Chapter 7

3 1 0
                                    






SB19 (KEN) POV


"Ken!!"


"hmm?"




"gising na nandito na tayo magkakalahating araw ka ng tulog dyan iiwan ka namin dito!"






"nandito na? parang katutulog ko lang eh" tinugnan ko ang bintana nakalapag na nga ang eroplano at wala na din ang ibang tao sa mga upuan "nasan sila?"







"Kabababa lang din nila Stell at Jah si Sej nauna na daw sabi tatang kasama naman nun ung ibang staff baka maabutan pa natin kaya bilisan mo na"






Tumayo na din ako agad at sumunod kay Josh nakita ko nga na nagaantay saamin sila Stell at Jah kasama ang ibang staff binilisan na namin ang lakad pinagintaan kami at may mga guard na din na umalalay dahil sa dami daw ng tao na nagaantay saamin kaya kailangan kaming bantayan, eh pano si Sejun?








Kinuha na namin ang mga gamit namin at nagmadali ng lumakad palabas, totoo ngang madaming A'tin ang nagaantay saamin kinawayan lang namin sila habang naglalakad.






namiss ko ang mga pinoy A'tin kasi sila ang dahilan kung bat kami nandito sa kinatatayuan namin syempre dahil din kay Lyra kung di dahil sakanya at sa tweet nya wala kami baka nagkahiwahiwalay pa kaming lima.







"WOAH!!!grabe padin ang mga A'tin dito ang hhighper masyado pinagpawisan ako" sabi ni Stell hmm mukhang okey na ang besspal ko gumaan na ang mood eh.






"Kuya nasan na po si Sej?" tanong ko dun sa isang staff na kasama namin ngaun sa van.







"Ahh Nauna na kasama si Tatang Robin gusto na kasing umuwi iyong si Paulo pero maykailangan daw muna kayong gawin sa  opisina kaya dun muna kayo didiretso" ahhhh






"kaya nga aalis na tayo ngaun dahil nagmamadali iyong si Sejun,may emergency ata" sabi ni Ate Rapple na kasama din namin.











HABANG nasa byahe kami nadinig ko na may tinawagan si Josh.








"Hello Sej?.........oo papunta na kami dyan.........Kalma ka lang medyo traffic kasi..........Oo  malapit na kami kumalma ka nga lang kasi dahil nandito na tayo malapit lang naman na tayo gusto mo samahan pa kita.....Oo na sige sige.....oo tahimik lang.....geh bye malapit na kami"






"Ano ba kasi problema ni kuya Pau?" si Jah






"May emergency ata sa bahay nila di ko alam nagmamadali kasing umuwi kung pwede lang nun na pagmadaliin ung piluto kanina ginawa na nun, Wag nyo na lang inisin si Sej baka lalong sumama ang mood" ano namang emergency at di sinasabi saamin? sana walang masamang nangyari sa family nya.











PAGKARATING namin sa building ay tumakbo na kami papasok naabutan namin si Sej na nakaupo nauna kasi akong pumasok , di ko alam kung ako lang ba o namamalikmata ba ako na pagpasok ko biglang nagpunas ng luha si Sej ewan ko.







ComeBackWhere stories live. Discover now