Chapter 1:School Library

1 2 0
                                    

In the library.....

"Hey, Lin?!" She forced me to stop reading and snapping me at the back of my book.

"What? I'm reading. You can say that to me without looking to you, my ears are ready to listen" She sighed.

Maverick Dela Fuente is my college friend. We're both second year college accounting student yet she doesn't even care about her grades at all.

In short, palaging nangongopya sa'kin kahit parating nahuhuli sa prof at kahit may warning of suspension na.

"Alam mo ba na meron pala tayong transferee sa department natin. Alam ko na management accounting ang kinuha niya kaya masasabay natin siya sa ibang mga class. Nakalimutan ko name niya, cysztt" She paused at kinuha ang phone mula sa bulsa niya.

"Tanungin ko muna si Klea" As if na may pakialam ako sa transferee sa department namin.

"I don't like to waste my time for that transferee. Hindi nakakatulong sa grades ang transferee, Mavz" She just rolled her eyes while focused on her phone.

Ang kaibigan kong ito ay kilala sa buong department namin bilang "streamline", if gusto mo malaman ng update sa mga nangyari ngayon, doon kay Mavz direkta dahil alam lahat niya yon. Ano pa ang silbi sa tanyag na streamline sa kanya.

"Oh! heto na, Feliocine Samkea Enriquez!" Then she placed her phone in front of me, as if may intersado ako diyan. "Weird ng name niya noh pero ang hottiiee parin" Parang mamumulaklak na ang mata ni Mavz sa pagzoom ng abs ng Samkea na yun.

"Yukkk! Zinoom mo pa talaga. Sobrang landi mo din no Mavz, landiin mo din paminsan-minsan ang grades mo Mavz para gumalaw" Hindi pa din niya inalis ang mata sa picture ng Samkea na yun. Dedma lang ang bruha.

Ipinakita lang niya naman sa akin ang picture ni Samkea na naka topless and wearing just boxer of bench, nagmo-model ata.

Itinuon ko balik sa pagbabasa ng libro at hinayaan si Mavz sa kanyang ginagawa. Maya lang e magkakaroon kami ng quiz sa isang strict professor namin. Siya ang nagbigay ng warning of suspension kay Mavz.

"Hey, Mavz! Ayaw mo talaga magreview? You know naman kung anong gagawin sa'yo ni Mr. Garcia" I looked at her and I'm waiting for her to answer.

"I know, I know. Tingnan mo muna 'to Lin sobrang hottie niya talaga. I think matutunaw na ako anytime dito" Sobrang tutok talaga siya habang ini-scroll ang lahat ng pictures ni Samkea.

Well, bilang isang dilag na babae-

"Hindi ka isang dilag na babae, Lin" Nagulat ako sa tinuran sa akin ni Mavz. Wait, what?! Nababasa niya ang nasa isipan ko.

"Oh! natulala ka diyan? Diba palagi mo naman 'yan sinasabi sa akin na isang kang dilag...na birhen pa ang mga mata mo sa mga ganito tuwing may ipinakikita ako na papa hottie sa'yo" Hindi pa din niya inaalis ang mukha sa phone niya.

Tama si Mavz. This is not the first time na may ipinakita siya sa akin. Hindi lang kagaya ngayon na transferee ang ipinakita sa akin. Wala akong balak na magkajowa, study first muna bago pag-ibig.

May fifteen minutes nalang kami bago ang quiz kay Mr. Garcia kaya tiniklop ko ang libro at binalik sa book shelf nito.

"Saan ka pupunta, Lin?"

"Isasauli ko na'to. May fifteen minutes nalang tayo bago ang quiz"

"What?! Pahiram muna ng libro"

Pilit niyang inagaw sa akin ang libro pero hindi ko bibigay sa kanya.

"Lin, bigay mo na sa akin please"

"Akala ko ba tapos ka na magreview. Ang abs ni Samkea ang isagot mo sa quiz" I chuckled.

"Luhh! Friend talaga ba kita? Pahiram na please"

"Nagsinungaling ka pa sa'kin para lang sa transferee. Hanep mo din Mavz noh? Talagang binandera mo ang pagiging streamline ng department natin. As if naman na papansinin ka ng Samkea mo" Natawa na lamang ako dahil sa reaksiyon ni Mavz. Parang batang iiyak dahil kinuha ang candy.

"Sama mo, cyszzt! Cyszzt ba talaga kita? Parang hindi ka na nasanay sa akin ha" May pagkadismaya sa tono niya.

Tumalikod ito sa akin. Hindi naman big deal ang nangyari ngayon sa amin ni Mavz. Kunwari lang ganyan yan para maibaba ko ang pride para sa kanya.

"Eto na oh" Lahad ko sa kanya ang libro. Hindi niya ako pinansin

"Huwag na, natatarayan na ako sa'yo. Okay na ako dito kahit wala akong maisagot mamaya tutal hindi ka na naman concern sa'kin" Big words kay Mavz. Parang alam ko na yata kung saan ito papunta.

"Sige na nga huwag ka nang magreview. Pakokopyahin na kita sa quiz. Basta ipangako mo sa'kin na huwag kang magpapabisto kay Mr. Garcia para hindi tayo malintikan"

Humarap si Mavz sa akin na may malapad na ngiti. See? Iyon lang naman ang gamot para matangal ang kadramahan niya. Sanay na ako, sanay na akong mapapagalitan ng prof at dean dahil sa kanya.

The reason why ayos sa akin na pakopyahin si Mavz tuwing quiz or exam e kase father niya ang dean ng department namin. Hindi naman siya pinapagalitan kunwari lang pinagsasabihan para akalain ng mga prof na talagang pinapagalitan kami. It's a long story kung bakit ganun ang trato ng father sa kanya.

Tuwing nasasangkot ako ay yung father ni Mavz ang palaging humihingi ng depensa sa akin kahit ginusto ko naman rin. Palagi niyang sinasabi sa akin na "thank you for always there with Maverick". I always wondering kung bakit sinasabi iyon sa akin ng father niya. Wala akong maliit na information sa pamilya ni Mavz kahit kaibigan ko siya aside sa mayaman sila.

Parating iniiwasan niya magsalita sa pamilya niya. Hindi naman ako usisera kaya wala akong magawa kundi respetuhin si Mavz.

Niyakap niya ako at tumiwalag din ako sa pagyakap sa kanya.

"Maya na 'yang kadramahan mo Mavz. Punta na tayo baka mahuli pa tayo sa klase. Malayo pa naman ng school library sa building department natin"

"Okay bastat lilibre nalang kita mamaya. Bawi ko na din yun" Sabay halakhak niya.

"Bastat sabi mo" Then we both laughing as we go out at school library.






This chapter reminds us to study well🙂. Huwag kayong gumaya kay Mavz lol.

When Lightning Strikes TwiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon