chapter 8: Verdad

20 7 0
                                    

You know mom? I'm getting
married, I hope you're still here to witness how I walked down the aisle...

I promise I'll be back tomorrow mom i love you.

Odelia Barcelona Luxury Offshoulder wedding gown? Or European Luxury Style Long trail wedding gown? you choose.

Qutarah ija? Darating ang Pamilya ng mapapangasawa mo mamayang hapunan.

Whether you like it or not tomorrow you will be mine. No one can change that Qutarah No one!..

Dion may problema ba?

Nagising ako sa isang malawak na puting kwartong kinalalagyan ko, maraming taong pamilyar ang sumasakop sa malawak na espasyo nang kwarto.

"Qutarah my daughter." Napadaing ako sa sakit nang yakapin ako ni dad.
"I'm sorry anak..." Bahagya itong lumayo ngunit pinigilan ko ito.

Ang sarap sa pakiramdam na narito ako ngayon at kasama kong muli sila.

"Naaalala mo na ang lahat i think?" Sinserong saad ni naithan na nakaupo sa isang tabi.

"Y-yeah thankyou..." Napalingon ako kay ava na nakatayo malapit sa kinauupuan ni naithan kasama ang kaniyang ina.

"You're back..." Halata sa tinig nito ang kasiyahan hanggang sa mga luha nitong pumapatak.

"Sinabi ko naman sayo." Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ito saakin at pinupunasan ang luha kong kanina pa pala tumutulo.

"Welcome home ija" Marahang lumapit si manang ester saakin at hinawakan ang aking mga kamay.

Napadapo ang tingin ko kay cavin at sa lolo at lola nito. Sa pag-kakatanda ko hindi naging maganda ang huli naming pag-kikita ni cavin.

"Hindi mo ba ako kakamustahin manlang finacè, ko?" Biro ko dito na ikinatwa naman nito.

"I miss you, but i am not your fiancè madam..." Agarang saad nito.

"Madam huh?" Hindi ito sumagot at tumawa lang. "Hindi ako inform na hindi na kita fiancè." Pabirong dagdag ko pa dito.

"Kinailangan kitang ipakasal kay cavin anak dahil sa maling hakbang na nagawa ko." Tiningnan ko si dad nang nag-tataka.

"A-anong hakbang dad? Hindi ba ay dahil sa business mo iyon?"

"Ngunit alam kong mali ang naisip kong solusyon sa problema ko kaya hindi mo na kailangan pang mag-pakasal sa taong gusto mo anak, Patawad qutarah anak." Imbis na sagutin ay ipinagpatuloy ni dad ang eplanasyon. Dahil sa sinabi ni dad andito nanaman yung mga tumatakbong tanong sa aking isipan.

Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now