Impossible ba?

0 0 0
                                    

Hi! Ako si Charles, Grade 9 na ako ngayon. Grade 6 palang ako andami nang nagkakagusto saking mga babae which is sobrang nakakairita. Kahit saan ako magpunta lagi silang nandiyan! Nagpatuloy ito hanggang sa....Nasigawan ko ang isa sa mga nagkakagusto sakin. At pagkatapos ng araw na iyon. Nagulat ako! Andami ng "rumors" na kumakalat tungkol sakin!  At nakatulong naman yun ng kunti dahil tumigil na sa pagsunod sakin ang mga babae.

Ngayon ay Grade 9 na ako at tuwang tuwa akong pupunta sa iskwelahan pagkapasok ko sa room nagulat ako dahil lahat sila hindi nabigla na nakita nila ako.

"Hmmmm siguro nakalimutan na nila yung nangyari last 3 years"

At masaya naman ako dun. Tapos kunting saglit ay Dumating na ang teacher at pinaupo kaming lahat

"Attention Class ang pangalan ko nga pala ay Binibining Joy At ako ang magiging adviser niyo ngayong taon"

"At Class may ipapakilala akong bagong estudyante na sasama satin magaral ngayon"

Pabulong kong sinabi:

"Haysss barbie Girl nanaman yan"

"Class! Eto po ang bagong estudyante na sasama saatin ngayon,  ang pangalan niya ay Austin"

Tapos nagsitahimik kaming lahat

Tapos sabay nagsigawan ang mga babae

:Eeekkk! Austin Dito ka sa tabi kooo

:Austin pwede mag chat tayo?

Sabi ko naman

Tsk! Austin! Austin! Ang itim naman

Medyo Maaitim si Austin pero matangkad at gwapo at hindi lang iyon ang kilos niya ang nakakainlove Mahilig siya magbasketball at workout at yun ang pinakagusto ng mga babae sa kanya

2 hours Later

"Yownn Recess Time na! Tara na Sean at Eva! Sabi ko

Habang Kumakain kami sa Canteen hindi ko talaga mapigilan tumingin kay Austin hindi dahil pogi siya kundi ang ugali niya ang nakakainlove

" tsk! Ano ba Charles Hindi ka Bakla! Hindi ka maiinlove sa lalakeng yan!

Sabi ko sa Sarili ko

At alam naman ni Eva at ni Sean na may gusto ako kay Austin

"Hoy Charles aminin mo na may gusto ka kay Austin" sabi ni Eva

"Hah!? Wala ah!  Baliw kaba!?
Sabi ko sa kanya

"Ano kaba Charles kilala ka namin ni Sean kaya alam namin kung inlove ka o hindi" sabi Ni Eva

"Haysss oo na may gusto ako sa kanya" sabi ko kay Sean at Eva

"Ok lang yan Charles tanggap ka naman namin at normal lang naman mainlove" sabi ni Sean

"Salamat guys pero hindi muna yan iisipin ko sa ngayon"

Bumalik kami sa Classroom at naghanda para sa susunod na Subject

Pagkadating ng Teacher ay nag introduce siya saamin AT BINIGYAN KAAGAD KAMI NG TASK SA FIRST DAY! "

Duo project daw ibibigay samin

At Nagulat ako! Si Austin ang makakasama ko para sa task!

Habang Ginagawa namin ang project hindi ko mapigilan tumingin sa kanya at nahuli niya naman akong tumitingin sa kanya at sabi niya:

"Hoyyy! Anong tinitingin-tingin mo? May gusto kaba saken? "

"Baliw! Tinitignan ko yung panget na mukha mo" sabi ko

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Imposible ba?Where stories live. Discover now