya, well puro litrato nang mother nature mga sasakyan at motor or drinks, selfie niyang sobrang gwapo at litrato kong stolen shot, sa stolen shot niya sa akin ang dami nun, like nun first time naming pagkikita sa dressing room, nakapikit ako habang may nag mamake up sa akin tapos yung pag aching ko, sobrang dami nun pero napangiti ako, kinilig nang sobra and last is yung litrato namin sa dagat yung hinalikan niya ako na siyang gulat na gulat ako, bigla siyang gumalaw at pinatong ang kaliwang paa niya sa binti ko pero hindi ko nalang ito pinansin at hinaplos haplos ang buhok niya while scrolling and looking on his selfie may selfie siyang naka tuwalya lang na pwede na akong maglaway, ang ganda pala nang katawan ni Laron, mala model ang hubog, sa picture ko palang nakita naglalaway na ako paano na kaya sa personal, pero wag muna ngayun hindi ko pa yata kayang makita ito nang personal.

"Love" tawag niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya at humiwalay nang kunti.

"You already accept me right?" Baby voice niyang tanong kaya ngumiti ako.

"I did na nga matulog ka na, gigisingin nalang kita pag kakain na" pumikit naman siya saka ngumuso.

"Kiss? Where's my kiss?" Napakagat labi ako dahil doon.

"Love come on" napangiti ako kasi ang cute nang baby voice niya kaya marahan akong yumuko and i just give him a smack at napangiti naman siya saka ulit dumukmo sa dibdib ko at natulog ulit.


to be continued....

TheMirrorPrincess

Seductively Yours (18+)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon