Chapter 2:Mr Garcia

1 1 0
                                    

Bigla kaming nahinto nang hinawakan ako ni Mavz sa kamay.

"Oh bakit?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Tumingin muna ako sa relo ko, may dalawang minuto nalang kami bago ang quiz.

"Naiihi ako, cyszzt. Mauna ka nalang kaya sa room natin" Suhetsyon sa akin ni Mavz habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa pantog.

"Sige! Bilisan mo nalang para hindi ka mahuli" Hindi pa nga ako natapos sa sasabihin ko e umalis na agad siya at tumakbo papuntang comfort room.

Hindi naman malayo ang comfort room sa department namin dahil nasa first floor lang ito. Samantala nasa second floor lang kami na may dalawang room na namamagitan sa hagdan patungong room namin. By block kase kami, block A kami ni Mavz.

Sinimulan ko nalang ang paglakad ko at nagdadaling pumasok sa room namin. Naaubutan ko silang nagre-review yung iba e busy sa pagme-make-up at iba naman ay daldal lang ng daldal sa mga katabi na para bang ilang taon hindi nakausap.

Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ang notes na may laman na keywords sa quiz.

Binuklat ko ang libro at tsaka nagbasa nang nagbasa. Tumingin muna ako saglit sa relo ko, isang minuto nalang at wala parin si Mavz. Ang tagal naman ng babaeng 'yon.

Ilang saglit lang ay pumasok na si Mr. Garcia na may dalang record book at red ballpen. Instead sa black na ballpen e mas prefer niyang dalhin yung red dahil alam niya na babagsak kami lahat kapag siya na ang prof namin. Ganyan ka terror si Mr. Garcia sa amin.

"Prepare lenghtwise" He calmy said.

Ipinatong niya ang kanyang gamit sa kanyang lamesa.

"Is there anything bothering you, Ms. Winston?" Nabalik ako sa reyalidad ng tanungin ako ni Mr. Garcia. Napatingin sila lahat sa akin.

"Ah-a no, sir" Nauutal kong sabi kay Mr. Garcia. Taas-baba ng mukha ang kanyang isinagot sa akin.

Asan na ba si Mavz? Bakit ang tagal niyang dumating?

Ilang segundo lang ay iniluwa ng pinto si Mavz. Hingal itong nakatayo sa pinto. Tiningnan ko si Mr. Garcia na nakatingin din kay Mavz pero walang lumabas sa bibig niya para sermonin si Mavz.

Pumasok agad si Mavz at umupo sa tabi kong upuan.

"Ba't ang tagal mo? Huminga ka muna" Tanong ko sa kanya habang kumukuha ako ng yellow pad sa bag ko.

"May tubig ka?" Inabot ko sa kanya ang nature spring na nasa bag ko. Buti nalang may naitabi akong tubig kanina.

Uminom muna ito bago magsalita. "Ganito kase 'yun may nagkumpulan sa hagdan tapos hindi ako makadaan kaya ang ginawa ko ay hinintay sila matapos" Inabot uli niya ang tubig sa'kin.

"Ano bang meron doon?"

"Cyszzt! Si Samkea pala ang may gawa nun. Sobrang hottiiee niya talaga in person, mas hottiee pa sa picture na ipinakita ko sa'yo. May pictures nga ako sa kanya kanina kung bakit natagalan akong nakapunta dito" She astonished while seeing Samkea in person.

"Lower your voice" I said at ibinigay sa kanya ang kalahati ng papel.

"Thanks" Kuha niya then she smiled.

"Mas inuna mo pa si Samkea kesa sa quiz" Hindi pa naman nagsisimula magquiz si Mr. Garcia kaya may oras pa akong kausapin si Mavz.

She's not answering me kaya hinampas ng very light ang braso niya.

"Aray!" Sigaw niya na napakavery light din. "Bakit mo yun ginawa, cyszzt? Teka lang, sinulat ko pa ang pangalan ko"

Habang hinintay ko siya ay nagmasid muna ako sa paligid. Lahat sila ay may kanyang ginagawa. Si Mr. Garcia nakatuon sa record book at parang may importanteng sinusulat na hindi ko alam. Siguro part yun sa quiz mamaya.

"Tapos na ako, cyszzt. Ano nga ulit tanong mo kanina?" Nakatingin na siya sa akin.

"Ang sabi ko lang po e bakit mas prinioritized mo pa yang Samkea ke'sa sa quiz natin?" I said in lower voice as much as possible.

Naghintay akong sasagutin niya yun pero she's just smile while looking to me. Luhhh! May tama na siguro sa utak.

"Anong tinawa-tawa mo diyan? May mali ba sa tanong ko" I'm so confused while saying that. Then, I snapped her.

"Are you daydreaming with Samkea in your future?" Base na din sa mukha niya na parang sasabog anytime dahil pulang pula na.

"Parang ganun na nga cyszzt" I just sighed.

Napaayos bigla kami ng upo nang bigla kaming tawagin ni Mr. Garcia. "Ms. Winston and Ms. Cuarez, parang importante yata ang pinag-uusapan niyo. You can leave to my class now, the door is widely open for the both of you" He said in a serious tone.

I deeply sighed. All of them are staring to us. This is not the first time to call our names during his class. Pilit kong kumalma at harapin ang sitwasyong ito.

I'm about to talk nang bigla may nag ring na phone. Wala sa katabi ko nanggagaling ang tunog ng phone kundi sa harapan---kay Mr. Garcia.

"I'm sorry class, I need to answer this phone call first. By the way, ligpitin niyo nalang ang gamit niyo. Ipagpabukas nalang natin ang quiz. Class dismiss" Kinuha niya agad ang kanyang gamit at saka umalis.

Because of phone call ay dinismiss agad ang klase. Savior namin ang taong tumawag sa kanya. Buti nalang nalusutan namin ang sermon.

"Pasalamat tayo na may tumawag kay Mr. Garcia. Naiwasan tuloy natin ang sermon niya" Halakhak ko tapos inililagay ko lahat ang gamit sa bag.

"Oo nga. By the way, babalik na ba tayo sa dorm. Dadaan muna kase ako sa cafeteria may bibilhin lang" Gaya ko ay inilagay din niya ang gamit sa bag.

"Samahan nalang kita. Diba sabi mo ililibre mo ako" Muntik ko nang nakalimutan ang libre. Buti nalang nabanggit niya ang cafeteria.

"Hindi nga tayo nakapagquiz. Bukas nalang kita iilibre, pwede ba cyszzt?" Her puppy face makes me not to say no.

"Sige na nga basta bukas ha?!" Hinawakan ko ang kamay niya. "Tara na nga"

"Cyszzie ka nga talaga kita hehe" Then we went out from our room.












What is daydream?

     A pleasant thought about your life or future that you have while you are awake. (Source: Merriam-Webster Dictionary)

When Lightning Strikes TwiceWhere stories live. Discover now