Chapter 1

151 20 3
                                    

Psh. Wow! Mabango ha? Ano kaya pabango niya?

“Oh noona bat basa ka? Iniinom yung juice noona hindi nililigo.” Pang aasar ni Jeongwoo ng makita niya akong basa na halos mamatay na kakatawa

Nagpunas ako tsaka siya tinignan. "Kasi hindi ako tuyo. Alam ko Jeongwoo." Pagsusungit ko kay Jeongwoo.

"Sobrang labo na talaga ng mata mo noona no? Palitan mona kasi eyeglasses mo sobrang tagal na sa mata mo niyan.” Pagbibiro ni Jeongwoo kahit kelan talaga e. "Bye noona! Hinihintay na ako ni hyung baka magalit na sakin yun.”

“Lagot ka niyan kay Yedam badtrip pa naman kanina yun. Byeeeee!” Pananakot ko kay Jeongwoo. Napakaingay ko talaga.

Pinunasan ko ang damit ko gamit yung panyo ni oppa baka sakaling matuyo pa.

Habang naglalakad ako pauwi diko mapigilang  mapangiti habang tinitignan yung panyo ni oppa kyeopta. Ang cute kasi nung dimple niya! Niladlad ko ang panyo para sana pagpagan ito napalaki ang mata ko ng makakita akong burdang “ROBOT” sa pinaka gilid, maliit lang ito at di mo mapapansin agad.

Pagbukas ko ng gate ay si unnie na ang bumungad sakin.

“Saeeeeeeng! Kanina kapa namin hinihintay! Ang tagal tagal mo! Teka! Bakit basa ka umulan ba?” Sumilip pa si unnie para tignan yung daan kung basa ba.

“Unnie uniform ko lang nabasa ulan agad? Hindi ba pedeng natapunan ng juice?” Pagsagot ko sa oa kong unnie.

“Oh no! Sino bumuhos ng juice sayo? Nabully kaba?” Ayan na si Mrs. Oh no si mama talaga porke ganto ako bully agad? Well ganon naman kasi dati kapag uuwi akong basa nabubully ako hays.

“Bully agad ma? Hindi ba pedeng lampa ako? Bahala nga kayo jan maghihilamos muna ako!” Pag susungit ko kunware tsaka na nagpaalam kina mama at unnie na papanik muna ako sa taas.

Pagpasok ko sa kwarto ko naupo muna ako sa may vanity table ko para tignan yung sarili ko. Nakatitig lang ako sa salamin habang tinitignan yung sarili ko. Ang gulo ng buhok tapos ang putla putla kopa hays! Napatingin pako sa damit ko. Ang dugyot ko tuloy tignan dalaga nako pero wala padin akong ka ayos ayos. Paano nako magiging sikat niyaaan. Inalis kona ang sapatos at medyas ko at salamin sa mata para makaligo nako.

Pagpasok ko sa banyo. Sempre pinihit kona yung shower. Paglusong ko sa tubig biglang pumasok sa isip ko yung panyo. Mabango. Branded. Tapos may burdang “ROBOT”? Ano kayang connect ng pangalan niya sa ROBOT? Paano ko naman kaya mababalik yung panyong yun sa taong robot na yun? Di ko naman mahahanap yun sa social media kung di ko alam yung pangalan.

Pag katapos kong naligo ay lumabas na ako at nagsuot ng pantulog para daretso tulog nalanag mamaya. Maaga pa kaya hindi pako tinatawag bumaba. Inopen ko ang laptop ko at nag open sa facebook account ko.

< SINGERIST SQUAD. (Active Now)

Bang: hoy Soon, nabalitaan ko kay Jeongwoo naligo ka daw  ng juice haha.

Sang: HAHAHA. LAMPA KA TALAGA VEH!

Bang: hindi yan lampa, hindi lang talaga tumitingin sa dinadaanan haha.

Sang: AY GANON PALA YUN. HAHAHAH.

Bang: halluh seener.

Lee: Salamat naman po kasi sa concern niyo. 🙂

Sang: TAMPO KA NAMAN AGAD. HMP. MAYA NA KITA SUSUYUIN GAWIN KO MUNA YUNG ASSIGNMENT.

Lee: Ay may assignment?

Bang: meron. Hindi ka kasi nakikinig.

Lee: Ahh oo alam kona ikaw Yedam gawa kana din gagawa na din ako e.

Bang: baka nagawa kona kasi may gagawin ako ngayon hahaha

Sang: BUTI NALANG PAHINGA KO NGAYON HAHAHA.

Lee: Sana all kasi idol diba. Hmp bye na.

Pag ka log out ko ay pumunta nako sa study table ko at nag ayos ng mga gamit. Pagkatapos kong gawin ang assignment ay napag isipan kong mag ayos ng gamit ko sa bag.

Habang nag aayos ako ay nahulog yung panyo ni taong robot. Tinapos ko ng ayusin ang mg gamit ko at pumasok uli sa banyo para labahan yung panyo. Buti nalang may panglaba ako dito. Sinabay ko na ding labahan ang mga uniform ko. Pagkatapos ko maglaba ay tinawag nako ni unnie.

“Saaaaaeeeeeennnnnggggg baba na rito kakain na tayo.” Pagtawag sakin ni unnie sa baba.

“Opoooooo pababa na po.” Pagsagot ko kay unnie.

Pagkababa ko ay nakita kona silang apat na nasa hapag kainan. Umupo ako sa bakanteng upuan sa gitna ni unnie at Ae-Cha ang bunso sa aming tatlo. Habang kumakain ay nagsalita si unnie.

“Napano ka pala kanina bakit basa uniform mo?” tanong ni unnie sakin.

“Ahm kasi unnie kaninang uwian may nabunggo ako kaya natapon yung iniinom kong juice.” Sagot ko kay unnie.
Tumango lang siya at sumenyas na magpatuloy na ulit ako sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay si unnie na ang naglinis at naghugas ng pingkainan. Umupo ako sa sofa sa may sala at sinabayan sila mama na manood. Habang nanunuod ay nagsalita si papa.

“Anak,Soon.” Tawag niya sakin.

“Po?” sagot ko sakanya at tinignan ko sila ni mama.

“Diba gusto mong tularan mga kaibgan mo?” Tanong ni papa sakin.

“Alin po doon?” Paglilinaw ko baka malutang nanaman ako.

“Diba gusto mo din maging idol?” tanong ni papa habang nakangiti sakin.

“Joke ko lang po yun pa.” pagkukunwari ko.

“Asus! Sabi mo nga sakin gusto mo sumali sa GYP e!” singit ni unnie sa usapan namin. Epal talaga to.

“Ano anak gusto mo ba?” tanong uli ni papa sakin.

“Pwede po ba papa? Diba sabi niyo unahin ko muna pag aaral ko?” Pag tanong ko pabalik kay papa.

“Sinabi sakin ng unnie mo na gusto mo raw makapasok sa GYP at sabi naman ng mama mo ay matataas ang grades mo. Pero bago iyon kelngan mong mapasa ang exam mo bago kita  ipapasok doon anak araesseo?” Pagpuri sakin ni papa. “You can use your talents. You're good at dancing specially singing. You can do it anak.” Pagpapalakas ng loob sakin ni papa. Napatayo ako at napayakap kay papa.

“Kamsahamnida paaaa!” pagkatapos kong yumakap sakanya ay nagpaalam na akong umakyat a kwarto ko.

Pag pasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko ang cellphone ko nagchat sa gc namin nila Yedam buti nalang at active sila.

< SINGERIST SQUAD (Active Now)

Sang: ASAN NA KAYA YUNG LAMPA NA YUN!?

Bang: baka kumakain na o kaya nahihirapan sa assignment haha.

Sang: NAKAKALIMUTAN NIYA LANG NA MAY ASSIGNMENT PERO HINDI MAHIHIRAPAN YAN TSK. TSK.

Bang: sa bagay.

Lee: Wazzup!!!

Sang: SAN KA GALING BAT ANG TAGAL MO?

Lee: Alam moba bakit wala kang kachat? Sa sobrang laki ng mga letters na yan para kang galit.

Sang: ANO BA KASI GINAWA MO?

Lee: Naligo, nag online, gumawa ng assignment, naglaba, kumain, tapos kinausap ako nila papa.

Bang: anong sinabi nila sayo?

Lee: Pinayagan nako sumali sa GYP kaso kelangan kong mapasa ang exam.

Bang: kaya mo yan ikaw pa.

Sang: KAYA YAN. BAKA NGA IKAW PA HIGHEST SA EXAM E.


 

Beautifully Disastered ₪ Asahi HamadaWhere stories live. Discover now