~

279 83 190
                                    

"Dra. Corpuz, ipapa-vaccine ko po sana ang anak ko" Sabi nung pasyente ko habang karga ang anak niya.

"MAMA AYOKO MAGPA-VACCINE MASAKET YUN!" Iyak nung batang babae, hmmm maybe she's around 5-6 years old??

Lihim akong natawa, ganyan din ako dati.... takot sa tulis ng karayom, kasabay pa no'n ang hapdi ng aking balat. Aguy.

"Anak hindi ba gusto mo maging healthy? Kaya tayo magpapavaccine para malabanan ng katawan natin ang mga germs at virus" Sabi nung mommy niya, tama nga naman.

"Pero mama natatakot po ako, masakit yan eh baka mahimatay po ko sa sakit" Malungkot na sabi nung bata habang pinupunasan ang mga luha niya.

Hmmm may naisip ako para di na siya umiyak!

"Hi baby! What's your name?" Malambing kong tanong at napatingin siya sakin. Please sana umeffect!

"Di na po ako baby, big girl na ako. Allea po ang pangalan ko" Magalang niyang sabi

"Allea, alam mo ba ang mga big girl na tulad mo ay nagpapavaccine para lumaki silang strong, smart, and healthy. Kung hindi rin dahil dito, mas malaki ang possibility na magiging sakitin at lagi bibili mommy mo ng gamot. Malulungkot din siya kasi nagkakasakit ang princess niya. Gusto mo ba na sad mommy mo?" Pagpapacute ko habang tinatapik ang kanyang maliliit na balikat - it's my way of reassuring my patients that pain is temporary and we will all be okay.

Agad agad siyang umiling at ikinatuwa ko naman 'yun. Alam kong masama ang mag take advantage pero why not grab the chance? In a good way naman.

"Hindi po ba talaga masakit 'yan?" Tanong niya sabay turo sa injection na hawak ko. Nginitian ko siya "Hindi naman, parang kagat lang ng langgam" Sabi ko. Well, us, doctors always say that.

Humarap siya saakin at pumikit. 'Di ko napigilang matawa sa reaksyon nung bata, nilagyan ko muna ng alcohol ang balat niya at dahan-dahan kong tinurok sa kanya ang injection

"AAAAA ARAY ANG SAKIT PO!" Sigaw niya at nagpipigil ng luha.

Bumulong ako sa kanya "Remember, you're a big girl na diba? Big girls can overcome these challenges, this too shall pass" Sabay kuha ko ng cotton buds para hindi na umagos ang dugo at linagyan ito ng band aid.

"See Allea, tapos na!" Masaya kong sabi at napangiti siya "Akala ko po ba parang kagat lang ng langgam eh bakit parang ang sakit po?" Nagtataka niyang tanong at natawa na lang ako.

"At dahil brave ka Allea, bibigyan kita ng ice cream" Sabi ko at napatalon naman siya sa tuwa "Yey ice cream! Mommy may free ice cream ako oh!" Sigaw niya at napangiti nalang ako.

Kinuha ko ang ice cream sa fridge ko at ibinigay ito sakanya. "Thank you po doctora Nathalia!" Sabi niya at kinain na ito. Napangiti naman ako "You're welcome Allea"

Lumabas na ko sa consulting room para makakain na ng lunch. Ang hirap talaga maging doctor, sobrang dalang lang ng mga ganitong time na free sched ko, kaya linulubos ko na.

"Dra. Corpuz!" Napalingon ako at nakita ko si Doc. Aquino na tumatakbo papalapit sakin. Hula ko aayanin nanaman ako neto na sabay kaming kumain.

"Tara sabay tayo kumain?" Pag-aya niya. Hmm gusto ko sana pero naaalala ko nga na may kailangan nga pala ako bisitahin, bigla nanaman ako linamon ng kalungkutan at kaba.

"Death anniversary ngayon ng kapatid ko eh, bibisitahin ko siya sa sementeryo at dun na lang siguro ako kakain" mapait kong ngiti, pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

"Aaah. Sige, okay lang, ingat ka ha" tapik saakin ni Doc Aquino at umalis na ko.

Masyado na ba talaga akong babad sa trabaho kaya muntik ko na makalimutan ang death anniversary ng kapatid ko?

Healing ScarsWhere stories live. Discover now